" Zoe? Are you finished? " Naglagay ako ng pulang lipstick at inayos ko pa ang tali ng buhok ko.
" Yep.. sunod na ko. " Okay na siguro tong suot ko.. Pinulot ko ang cellphone at pinatay ang lahat ng ilaw bago lumabas at sumunod sakanya..
Pagkalock ko ng pinto ay halos mapatalon ako sa gulat ng bigla na siyang nasa likuran ko.. Nakanguso at mataman akong tinititigan.
" Woah.. youre.. youre really beautiful " Napaiwas ako ng tingin sakanya at natural na namula ang pisngi ko sa narinig .. shit! Hanggang ngayon.... may epekto parin siya sakin! This sucks.. really Suzie?
Pagkababa namin para kumuha ng cab, pinagbuksan niya ako ng pinto bago siya pumunta sa kabilang side para pumasok. Unang beses ko tong naramdaman sakanya.Parang ang sarap... ng ganitong feeling? Tumingin ako sa screen ng cellphone, kusa ng ngumingiti ang labi ko.. arggg!! So much for being sweet... speaking of.. date? San nga ba kami magdedate ngayon? At para talagang.. nakalimutan na niya ang pagpapapirma ng proposal kay Mr. Plaude.
Humarap ako ng upo sakanya.. nakapangalumbaba lang siya at nakatingin sa labas ng bintana. Tila ba malalim na nag-iisip.. kinalabit ko siya at humarap siya saking kunot ang noo..
" R-red.. san tayo? "
" Eiffel Tower.. " Eiffel tower? Tama ba? Ano daw... bigla akong napapalakpak. THAT'S MY DREAM!!
" Why? First time..? "
Napatango ako sakanya.. naalala ko pa dati... nung mag-asawa kami.. nangangarap pa kong mangyari yun. Pero ngayon? Eto na KASAMA KO NA SIYA! Yun nga lang.. Sa katauhan ni Zoe.." Sir, Maam nandito na po tayo.. " Hindi ko napansing filipino pala ang driver ng nakuha naming cab.. Nagbayad si Red ng sobra sobra.
" N-naku sir sobr- " Tinaas ni Red ang kaliwang kamay niya sa harap ng driver at inilingan niya ito.
" Thats fine.. nararapat yan para sayo. " Nginitian na kaming driver bago umalis..
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.. ng maramdamang.. hinawakan niya ang kamay ko, at unti unting pinadausdos ang kamay... MAGKAHOLDING HANDS NA KAMI!! Tinititigan ko siya habang naglalakad kami pero umiiwas lang siya ng tingin at namumula ang pisngi niya.
Natigil lang kami.. sa paglalakad dahil umupo na kami sa bench at konting lakad nalang.. ang dream tower ko na!!!
" You hungry? Gusto mo bili muna ko..? "
" Ah.. hindi pa... " Nanatili akong nakatingin sa Eiffel Tower pero nagulat ako ng bigla akong hilahin ni Red patakbo!! NAKATAKONG AKO!! HELLO!
" Tara... P-picture? " Hinihingal niyang sambit sakin, pareho kaming napahawak sa tuhod at naghahabol ng hininga..
Tumawa siya bigla sa tabi ko at hinawakan uli ang kamay ko.
" Let's take a picture.. " Umayos siya ng upo at inayos ang buhok niya, ako din! Nagpunas ako ng pawis at nagsuklay ng buhok gamit ang kamay ..
" 1....2.....3..... " imbis na nakangiti ay nakabuka ang bibig ko sa picture dahil...DAHIL HINALIKAN NIYA KO SA PISNGI.! PACKING SHET!!
Akmang hahabulin ko na siya para hablutin ang cellphone niya pero tatawa tawa siyang lumayo sakin..
" Bawal Zoe!! Isa! "
" Ihh... Amin na kasi yan! Ampanget ko jan, kuha nalang uling bago!! "
" Ayoko nga! " Kamuntik ko ng makuha sakanya ang phone pero walang kagatol gatol niyang nilagay ito sa pambaba niya! Nanlaki ang mata ko at tumingin sa paligid..
Mukha namang walang nakapansin sa ginawa niya.. pero nakakahiya yun ah!!
Tawa parin siya ng tawa at sinamaan ko siya ng tingin.. bahala ka jan! Umupo nalang ako sa bench sa tapat ng tower at nagpicture picture doon.. parang.. gusto ko nalang kalimutan ang sakit at sama ng loob.. na nadama ko.. Para bang ayoko ng maghiganti? Ang sarap... ng ganitong pakiramdam.
Maya maya bumalik siyang nagaabot na sakin ng cotton candy na kulay pink.. special! Ang ganda!!! Hugis bulaklak.
Tinanggap ko na ito at agad na nilantakan.. naalala ko tuloy si Quiel.. yung pagsasaway niya sakin sa bawat pagkain ko.. wala naman siya eh, isa pa minsan lang to kaya kakain na ko ng kakain.
" You really.. reminds me of her.. " Napatigil ako sa pagsipsip ng cotton candy sa sinabi niya..
" Sinong her? " Ngumiti siya at nakatingin na sa harap..
" Suzie.. "
Nanigas ako sa kinauupuan ko.. nahahalata niya na ba?! SHIT LANG!! pero... pero bat niya ko naalala bigla?
" Bakit...? I mean bat mo naalala bigla pinsan ko..? "
" Konsensya siguro? Ewan.. matagal ko na siyang pinahahanap.. pero wala. Bigo ako palagi. " Nakokonsensya sya? Pero bakit? M-mahal niya ba ko!? O naawa siya..?
" Alam ko kung nasan siya.. " Tumango siya at humarap sakin. Ngumiti ng mapait..
" Anyway.. lets not talk about her.. kinokonsensya lang talaga ako.. " Kumunot na ang noo ko...
" P-pwede bang malaman ko kung a-anong nangyari... sainyo? " Napalunok ako ng sobrang lalim.. at kumakabog na ng malakas ang dibdib ko
" Hindi mo alam..? Pinsan mo... "
" H-hindi siya palakwento sakin eh.. " Nagkamot ako ng ulo at patuloy parin ang pananalaytay ng kuriyosidad sakin..
" Long story.. but to make it short... naalala mo yun huling nakameeting ko? Si Mr. Buenavista.. he's my bestfriend " Biglang kumabog ang puso ko.. sa narinig... anong kinalaman ni Quiel dito?
" Pinagtulungan namin ang pinsan mo... wag mo sanang sabihin pa sakanya.. just in case na may contact pa kayo.. hindi niya alam... Si Quiel Buenavista...... " Napahampas siya sa noo niya.. " Ang tunay na ama ng anak niya.. "
Nabitawan ko ang hawak na cotton candy... at literal na nalaglag ang panga ko..
" Hey... okay ka lang? "
![](https://img.wattpad.com/cover/68677355-288-k133243.jpg)
BINABASA MO ANG
The Ugly Wifes Revenge(Under Revision)
Novela JuvenilKung maghihiganti ba ako, magiging masaya ako? O mananatiling walang pagbabago sa lahat ng mga sakit na napala ko? Suzie is now signing in to her story full of tears and heartached.