Pangatlong araw.. pangatlong araw ko na tong wala man lang tulog, kain at pahinga. Napahawak ako sa ulo ng sobra itong manakit habang naglalakad ako papuntang opisina. Tinitipid ko ang sarili, dahil wala akong sasahurin sa darating na dalawang buwan. Tanging tubig at tinapay lamang ang pantawid gutom ang aking kinakain."Jesus! Suzie what the he-" Umiwas ako ng tingin kay Red na biglaang bumulaga sakin papasok ng opisina. Nagulat siya at di nya inasahang makikita ako. Naramdaman ko ang paninitig niya ng sabay kaming pumindot papataas sa loob ng elevator.
" Suzie, you look so pale... are you okay?" Hinawakan niya ang braso ko kayat pati ako ay napatingin roon. Nanlaki ang mata ko ng mapadako ang tingin niya sa kalmot na napala ko galing kay Cassy.
Walang pake si Quiel sa sugat na to, at di ko alam kung nakita niya bang sa bawat araw na dumaraan imbis na lumiit ay mas lalo lang itong lumalaki.
"What the fck? Whats this Suzie?! Sinaktan ka ba ni Quiel?" Hinampas ko ang kamay niyang nakahawak pa sa braso ko at saktong bumukas na ang elevator.
"Wala kang pake dito Red.. stop annoying me. Like your acting to be my knight in shining armor." Malamig ko lamang siyang tinitigan bago ako umalis at malungkot na lamang siyang tumingin sakin.
Nagpatuloy ako sa paglalakad ng mabilis hanggang sa makarating ako sa sariling cubicle. Kung pwede lang, ikaw nalang sana uli Red. Kaso matagal ka ng wala sa puso ko.. tumungo ako sa lamesa.
Muntik na akong madapa ng makitang may harang na paa papunta sa sariling lamesa. Halos mairita ako at mapamura ng makitang nakangiting patuya ang bruha. Mas lalo lang nag-init ang dugo ko ng makita pa itong nakangiti habang may benda sa dalawang braso at sa ulo.
"Buhay ka pa pala. Isa ka talagang masamang damo ano? Bitch!" Bulong bulong ko bago naupo sa sariling cubicle. Pinandilatan nya lang ako ng mata at nanahimik na lamang sya sa tabi.
Hindi na ko nagpatumpik-tumpik pa at agad na sinimulang gawin ang mga papeles sa lamesa. I need to tally all of this by manual. Halos manakit agad lalo ang ulo ko sa kaisipang iyon.
Mayat-maya ang pagtatapon ni Cassy ng papel sa akin ngunit di ko na lamang ito pinapansin at nagpapatuloy lamang ako sa gawain. As time passes by, dumating ang lunch at di na naiwasang manakit ng tyan ko lalo nat nananadya si Cassy na ipaamoy ang stir fried vegetables with steak na kanyang kinakain.
"Uhmm.. Babe? Nareceive ko na pala yung lunch ko. Thanks for that!" Ngingiti ngiti sya ng parang tanga, napairap ako akala mo naman kaharap yun kausap ang arte pa!
"Yes, babe sige ingat and maglunch ka narin. Love you Quiel." Bigla akong napalunok ng wala sa sarili at muntik ng masamid sa sariling laway ng marinig ko kung sino ang kausap nya. Nanghina ako. Quiel... quiel... kailan kaya yung magiging ako naman?
Natapos ko ang kalahati ng mag aala-una na ng hapon. Sobrang bigat na ng mata ko kung kayat naisipan ko munang umidlip ng kahit saglit lamang. I know malabo ng matapos ko pa ito, at isa pa hindi ko na talaga kaya sa sobrang kirot ng ulo ko at dagdag pa ang pagkalam ng aking sikmura.
Nilabas ko ang baong tubig at pinagtyagaan na lamang iyon. I need to sleep so at least I can have my overtime later..
"Suzie.. Suz..."
Unti-unti kong idinilat ang mata at nagulat ako ng bumungad sakin ang nag-aalalang mukha ni Red. Umayos ako ng upo at tumingin sa paligid. Kaonti na lamang ang nasa loob ng opisina, napadako rin ang tingin ko sa nakatingin ng masama na si Cassy. Hindi ko na lamang siya pinansin.
"I think you've overslept." Kinapa nya ng bahagya ang noo ko kaya napaatras ako sa gulat.
"What the fck? Suzie! Bakit ang init mo?" Tinignan ko sya at umiling na lamang ako..
"I need to work.. leave me alone Red." Inisa isa ko ang dumpot ng mga papel at halos manlumo ako ng makitang andaming punit punit na papeles ang nasa sahig..
I know I cant do this anymore pero bakit pinipilit ko parin ang sarili pumasok sa buhay ng isang tao na walang pagpapahalaga sayo? Hindi ko napansing unti unti na namang naging malaking eskandalo ang pangyayari.
Sa isang iglap lang hinaklit ni Cassy ang braso ko at malakas na sampal ang tumama sa kaliwang pisngi ko.
Tanging mga nanlalabong mata lamang ang naisalubong ko sakanya, wala na akong lakas pang lumaban. Paulit-ulit niya itong ginawa hanggang sa makita ng dalawang mata ko ang lalaking minamahal ko...
kahit na paulit-ulit akong nagpapakatanga sakanya alam ko, hindi parin titigil sa pagtibok ang puso ko.
"What the fck is happening here?!" Natahimik ang lahat. Si Red na nakahawak sa braso ni Cassy ay tinanggal ni Quiel at inilagay sa likod nya.. nagtitigan ng masama ang dalawa.
Quiel.... gustong gusto ng lumabas nyan mula sa bibig ko. Mga katanungang gusto ko ng sagot. Kung ako ba si Cassy iibigin mo na ko? Kung ipinanganak ba akong maganda mula umpisa pa lamang sakin na nakatoon ang pansin mo? Kung nauna ba ako sakanya, ako kaya ang magiging first love mo?
Pero hindi na kelangan pa ng sagot... malinaw na malinaw na.. kitang kita ko na sa harap ng mga mata ko kung paano sya mabulag sa pag-ibig na kagaya ko ay nakikita lamang ang kasinungalingan at ang hindi dapat karapat-dapat ay binibigyang pagpapahalaga.
"Hushh baby.. what happened? Ano na naman ang ginawa sayo ni -"
Nakita kong tinignan ako ng lahat.. masama yun naman ako palagi sa paningin ng lahat diba? Tanging isang mata lamang ang nakita kong pumapanig sakin at yun ay si Red.
"Tangina mo Quiel! Pagsabihan mo yang si Cassy at wag mo kampihan!" Hinalikan sa noo ni Quiel si Cassy bago hinarap si Red at inabahan ng isang suntok sa mukha.
"Eh gago ka pala e! This is my fcking office! I can do what I goddamn want!"
"Really Quiel? To watch your friend getting played at by your first love? Really? Mas papahalagahan mo ang babaeng nanloko sayo kesa sa babaeng minamahal ka ngayon despite the fact that ginagago mo lang!?"
Napadako ang tingin ko sa mukha ni Cassy na biglang namutla at nakangiting pilit habang umiiling sa lahat..
"No.. baby thats not true. Wag kang maniwala kay Red. Kinakampihan niya lang si Suzie pero ako ang totoong naaagrabyado dito!!"
Napatili ang lahat ng biglang sinuntok ni Quiel ang pader sa gilid ni Red.
"Fck all of you shut up! Kaibigan? Im sorry Red but I dont even think of Suzie being my friend. She's just NOTHING! Just a worthless trash for me!" Humarap siya sakin at nanlilisik na mga mata ang sumalubong sakin. Hindi ako umatras. Wala akong ginawa..
"Cant you just fcking die? Bitch! Stop ruining our life Suzie Ive had enough of you! Im firing you if thats what you want!"
Umalingawngaw ang mga huling kataga na sinabi niya sa utak ko.. nakuha ko na ang sagot. Sa lahat ng mga katanungang nasa isipan ko. Sana mawala nalang ako.
Kung ganito lang pala ang mangyayari sa buhay ko, wala ng dahilan pa para mabuhay ako.
As tears fell down my eyes mabilisang dumaloy ang mga dugo sa sahig na nagmula sa ilong ko.. wala na akong madinig pa sa paligid at unti unting tuluyang nanlalabo ang mga mata ko..
Ill grant your wish then... Quiel. But I wanted to say Im sorry for loving you... mahal na mahal ka ng basurang ito. At sorry kung isa lamang akong basura at panget na nagmamapilit pang manghimasok sa buhay mo.
Im sorry... I love you Quiel.
————
A/note:Ill try updating again later. So sorry guys for being busy this past few days. Please also do support my new story Entitled The Diary of the Queen of Seduction. Published na po ito at nasa profile ko na. Thankyou guys.
BINABASA MO ANG
The Ugly Wifes Revenge(Under Revision)
Teen FictionKung maghihiganti ba ako, magiging masaya ako? O mananatiling walang pagbabago sa lahat ng mga sakit na napala ko? Suzie is now signing in to her story full of tears and heartached.