Pagkauwi ay agad sana akong mag-iimpake ngunit nagulat ako dahil pagkabukas ko palang ng pinto ay bumungad sakin si Quiel na gwapong gwapo na nakaupo sa sofa nakaplain v-neck shirt na siya at shorts... ibang iba sa nakita kong Quiel kanina sa business meeting, nakapangalumbaba pa at para bang nag-iisip, kaya hindi niya pa ko napapansin.. dahan dahan akong umupo sa tabi niya kaya nakuha ko na ang atensyon niya. Napataas ako ng kilay.
" Yun kanina... did you do it on purpose? I mean.. ano bang plano mo..? " Tinitigan niya ako at humarap na siya sakin.
" Yeah. Nakaplano na ang lahat, ng iyon.. I already talk to Mr. Plaude, na pahirapan niya si Red sa pagpapapirma ng proposal. In that case, makakasama mo siya.. at pwede na nating maumpisahan ang lahat ng plano. " Napakamot ako sa ulo.. do I need to say to him that.. Red and I had an agreement having an affair for 25 days? I think so..
" K-kasi Quiel may agreement na kami... " Nagkunot siya ng noo kaya pinagpatuloy ko na ang sasabihin.
" Sabi ko sakanya.. sasabihin ko kung nasan si Suzie, in one condition. Maging kabit niya ako for 25 days " Nanlaki ang mata niya at napatayo sa harap ko.. umigting ang panga niya at napapikit na ko.. tama ba talaga mga plano ko? Shit..
" Okay.. just remind yourself not to fall inlove at him, instead make him fall for you. Habang nasa Paris kayo, may gagawin ako dito.. " Napadilat ako at halos matuwa ng hindi siya nagalit sakin. But I wanted to ask him one last question..
" If you're thinking that Im helping you.. no Im not. Meron ka pang hindi alam Suzie... Ill tell you soon about that. Just.. just do your best while you two are on trip, and Ill do mine. " Nabasa niya nasa isip ko? Tumayo na siya at lumabas. Bumagsak ang balikat ko.. bwiset ang COLD MO QUIEL! Gusto ko yan isigaw sakanya, pero naghanda nalang ako kahit na lutang.. ang dami kong tanong sa isipan sa mga sinabi ni Quiel. Ano ba talagang meron sakanila ni Red at Cassy? Bat parang ang laki ng galit niya.. I guess he just wont trust me. Ayaw niyang sabihin, yun pa nga lang first love niya si Cassy sobrang gulat ko. He will always be a mystery for me..
Bago matulog ay naisipan kong itext si Lei. Madami na kong hindi nakwekwento sakanya.. kamusta na kaya siya? Knowing Lei.. lalaki lang ata ang inaatupag nun!
To: Lei Baks
Hey sorey ngayon lang me nakatext sayo. Okie lang naman ako ikaw? Naku BAKLA! Andami ng nagaganap!!! Hindi ko na alam gagawin ko. Lalo na sa pinsan mong COLD!
Pagkasend ay itinabi ko na ito sa bedside table at matutulog na sana. Pero nagvibrate ang phone ko.. inaasahan kong si Lei ang nagtext pero Unknown Number ang lumabas.
Unknown Number
6 am flight tomorrow. G'night sexytary...
Una kong mabasa to ay halos magtaka pa ko kung sino to, pero halos mabitawan ko ang phone ng malamang si Red to! Stalker much? Bwiset.. Ni hindi ko nga binigay o hiningi phone number niya tapos itetext niya ko ng ganito!? At ano daw SEXYTARY? Ulol ang manyak talaga.. dati ako ng iistalk ngayon siya na. At dahil naalala ko ang plano namin ni Quiel nagtipa ako ng irereply.
To: Unknown Number
Thanks pogi ;* Meet ya at the office.
Isinend ko na ito at binalik na sa bedside table. Ilang minuto ang nakalipas wala naman nagrereply kaya natulog na ko.
Kinabukasan...
Halos tumakbo na ako papuntang company ng makita kong nandoon na siya sa labas. Kasama ang itim na luggage, agad siyang ngumiti ng makita ako. Nakita ko pang nagtaas baba ang tingin niya sakin bago lumapit at bumaba ng hagdan para makapunta sakin.
" Youre late " Tinitigan niya ang orasan at nakasimangot na siya. Nagpacute ako sakanya at kinurot ko ang pisngi niya.
" Sorry sir.. nagpaganda pa kasi ako para sayo " He quickly pinched my nose " No need.. you really are beautiful anyway. You dont need those things. " Lihim akong napairap. Oh shut up! Kung ako pa yun matabang Suzie na patay na patay sayo malamang nangingisay na ako sa kilig. Pero sorry alam ko na mga style mong bulok!
Pumunta na kami sa parking lot at agad niya akong pinagbuksan ng bulok bulok niya ng sasakyan, nakita ko sa side mirror na nilagay niya ang mga bagahe sa backseat bago pumunta sa tabi ko para magdrive.
Pagkapasok ay ipinakita ko ang pagkamangha of course! I should fake everything, right.. pero mukhang di ko na kaya ang nakakasulasok na amoy dito sa loob ng sasakyan niya.
Tinakpan ko ang ilong ng panyo at mukhang napansin niya na ko." Oh? Sorry.. hindi ko kasi nalagyan ng air freshener to. " Niliko niya ang sasakyan at nagsimula ng magdrive papaalis. Umiling ako bilang sagot sakanya at tinanggal ko muna ang panyo..
" No.. mabango nga ang sasakyan mo komportable ako.. kaso talagang mabilis akong mahilo sa byahe. You know.. " Tss.. bulok na sasakyan. Nakakahiya! Mamaya nga ay sa pagbaba namin ng airport bibilisan ko dahil ayokong may makakita saking kasama tong isang to na sumakay sa isang cheap na sasakyan! KAKAHIYA ANO!
Ang mamahalin pa naman ng mga suot ko tapos dito lang nakasakay. Yuck!Nalipat ang atensyon ko sa dashboard ng makitang umiilaw ang isang cellphone doon. Unti-unti akong lumapit papunta doon at malapit ko na sanang makuha ng bigla niyang hawakan ang braso ko.
" Oops.. bakit? " Inis akong napamura sa isipan pero nagpakita ako ng ngiting pagkaganda ganda sakanya.
" Peram cellphone. Baka may games ka, bored kasi ako eh. " Nalipat na ang tingin niya sa pagdadrive at nagsalita sakin.
" Wala atang games doon.. " Yun lang ang sinagot niya at halos mawalan na akong pag-asa sa binabalak ko pero hinawakan ko ang kanang kamay niya at nilagay ko to sa hita ko.. napapikit ako.. shit onting tiis lang Suzie para to sa plano mo! He stiffened dahil sa ginawa ko.
" Sige na please. Im damn bored.. please please " Nakita kong tututol pa sana siya pero iginalaw ko ang kamay niya sa hita ko at nakita ko ng namumula ang leeg at tenga niya. Huli ka!
" O-okay.. " Yun nalang ang sinagot niya at agad ko ng kinuha ang phone niya sa dashboard. Ramdam ko parin ang kamay niya sa hita ko at halos mapasinghap ako ng kusa na itong gumagalaw. P********* ANG LIKOT NG KAMAY! Nagkunwari akong nangangati kaya niyuyugyog ko ang hita ko para mahulog ang kamay niyang naglilikot doon at halos matawa na naman ako ng nakasimangot na siya dahil nalaglag ang kamay niya sa hita ko.
Nagmamadali akong naghalungkat sa messages niya at nakita ko agad doon ang pangalang WIFEY. Pasimple ko siyang tinitigan ng palihim at nagmadali akong isend ang number ni Cassy sa number ko. Kabang kaba ako sa ginagawa ko kaya halos mapatalon ako sa gulat ng biglaan siyang magsalita..
" Inuuto mo ba ko? " Sa wakas! Nagsend na at dali dali ko itong dinelete sa sent items.
Nanginginig ang kamay kong kinuha ang phone ko sa bag at bahala na, KINABAHAN AKO SA TANONG NIYANG BIGLAAN.. BAWAL AKONG MABUKING NO WAY! UNA PALANG TO!.. Hinalikan ko siya sa pisngi ng pasmack kasabay nun ang pagkuha ng camera sa cellphone ko ng palihim. Agad siyang nagulat pero napalitan ang mukha niyang galit kanina ng ngiti.. halos mapabuntong hininga ako ng umayos ako sa upo at sinend ito... ng makita kong nagsend na ay halos magwala ako ng malamang kung kanino ko ito naisend.. PU** BAT SA CRUSH KO IMBIS NA KAY CASSY THE POKPOK?!!!!
BINABASA MO ANG
The Ugly Wifes Revenge(Under Revision)
Fiksi RemajaKung maghihiganti ba ako, magiging masaya ako? O mananatiling walang pagbabago sa lahat ng mga sakit na napala ko? Suzie is now signing in to her story full of tears and heartached.