Umasta lang akong walang nakita at dire-diretso na sanang makakalakad papaalis ng maramdaman ko ang malamig niyang kamay sa kaliwang braso ko..
Napapikit ako at pekeng ngumiti papaharap sakanya.
" Yes!? " I asked casually. I met his gaze but I immediately avoided it. Nakakapanghina! Ano ka ba naman Suzie. Pinagagalitan ko ang sarili sa utak.
" C-can we... talk? " Ibinalik ko ang tingin sakanya at tinignan ang relo sa dingding.
" 5 mins. " Ano na naman bang kelangan nitong lalaki na to? Iniiwasan ko na nga siya eh. Siya naman tong lapit ng lapit.
" W-What?!! " Tinanggal ko ang kamay niyang nakahawak sa braso ko bago muli siyang sinagot ng pabalang.
" Kung ayaw mo EDI WA- " Nagtaas siya ng parehong kamay sa ere, tanda ng pagsuko. " Papayag din pala magrereklamo pa " Bulong ko sa sarili.
" May sinasabi ka? "
" WALA " Napairap ako.. sadyang nababanas lang ako sa mukha nilang tatlong magkakaibigan. " Sungit. " I pretended that I didnt heared him. Instead I look again on the clock.
" 4 mins. " Tinignan ko ang reaksyon niya at mukhang magrereklamo na naman siya pero tinikom niya na ang bibig at nagulat ako ng may hawak na siyang bulaklak at pizza na nanggaling sa likuran niya.
Namilog ang mata ko ng iniabot niya to sakin.
" S-sorry sa lahat Suz.. " Wow? May kasamang sorry pa? Tatanggapin ko na sana ng bigla niyang dinagdagan ang sasabihin.
" Tigilan mo na sila Red at Cassy. Pati na ang mga kaibigan mo " Dun ko nakuha kung para saan ang bulaklak at pizza na inaabot niya.
Tinanggap ko ito ng nakangiti at ngumiti narin siya sakin. Pero humakbang ako paatras at ubod ng lakas siyang sinampal ng mga bulaklak.
" Wala akong mga KAIBIGAN!! " Natulala siya at bahagya akong natakot ng makita ang mga dugo sa mukha niya. Shit!? Roses pala to kaya may mga tinik!
Oh well, tumalikod na ko at bago niya pa mahabol ay dali dali akong lumakad papaalis.
Ayan na naman ang puso ko. Bullshit. Napakaunfair ng mundo.
Bakit magmamahal ka ng hindi ka mahal? At yun mga nagmamahal sayo hindi mo mahal?
Mabilis akong pumasok sa loob ng taxi at tumingin sa bintana.
Nagulat ako ng bigla siyang sumulpot sa bintanang hinihingal at pilit na humahabol sa takbo ng sasakyan. But before my eyes met his, dumiretso ako ng upo at diretso rin ang tingin sa bintana.
" Miss? Kakilala mo ba ya- " Agad akong umiling.
" Just dont mind him nalang po. Baka holdaper, kaya pakibilisan nalang po takbo "
Bumuntong hininga ako ng unti-unti na siyang mawala sa gilid ng sasakyan at bago ko pa tuluyang mailayo ang paningin sakanya, nakita ko ang lungkot sa kanyang mga mata.Wait? Bat nga ba siya malulungkot.
Di ko alam. Wala na rin akong pake sakanya. Just do whatever he wants, pagod na kong magmahal. Ang sakit sakit na masyado.
Hinalungkat ko ang bag at hinawakan ang kaisa isahang bagay na natanggap ko sakanya. Itatapon ko o hindi? Ipapabukas ko na sana kay manong ang pinto para bumaba at itapon ang susing keychain na ibinigay niya saakin pero nagulat ako sa kantang tumunog bigla sa radio.
~ Do you feel like a men when you push her around
Do you feel better now as she falls to the ground ~Nawalan ako ng lakas sa pagkakahawak ng bagay na nasa kamay ko.
" Miss? "
Flashbacks came back to me. All of the pains I've suffered. All of the heartaches I've felt. Lahat ng yon, ang napala ko sa pagmamahal! Ano bang ginawa ko? Ano tama ba o mali tong mga to? Just whats wrong, can somebody please tell me!
Ang pagkapanget ba ang dahilan ng lahat para magawa nila yun sakin? Ang pagtaksilan, ang iwanan, at hindi kayang mahalin!? Anong gagawin ko para tanggapin nila ako!? Just.. just!! Arrgh..
Inuntog ko ang ulo sa bintana at doon ko nakita ang mga mata kong nanghihina at hirap na hirap pigilan ang mga luhang lumalabas mula rito.
" Miss.. okay ka lang ba? " Narinig ko ang paghinto ng radio at naramdaman ko ang kamay niyang may panyo ng hawak hawak, inaabot sakin.
Humarap ako kay manong.
" Ano po bang sa tingin niyo ang tama? Maghiganti o magmahal? " Nagpakita ang gulat sakanyang mga mukha ngunit agad itong napalitan ng isang tipid na ngiti.
" Ah.. alam ko na hija.. "
Inilapag niya ang panyo sa dashboard bago magpatuloy " Dahil lang talaga sa pag-ibig kaya umiiyak ang isang babae ng sobra.. naguguluhan ka ba? Kung ganon. Sundin mo ang puso mo. Mahal mo pa ba? Kung ganon lubusin mo na hanggat mahal mo pa. Wag mong pilitin lumimot, hindi iyan gamot sa pusong hindi nasagot. Hija.. " Nilipat niya na ang tingin saakin, at halos magulat ako dahil baka mabangga kami pero nakastop light pa. " Mahalin mo hanggat nanjan pa. Dahil ang paghihiganti ay walang maidudulot na maganda sa puso mong sawi. Just try and try until you die hija! " Tumawa si manong at bago pa umandar ang kotse ay agad akong nag-abot ng lubos na pera.
" Salamat manong! " Nakita ko ang liwanag sa madilim na kalangitan. Tama, hindi ako nag-iisa. Yun anak namin.
Paghihiganti ba talaga o hindi? Pero alam ko hindi... hindi matutuwa ang anak ko, maipaghiganti ko man sya o hindi.
Bahala na. Wala naman sigurong masama kung magtry pa ko kahit isa diba? Isa pa..
Nagpunas ako ng luha at tumingin muli sa langit.
Baby.. mamahalin parin ni mama si papa ah. Ikaw na ang bahala samin. Suportahan mo kami. At hindi ako mawawalan ng pag-asa... kahit ilan pang sakit yan, kahit na itakwil niya ko, hindi niya man ako kayanin mahalin, at may mahal man siyang iba. Patuloy parin akong lalaban, para sa pag-ibig kong talunan..
---
Readers! Ditong chapter ako inang nakaramdam maging malungkot habang nagtatype :( Kawawa naman si Suzie hays. Kelan kaya sya magkakaprince charming?
Enjoy reading! :)
Feel free to comment and vote :D Kamsa :) :)
Happy 1k nga pala hahaha, ako na yata ang siraulong author na nagdidiwang dahil lang sa 1k. Sensya na kayo :'( hirap kasi talaga makadami ng reads kaya natuwa ako sa 1k. Sana magpadami pa kayo :D ♡ SALAMAT ULI!! :)
BINABASA MO ANG
The Ugly Wifes Revenge(Under Revision)
Teen FictionKung maghihiganti ba ako, magiging masaya ako? O mananatiling walang pagbabago sa lahat ng mga sakit na napala ko? Suzie is now signing in to her story full of tears and heartached.