Final Chapter

20.9K 340 106
                                    



Umihip ang malakas na hangin mula sa dalampasigan kasabay ang pag-alon ng kanyang buhok mula sa aking balikat. I hold her hand tightly never wanting to let her go before I started singing.


I stop singing immediately when I felt her smiling by my side. Ngumiti rin ako.. natulala sa taglay niyang ganda. Ang kanyang kasimplehan na naghuhumiyaw ng kaniyang kabaitan mula sa mundong walang ibang ginawa sakanya kundi siyay pagmalupitan. Her beauty is just so innocent that made me realized what Ive fucking done from the past. Hindi ko alam kung bakit nabulag ako sa katotohanan. Hindi ko alam bakit napamahal ako sa babaeng hindi naman karapat-dapat. At hindi ko alam kung bakit nanatili akong bingi sa boses mong nag-aasam ng pagmamahal mula sa akin. Lumipat ang kanyang mga mata sa harap ng dalampasigan at pinanood ang tahimik na hampas na alon ng dalampasigan, habang akoy nanatili lamang nakatitig sa taglay niyang kagandahan.


I could'nt ask anything for more other than this moment. Totoo palang kapag nakamit mo na ang tunay na kaligayahan... hinding hindi ka na mag-aasam pa ng mga materyal na bagay sa buhay. At sa mga panahong ito... iisa na lamang ang aking hiling. Na magtagal pa siya at mabigyan ng mahabang oras para manatili sa aking tabi.


Tumungo ako at hindi na napigilan pa ang pag-iyak.. ang unti-unting pagtulo ng aking mga luha at pagbagsak nito sa buhangin ay aking pinagmasdan... realizations hit me so hard.. so damn hard that makes me want to just die as of this moment.



Pumikit ako ng matagal.. at tila ba ang pagdilat ng aking mga mata ay isa nang kasalanan. Dahil natatakot ako... na sa pagbuklat ko nito... ay isampal sa akin ang katotohanan.. ang katotohanang wala siya sa aking tabi. At tanging ang imahinasyon na lamang ang nagpapatatag sa aking kalooban upang manatili pang buhay at lumalaban sa pang-araw araw kong pamumuhay. Nanlamig ako at doon ay napilitang idilat ang mga mata. Na sana ay hindi ko na ginawa pa.


Ang babaeng nasa tabi ko lamang kanina ay tila ba inanod na lamang ng mga ala-alang kahit kailan ay hindi ko kakayaning malimutan. Napahagulgol ako... napatungo at hinampas ang buhangin.

Bakit ba ang tanga tanga ko?


Andami kong sinayang na panahon. Andami ko rin sinayang na pagkakataon.. ngayon nagsisisi ako ng lubusan sa lahat ng ito. Nakakatawa.. ang hina-hina ko.

Pero anong magagawa ko? Sa tuwing maaalala ko ang mga ngiti mong malungkot sa apat na sulok ng ospital.. agad akong napapaluhod sa panghihina . Ang pilit mong pag-abot sa aking mga kamay kahit na ikay nahihirapan ay nakakapagpahina rin sa aking mga tuhod. Pero ang pinaka ayokong maalala sa lahat... ay ang mga mata mong malamlam, ang mukha mong maamo, ang manipis at namamalat mong mga labi, maging ang balat mong tila ba nawalan na ng kulay... ang nagpabasag at nagpadurog sa aking puso.

Suzie... bakit ganyan ka? Hindi ko kayang tignan na wala kang kalaban laban sa sakit mong iyan.

Bakit ikaw pa ang kailangang makaranas niyan!?


Naalala ko ang mga mukhang hindi na maipinta ni Red at Lei. Tila ba nawalan na sila ng pag-asang lumaban pa. Huli na ang pagdodonate ko ng dugo para kay Suzie. Kasalanan ko? Oo kasalanan ko na naman. Dahil huli na ng malaman ko ang kanyang pangangailangan.


Inalala ko ang pagbasag sa katahimikan naming tatlo ng isang doktor. Pinagmasdan niya ang kaawa-awang si Suzie bago tumingin saamin at tila ba walang kagana-gana sa kaniyang sasabihin saamin.

"The blood transfer was successful.. however.. we cant promise you that she'll live longer just because of that. Dahil late na late na nangyari ang pagsasalin sakaniya ng dugo.. hindi na namin alam kung kakayanin niya pang makatagal sa mundong ito. Excuse me.."


The Ugly Wifes Revenge(Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon