" Sigurado ka na ba dito Suzie? Pwede pa tayong umatras.. you know " Umiling ako at sinara na ang maleta ng maipasok ang mga binili saking damit ni Lei. Napabuntong hininga siya sa tabi ko at inalo ang balikat ko.
" Buo na ang loob ko.. lets go? " Tumango na siya at malungkot na ngumiti. Lumabas siya ng guest room at narinig ko ang pagtawag niya kay Quiel.
" Susunod ako doon Suzie.. Magpakatatag ka ha.. basta teh skype or whaysoever tayo. " Tumango ako at halos magulat ako ng biglaan niya kong yakapin.. napapikit ako.. ang init ng yakap niya.. dama ko ang pag aalala niya saakin.
" Magiging okay din ang lahat.. hindi man ngayon.. pero darating ang panahon.. Kaya mo yan! Andito lang ako para tulungan ka.. " Tipid siyang ngumiti at hinatid na kami ni Quiel sa labas ng bahay.
" Ingat kayo.. Couz pogi ingatan mo si Suzie ah! " Tinitigan lamang siya saglit ni Quiel bago binuhat ang mga bagahe at inilagay sa compartment.
" Alis na kami Lei.. susunod ka ba doon? " Tumango siya sa tanong ko at inginuso niya na ang likuran ko..
" Bilis teh! Inip na ata si fafa Quiel!! Basta may tatapusin lang ako dito. " Tipid akong ngumiti sakanya at tumakbo na papuntang sasakyan. Pagkapasok ko sa loob ay halos matakot ako sa sama ng tingin sakin ni Quiel.
" Bagal.. magkikita din naman kayo sa Sokor. " Nagkamot nalang ako ng ulo at nanahimik.. kaya mas pinili ko nalang makatulog.
" Hey.. andito na tayo. " Marahan niyang tinapik ang pisngi ko at nagmadali na siyang bumaba para kunin ang mga gamit sa compartment. Ganun din ako na tumulong sakanya..
" Can you please get the tickets inside my bag? " Tumalikod na siya at madali ko rin naman nahanap ang dalawang plain ticket.
Pagkasakay namin ng eroplano, agad akong tumingin sa bintana.. napabuntong hininga ako at hindi ko inasahang may tutulong luha muli sa mata ko. Napapikit ako ng mariin. I dont know what will happen in the future sabi ko nga... But I want a change, not only for me.. but also to my baby. Hindi ko hahayaang malugmok nalang ang sarili. At ipinapangako kong eto na ang huling beses na iiyak ako sa lahat ng kagaguhang nadulot sakin ng taong minahal ko. Napasinghap ako at halos tumulo na ang sipon ko pero nagulat ako ng bigla akong sinandal ni Quiel sa balikat niya.
" Stop crying.. tss your tears cant change anything.. " Inabutan niya ako ng panyo. At gumaan na ang pakiramdam ko kaunti sa sunod na sinabi niya..
" Dont worry we'll help you.. and do anything just to make your husband suffer.. but not now, there's a right time " Alam ko... at muli akong suminghot. This is the last time, I promise to myself.. I promise... Ill help myself this time.
Nagsimula ng lumipad ang eroplano at tinignan ko na naman ang bintana.. at sa pag-alis ko, tuluyan ko ng kakalimutan ang lahat ng nangyari.. dahil Paghihiganti nalang ang nasa isip ko.. para maiangat muli ang tinapakang pagkatao ko.
BINABASA MO ANG
The Ugly Wifes Revenge(Under Revision)
Novela JuvenilKung maghihiganti ba ako, magiging masaya ako? O mananatiling walang pagbabago sa lahat ng mga sakit na napala ko? Suzie is now signing in to her story full of tears and heartached.