After Ive read the last page of my ' Downfall Diary ,' I lazily throw it on the trash can. Napatawa nalang ako ng maalala ang lahat ng nakasulat doon. Really?! I didnt expected that loving can be really painful.. hanggang sa tipong nasanay ka na at namanhid sa lahat ng nangyaring makakasakit sayo..
Ibinalik ko uli ang tingin sa laptop.. tumunog naman ang pintuan hudyat na may pumasok. At hindi na ako nagulat ng biglang tumalon si Lei sa kama ko. Talon ng talon at tili ng tili siya!! Oh damn it! Ang sakit kaya sa tenga. Tong baklang to talaga.. akala mo naman ang tagal akong di nakita. Eh pabalik balik yan dito!
" Grabe!!! " Tinampal tampal niya ang braso ko at kita ko ang mabilis nitong pagpula.
" Tungunu pak na pak ka na teh ah totoo palang nakakaputi dito sa SoKor!! At ang katawan mo!!! " Hinubog niya ang katawan ko at halos hindi ako makapaniwala ng umakto itong naglalaway saakin..
" Ano..? Magiging lalaki ka na noh? " Tumatawa kong saad ngunit sa gulat ko ay bigla niya kong sinabunutan. Halos mapaiyak ako sa hapdi.. nanggigigil na yan kapag ganyan!
" Bwiset ka!! The last time I check on you ang taba mo pa!! Tapos andami mong tigidig at halos kulay tsokolate na ang balat mo! Pero ngayon... woahh! " Mas lalo akong natawa at napailing nalang sa pagkamangha niya.
" Well.. guess what?! Ang laking tulong sakin ng pinsan mong doktor! " Nanlaki ang mata niya ng ibinaling sakin ang tingin..
" Nako.. nako.. may something na sainyo noh!!? " Tumayo na ko ng kama at lumayo sakanya. Nakahawak na kasi ng unan ang bakla at ihahampas niya yan ng madaming beses kapag di agad ako lumayo.
" Gaga! Walang something samin ni Quiel noh! " Nilapitan niya ko at tinusok ng hintuturo ang pisngi..
" Asus besteh wag ka mag-alala alam kong crush mo siya..! " Nanlaki ang mata ko at napaatras sakanya.. tinuro niya ng hintuyuro ang pisngi ko marahil ay namumula na ito.
" Yan teh! Ebidensya na yang pisngi mo oh!! " Napapout ako at ramdam ko parin ang pamumula ng pisngi ko sa harapan niya. Tawa ng tawa ang bruha.. kilala niya na talaga ako..
Pero kahit na nanatili silang mabait sakin hindi ko inabuso ang sobra sobrang pagtulong nila.. kahit na ubod ng kasupladuhan ang pinsan niya at kaming dalawa lang dito sa bahay.. walang nadevelop na kahit ano. I dont know? Siguro ay hindi lang ako atractive sakanya..
" Nako.. andami daming sinasama ni Quiel na magagandang babae sa bawat formal meetings na inaattendan niya! " Napatawa ako at napatango. Totoo naman.. tinungo niya ang laptop ko at halos mapatakbo ako pabalik ng kama.. nanlaki ang mata niya ng bumaling sakin..
" Stalking your ex? Teh wag ka na umasa.. balita ko .. " Iniscroll niya ang profile ni Red pero agad niya ring tinaas. Napairap ako.
" Alam ko na! Kakakasal lang nila 3 months ago. " Napatakip siya sa bibig niya at agad akong niyakap. Yeah ang kakapal talaga ng mukha nila.. sa anim na taon kong pagkawala. Ipinalabas nilang patay na ako ang kumpanyang ipinamana sakin ni daddy ay naipangalan na sakanya. Ang lahat ng ari-ariang dapat nasa akin ay napunta na sa pangalan niya! At yung kasal namin!? KASAL KASALAN LANG PALA!
" Magmoveon ka na.. ano ka ba.! " Bulyaw niya ngunit umiiling ko lang siyang tinulak. Ano bang pinagsasabi nito? Matagal na kong nakamove on! Tanging galit at poot na lang ang nararamdaman ko para sa lalaking yun.
" Ano bang pinagsasabi mo diyan! Wala na kong balak ipaalam sakanila kung sino ako no.. " Umayos na siya sa pag-upo at humarap sakin.
" Bukas na tayo uuwi.. ready ka na ba talaga? "
" Oo.. gusto kong ipamukha sakanila, kung sino ang babaeng tinapakan nila... " Tumawa siya at sinabunutan ako
" Yan ang gusto ko sayo bruha eh.. nagmaldita ka na! " Natatawa ko nanaman siyang tinitigan.. madami na ang nagbago. Well, I think this is what Ive learned from the past years. Kita ko sa gilid ng mata ko ang pagtingin sa mga damit ko..
" Ano bang plano mo at mag-aapply ka bilang sekretarya sa kumpanya mo? Eh ang yaman yaman mo na! Halos mapantayan mo na kami ni Quiel sa mga achievements mo!!! " Ngumiti ako sakanya, isang ngising mukhang may binabalak na masama.
Kung anong plano ko?
Uunti-untiin ko sila.. babalik ako sa sarili kong kumpanya hindi bilang ako.. kundi sa katauhan ng ibang babae. You heard it right, from Lei.. mayaman na ako. Money has all the powers madaling mapeke ang lahat.. ang mga ginawang kalokohan ni Red at ng asawa niya kung bakit napunta sakanila ang lahat ng ari-arian ko ay hindi ko na tinutulan kundi palihim kong ginawa ang lahat ng pagtutol. Kung kayamanan ko ang dahilan kung bakit nasira ako. Ngayon kayamanan ko naman ang gagamitin ko para muli akong mabuo.. sa pagbabalik ko.... bukas.

BINABASA MO ANG
The Ugly Wifes Revenge(Under Revision)
Teen FictionKung maghihiganti ba ako, magiging masaya ako? O mananatiling walang pagbabago sa lahat ng mga sakit na napala ko? Suzie is now signing in to her story full of tears and heartached.