2 weeks ang pinalipas ko para makapagpagaling at makapag-isip ng maayos.. Im very thankful dahil pinagbigyan nila ang kahilingan ko. They let me decide. At ngayon pupunta kami sa bahay ko.. kung san ako mismong itinakwil ng asawa ko. To be honest, umaasa parin ako.. at handa ko siyang patawarin kung andito siya ngayon at malungkot dahil ilang araw na kong di nakakabalik sakanya.
" Hey.. andito na tayo " Marahang tinapik ni Lei ang balikat ko dahilan kung bakit nabalik ako sa realidad. Napasinghap ako at naghanda ng bumaba..
" Teh gusto mo samahan kita?.. " Agad akong umiling at bumaba na ng sasakyan.
" You sure?.. sige hintayin nalang kita dito " Tumango ako sakanya bilang sagot.. at halos magwala sa kaba ang puso ko.. ramdam na ramdam ko yun. Sobrang kinakabahan ako. Kita kong bukas lang ang gate kaya agad akong pumasok.... na sana hindi ko nalang ginawa.....
" Will you marry me milady? " Nanlaki ang mata ko ng nakitang nakaluhod si Red sa harapan ni Cassy.. hawak niya ang kamay nito at nakita kong mangiyak ngiyak na namumula ang mukha ni Cassy.. shit pu******* ganito lang makikita ko pagbalik ko!? Sa mismong bahay ko pa!!!
May isang malaking banner sa harap ng bahay ko.. nakalagay doon ang larawan nilang dalawa! SA MISMONG BAHAY KO PA!! ANG KAKAPAL TALAGA NG MUKHA NILA!!! Ibang iba ang itsura ng bahay ko. Parang nasa catering sila.. oo tama.. ang lahat ay nakapalibot sakanila. Pati ang mga magulang ni Red at ang dalawa ko pang itinuring na kaibigan na si Janel at Iya.. nakita ko mismo.. pinalalakas nila ang loob ni Red.. at ng sumagot na si Cassy ay napuno ng hiyawan at sigawan ang BAHAY KO.
Walang nakakapansin sakin ngayon dahil ang lahat ay nakatoon ang atensyon sakanila.. inalis ko ang mga luhang mabilis na nagdadaluyan sa mukha ko. Handa ko sana silang patawarin eh.. pero pu** ang bobo ko umasa na naman ako! Yun ganitong makikita ko.. hindi ko na ata kaya.. papaano nila nagawa sakin to!? Ang titibay ng sikmura nila!
Tumingala ako sa langit at impit na sumisinghap para di nila ako makita.. nagkakasiyahan sila sa panahon ng pagdadalamhati ko. Gustong gusto kong sumbatan si Red dahil sa pagkawala ng ANAK NAMIN!! Pumikit ako ng sobrang diin.. bago lumabas ng bahay. Gusto kong maranasan nila ang lahat ng kalungkutang nangyari sakin. Gusto kong ibalik.. ibalik ang lahat.. gago ka Red.. sisiguraduhin kong magsisisi kayong lahat, masaya man kayo ngayon.. dadating ang araw ako naman ang sasaya dahil sa paghihiganti sainyo.
" A-anong nangyari b-bakit umiiyak ka? " Salubong na tanong sakin ni Lei, ang baklang tumutulong sakin. Umiling lang ako at nagpunas ng mga luha. Pagkapasok niya ay agad akong nagsalita.
" Nagbago na ang isip ko..... Maghihiganti ako.. gusto kong maghiganti SAKANILANG LAHAT. " Ngumisi siya at tahimik nalang na nagdrive. Samantalang ako, natahimik nalang at di na muling umiyak pa.. dahil ang nararamdaman ko nalang sa puso ko..
GALIT AT POOT. Magsisisi silang lahat.. lalong lalo na ang asawa ko.
BINABASA MO ANG
The Ugly Wifes Revenge(Under Revision)
Подростковая литератураKung maghihiganti ba ako, magiging masaya ako? O mananatiling walang pagbabago sa lahat ng mga sakit na napala ko? Suzie is now signing in to her story full of tears and heartached.