Julia's POV
"Nang dahil sa akin, nasagasaan si Katherine. Nang dahil sa akin nandito siya sa ospital, at hindi alam kung ano ang mangyayari sa kaniya. Nang dahil sa akin, nag-aagaw buhay siya. Ako ang dahilan ng lahat-lahat kung bakit siya naghihirap. Hindi ko akalain na sa rami ng maling ginawa ko sa kaniya ay nagawa pa niyang, iligtas ako. Ako sana ang nag-aagaw buhay. Iniligtas niya ako. Dad, sorry po", sabi ko kay Dad habang nakaupo kami sa isang upuan sa ospital at naghihintay sa balita ng doktor. Dahil sa nangyari, ay umaagos ang mga luha ko gaaling sa aking mga maata.
"Anak, kasalanan ko ito. Kung may oras pa lang ako para sa iyo, hindi ka magkakaganito. Hindi sana natin ito, maransan ang ganitong problema. Julia, sana patawarin mo rin ako", sabi niya habang lumuluha.
Niyakap ko siya at niyakap niya rin ako. Pareho kaming dalawa ang umiiyak. Sana maging okay ka lang, Kath.
(Flashback)
"Julia, teka lang" sabi ni Kath sa akin bago mangyari ang aksidente.
"Pwede bang huwag mo akong sundan", sabi ko.
Dumiretso ako at pumunta sa gilid ng kalsada. Malalim na ang gabi at malamig ang simoy ng hangin. Walang masyadong, dumadaan na sasakyan.
Naabutan niya ako doon, at hinawakan niya ang kamay ko. "Saan ka pupunta? Halika ka na, baka mapano ka pa", sabi niya sa akin.
"bitiwan mo nga ako. Bumalik ka na doon. Hindi kita kailangan at mas lalong hindi ko kayo kailangan", sabi ko.
"Bakit ka ba nagkaganyan?", tanong niya ulit. Paulit-ulit nalang siya nagtatanong.
"Dahil nga sa'yo. At pwede bang bitawan mo nga ako", sabi ko. Pinuwersa ko ang kamay ko na makawala sa kapit niya sa akin kaya nakawala ako. Agad akong tumawid sa kalsadaa, nang biglang may napansin akong mailaw na bagay kaya humarap ako.
Katherine's POV
Tumawid si Julia pero may kotse na papalapit sa kaniya.
Tumingin siya nito at Naku, masasagasaan siya nito.
"Julia! Tabi", sigaw ko sa kaniya pero parang hindi niya ako narinig kaya agad akong tumakbo at pumunta sa kaniya.
Palaging bumubosena ang kotse sa kaniya pero hindi niya ito marinig, at nang makarating na ako sa kaniya. Itinulak ko siya palayo, malapit na ang sasakyan at papalapit na sa akin, paalis na sana ako doon pero huli na ang lahat.
Julia's POV
Nadapa ako sa kabila ng kalsada dahil tumulak sa akin. Tinignan ko ang sarili ko, marami akong gasgas, sa tuhod ko at sa kamay ko.
May narinig akong tunog ng kotse na nasagasaan. Naghiyawan ang mga tao na tila di makapaniwala. Lumingon ako sa likod ko at doon ko nakita ang isang babaeng naka-pink gown na nakalaratay sa kalsada.
Pamilyar sa akin ang gown na yun. Maya-maya ay lumabas ang isang lalaki galing sa kaniyang kotse, siya ata ang nagmamaneho nito. Kitang kita ko sa kaniyang mga mata at mukha na tila hindi alam ang gagawin.
Maraming tao ang pumalibot sa nasagasaan. Tumayo ako at pumunta doon pero hindi ako masyadong naka lakad dahil sa sakit na naramdaman ko dahil sa lakas ng impact sa tuhod ko sa kalsada ng may tumulak sa akin.
"Kawawa naman siya"
"Humingi kayo ng tulong"
"Tumawag ka ng ambulance"
"Kawawang babae, nakagown pa siya"
Iyan ang mga naririnig ko sa mga tao. Lumapit ako sa naaksidente. Hindi ako makadaan dahil sa sikip ng mga tao at mas lalong hindi ko makita ang babae.
BINABASA MO ANG
The Reunited
LosoweSi Julia at si Katherine ay isang kambal. Bata pa lang sila nagkahiwalay sila dahil sa aksidente. At nang muli silang magkita, imbis na matuwa si Julia ay kinaiinisan niya ito dahil sa inggit.
