A/Ns: Hello kay Ate Jaerine at sa iba pang commentors at voters jan! Maraming salamat sa pagsuporta niyo. Pasensya na talaga kayo at hindi ko kayo masagot :( dulot ng sobrang lag at bagal na net. Kung gusto niyo ng dedication just feel free to comment! :D Salamat talaga ng marami :)
----
Halos magdalawa ang paningin ko dahil sa hilo hanggang ngayon.
" Oh Suz- " Nabaling ang tingin ko kay Maam Chin at bigla siyang napatakip ng bibig niya. " Ayy!.. hija anong nangyare sayo? A-ayos ka lang ba? Kumain ka na ba? " Ngumiti lang ako sakanya at umiling.
" Ayos lang po maam Chin naparami lang po ang inom ko kagabi " Para naman siyang nagulat sa sinabi ko at napalitan ng nag aalalang mukha.
" Hija.. wag kang mahihiya magsabi sakin ng problema mo "
" Nako..maam ayos lang po talaga " Tinuro ko na ang daan sakanya papunta sa elevator " Sige na po maam.. medyo late na po kasi ako "
Tumango siya sakin at ngumiti ng bahagya.. mababakas parin ang pag aalala sakanya.
Pero dumiretso na ako ng lakad papasok ng elevator.. pagkapasok ay halos mapalunok ako ng makita ang mapangmata na mga tao.. may iba pang nagbubulungan.. wala ako sa mood. Wala ako sa wisyo. Nagpalipas lang ako sa bar buong gabi at medyo nahihiya na ko dahil di pa ko nakakaligo, baka yun lang naman un dahilan kung bakit sila matamang tumitingin sakin?
" Diba siya yun? " Nakita kong tinuro ako ng babae sa katabing matangkad na babae rin.
" Nako.. oo nga. Mukha nga talagang malandi. " Halos mapahah ako sa pinagsasabi nila dahil di ko maintindihan kung anong kinalaman ko sakanila.
" Kawawa naman si Maam Cassy naku, sana maalis na siya " Bago pa ako makapagreact ay naglabasan na sila at dahil medyo nahihilo pa ko ay nasama ako sakanila papalabas at bigla akong napadapa.
Shit ang hapdi! Damn it! Ano bang problema ng mga to!? Bwiset. Inis kong pinagpag ang tuhod at palda ng biglang may marahas na humila sa braso ko papatayo.
" BITCH! ANG KAPAL NG MUKHA MONG TUMUNGTONG PA SA BUILDING KO! " Sumalubong sakin ang nanggigigil na mukha ni Cassy at nanlilisik na mga mata.
Inis kong tinanggal ang kamay niya pero napapikit ako ng biglang hinablot niya ang buhok ko
" WHORE! SLUT!! " Sinampal ko siya sa bigla at taas noong dinuraan dahil nanggigigil na ko sa sinabi niya.
" ANO BANG PROBLE- " bago pa ko matapos sa sasabihin.. ay bigla niyang itinaas ang kaliwang kamay.
* PAKK *
" Malandi ka! AHAS! " Napangisi ako ng demonyo sakanya at tinuro ko ang sarili.
" Ako? O baka naman.... Youre talking to yourself? " tinaas ko ang labi at kilay. Kahit na halos mapaiyak na ko dahil sa lakas ng mga sampal niya sakin para magdugo ang labi ko..
" Cassy!! " Tumatakbong lumapit si Red papunta kay Cassy at hinila niya to papalayo sakin.
Doon ko lang napansin ang paligid... at halos mapaiyak ako ng makita na naman ang mga mata ng taong mapanghusga at punong puno ng awa habang tumitingin kay Cassy.
Mas lalo pang nanlamig ang pakiramdam ko ng makita sa likod ni Red si Quiel na malamig ang tingin sakin.
Ang mga mukha nila.. hinding hindi ko to makakalimutan. Kahit kelan.
" BITAWAN MO KO RED!! " Pumipiglas si Cassy at bigla siyang nabitawan ni Red dahilan para masugod ako ng bruha.
" FUCKING WHORE! ANG LAKAS NG LOOB MONG KUMAB- " Bago niya pa matapos ang sasabihin ako naman ang bumawi sakanya.
Rinig kong nagsinghapan ang mga tao sa paligid at halos matuwa sila ng makabawi si Cassy sakin at mapunit ang laylayan ng palda ko. Mangiyak ngiyak na kong pilit na tinatakpan ang hita ko dahil maling galaw lang.. tiyak na makikitaan na ko.
" YAN ANG BAGAY SAYO BITCH! MALANDI KA NAMAN EH BAT IIYAK IYAK KA JAN!! " Dinuraan niya pa ko at sinipa ng dalawang beses. Tinitigan ko ang lahat sa paligid.
Wala man lang ni isang tumulong sakin.. si Red na nakayuko at si Quiel na nakatingin lang samin.. nanghihina na ko. Di ko na kaya... ang sakit sakit na eh! Pero PUTANGINA nagmamahal parin ako!
AYOKO NA!!! GUSTO KO NG MAMATAY!!
" Ano hah sino ka ba?! ANG LAKAS NG LOOB MO- " Lumapit ako sakanya at hindi sinasadyang kalmutin ang braso niya dahilan para magdugo ito.
Agarang lumapit sakanya si Quiel at Red na parehong may pag-aalala sa mukha. Ayan na naman.. SUZIE! NASA HARAP MO NA!! WAG KA NG MAGPAKATANGA!
Dahil ni ISA SA MGA LALAKING YAN di ka MINAHAL!
PAREHO KANG GINAMIT!
PUTANGINA!!
" Do we need to call the guards or youll... STEP OUT!? " Napaatras ako dahil sa sigaw ni Quiel at nanlilisik na matang bumaling sakin.
Lumunok ako at pumikit ng mariin bago bumaling kay Cassy.
" Sino nga ba ako? Ako lang naman si Suzie " Hindi Quiel... this time... hindi na.. hindi na ko aatras pa. Taas noo kong hinarap si Cassy " Ang ginago niyong tatlo! "
Nagsinghapan ang lahat ng mga tao sa paligid at nagtakip ng kanilang mga bibig dahil sa narinig
Tinitigan ko si Quiel at napaawang ang bibig niya. Bakas ang takot at pagkaputla sa magasawa. Ngumiti ako.
Quiel.. eto ba ang gusto mo? Kaya pala ganito ang lahat.. desperado mong kinuha sakin ang cellphone kahapon PARA LANG SA SARILI MONG KAPAKANAN!!
BUT..
Revenge..
Thats what I chosed.
Dahil kung sa pagmamahal.
Alam ko matatalo na naman ako.
Pero kung eto?
Tignan natin.. baka sila naman ang tuluyang maging luhaan.
BINABASA MO ANG
The Ugly Wifes Revenge(Under Revision)
Novela JuvenilKung maghihiganti ba ako, magiging masaya ako? O mananatiling walang pagbabago sa lahat ng mga sakit na napala ko? Suzie is now signing in to her story full of tears and heartached.