Pabalik balik lang ang mata ko sa cellphone at hinihintay kung anong magiging reaction ni Quiel sa pagkawrong send ko.. pero wala. Hanggang sa makarating na kami sa airport kaya pinatay ko na lang muna ang cellphone. Isa pa nakakangawit maghila ng maleta ko, andami ko kasing dinala puro pampasexy. Bwiset, di ko alam na hanggang dito makakaabot ako sa puntong to para lang makapaghiganti.. tinitigan ko si Red na kanina pang namumula ang tenga at leeg. Napanguso ako, mula pa kaninang hinalikan ko siya sa pisngi ganyan na yan.. dumikit ako at pasimple siyang umusog palayo sakin. Pinabayaan ko nalang at tumingin nalang ako sa bintana ng eroplano. Parang kelan lang, tumingin rin ako dito ng sawi at bigong bigo. Pero ngayon, eto na ko.. nagsisimula sa plano ko.
Bigla akong napatingin sa balikat ko ng makitang bagsak na ang ulo ni Red sakin. Natitigan ko na naman siya ng malapitan, eto na naman tayo.. dama ko na naman ang malakas na kabog ng dibdib. Hindi ko talaga maiwasang mapahanga sa gwapo niyang mukha.. pero mas gwapo sakanya si Quiel, dahil mas mukha itong maangas at mukha ring may lahi. Naalala ko na naman ang pagkawrong send ko sakanya, sakto pang yun na ang huling load ko.. kaya hindi ko na natuloy ang plano na isend to sa bruha. Pumikit nalang din ako at naisipang matulog.
Pagkadilat ay halos kabahan ako ng makasalubong ang matamang pagtingin ni Red saakin.. ni hindi ko napansing nasa balikat niya na ulo ko! Umiwas na siya ng tingin at ako naman ay nag-angat na ng ulo sa balikat niya. Nakisali na rin siya sa mga pasaherong tumatayo at nakita kong binuhat niya na rin ang maleta ko.. pansin kong ang lahat ng mga mata ay nakatingin sakanya, lalong lalo na ang mga babae. Napailing ako, mabenta talaga ang itsura niya mula highschool pa. Pagkababa galing eroplano ay kumuha agad siyang cab at dumiretso na kami sa isang hotel. Nakaramdam ako ng dismaya, ang akala ko maggagala muna kami dito sa Paris pero dumiretso agad kami dito..
Nang makapasok sa hotel ay halos mamangha ako at nawala ang pagkadismaya ko.. ang lawak, mukhang elegante. Madaming chandelier at hotel rooms to. Halatang pang class ang ganitong klase ng hotel. Muntik ko ng di mamalayang wala na pala siya sa tabi ko dahil sa pagkamangha kaya agad kong nilibot ang tingin, at agad akong tumakbo papunta sa kanya.
" Sir pogi? Pilipino po kayo diba!? " Inayos ng babae ang buhok niya at nagpacute pa kay Red. Halos manlisik ang mata ko.. PAGOD NA KO AH! TAPOS GANITONG EKSENA PA?!!
" Oo eh, pano mo nalaman? " Nagpakita ng ngiti si Red sa babae, at impit na itong napatili.
" Sir! Nababasa ko kayo sa isang magazine!! IDOL NA IDOL kita! Naku, napakasuccessful niyo po sobra.. " Successful ba kamo? Baka hindi mo alam, MANGGAGAMIT TO! At bago pa lumandi na naman si Red, di ako nagseselos ah! Inalala ko lang yun mga isasagawa kong plano.
" MISS. PWEDE PAKIBILISAN? " Napataas ang kilay sakin ng babae ng humarap siya sakin, aba! Pinantayan ko rin ang taas ng kilay niya. Bumaling na siya sa computer at nagtanong sakin.
" Ano po ba? Hindi po kami tumatanggap ng mga mahihirap dito. " ANO DAW!?? NAMULA ANG BUONG MUKHA KO SA INIS DITO SA BABAE. At ayokong naaapi ako! Wag mo kong ginaganyan! Hindi mo alam na tong hinahangaan mong Red ako talaga may-ari ng kumpanya na yun!
Bwiset! Nilingkis ko ang braso ko kay Red at nanigas na naman siya sa kinatatayuan niya.
" ASAWA KO LANG NAMAN ANG NILALANDI MO! Kuha mo!? If youll excuse us, 1 Exclusive Room only! At MAGHAHONEYMOON PA KAMI.. " Nalaglag ang panga ng babae at si Red ay tumingin na sakin ng gulat na gulat pagkabaling ko sakanya " Diba HONEY!??? "
" S-sorry po maam.. tatawag lang po ako ng magbubuh- " Umiling ako at nilahad na ang kamay ko sakanya " Mas gusto kong siya nagbubuhat ng mga gamit namin kaya no need na. Just please... give me the DAMN KEYS! " Nakita ko ang pagkapanik sa mukha ng babae at mukha talagang natakot ko na siya dahil nanginginig na ang kamay niyang nag-abot sakin ng susi.
BINABASA MO ANG
The Ugly Wifes Revenge(Under Revision)
Novela JuvenilKung maghihiganti ba ako, magiging masaya ako? O mananatiling walang pagbabago sa lahat ng mga sakit na napala ko? Suzie is now signing in to her story full of tears and heartached.