First of all belated Merry Christmas and a Happy New Year. Pasensya na kayo kung ngayon lang uli naka-update sobrang busy kami sa thesis :( hope youll still support this. Thanks and Godbless! Vote and comment :)
PS
Kakadebut ko lang po so talagang naging busy ang sched ko.____
Suzies Pov
Pagkatapos kong mailabas mula sa hospital ay agad akong nagdesisyon na kuhain ang lahat ng gamit na mayroon ako sa condo ni Quiel. Ang akala ko ay kailangan ko pang maghintay ngunit ng makarating ako sa tapat ay nandoon na ang lahat ng gamit ko at mabilis kong dinumpot ang puting envelope na may lamang sulat.
Mabilis ko itong binuksan at agad akong nadismaya ng malamang isa itong notice na tinatanggal na ako sa trabaho. Walang imik-imik akong mabilis na naglakad kahit na hinang hina pa at humihikbi sa nakuhang sulat. If this is what he wants, then Ill give it to him. The freedom he wanted with Cassy.
Namumutla ako ng makita ang sariling reflection ng makapasok ako sa elevator. Doon ko napansin ang lahat ng pagbabagong nangyari sakin sa mga problemang hinding hindi ko na alam kung paano pa mareresolba. My eyes look so tired from all the tears Ive shed. The paleness of my skin that looks like it might get bruises anytime. And lastly the weight Ive gained for so many years suddenly goes down. I cant even seem to recognize myself. Sinusuri ko ang sarili ng biglang tumunog ang elevator hudyat na may papasok.
Agad na nanlaki ang aking mata ng makitang si Quiel ito at hindi niya man lang ako tinapunan ng tingin kung kayat di na rin ako tumingin pa at umiwas na. Iniisip ko kung saan sya nanggaling at bakit hindi siya sa floor ng kanyang unit nanggaling ngunit hindi na ko nag-abala pang muli. Tahimik kaming dalawa hanggang sa makarating ako ng ground floor at isa isa kong dinumpot ang lahat ng gamit na meron ako.
Hihingi na sana ako ng tawad para sa lahat ng panggugulong nagawa ko sa buhay nila bago siya umalis kayat tinawag ko ang kanyang pangalan ngunit isang malamig na tingin na lamang ang ipinukol nya sakin at sinabi ang mga katagang huling huli ko ng makikita pang muli sakanya.
"Let's forget about each other. I dont want to see you ever again Suzie."
Napatungo na lamang ako at tinuloy na ang pag-alis. Hindi lamang sa lugar kung saan ako nanggaling ngunit pati na rin sa buhay ng taong minsan ko ng pinag-alayan ng buhay ko. Pumikit ako upang hayaang pumatak ang kaonting luha na nagbabadyang tumulo sa luha ko at huminga ng malalim bago magsabi sa taong tuluyan ko ng isusuko.
"I love you Quiel."
Mabilis na lumipas ang buwan. Hindi ko na muling nakita pa silang lahat. Tinapon ko ang lahat ng contact na maaaring makaalam sakanila kung nasaan ako. Maging si Red ay hindi ko na pinag-abalahan pang sabihan kung saan ako. Umuwi ako sa probinsya at dito ay payapa ang aking pamumuhay. Mahirap ngunit kinakaya. At kahit na madalas ang pagkakaroon ko ng pasa sa katawan ay hindi na ko nag-abalang magpacheck-up pa.
Tinignan ko ang sarili sa salamin. I still look so weak and anytime feeling ko ay pwede na akong magcollapse sa sobrang putla ng balat ko. Ngunit hindi ko na ito pinoroblema pa dahil natatakpan ng make-up ang lahat ng pagkukulang na mayroon ako.
"Ate Zie pinapatawag ka ni maam Del Monte." Tinapos ko na ang pagreretouch at mabilis na nagtanggal ng tshirt para suotin ang halter top na ibinigay para samin ngayong araw na to.
Tumango ako sakanya biglang pagsagot at ngumiti na lamang sya sakin.
"Ate ang ganda ganda nyo po talaga kahit na sobrang putla nyo."
BINABASA MO ANG
The Ugly Wifes Revenge(Under Revision)
Ficção AdolescenteKung maghihiganti ba ako, magiging masaya ako? O mananatiling walang pagbabago sa lahat ng mga sakit na napala ko? Suzie is now signing in to her story full of tears and heartached.