CHAPTER 1: The day after

3.3K 125 22
                                    


"Was that your way to make Andy notice you?"

Napaangat ako ng tingin nang marinig ang boses nya. "What are you talking about?" patay malisyang tanong ko sa kapatid ko.

"Baliw lang ang sisigaw sa loob ng gym para makuha ang atensyon ng lalaking gusto nya."

Napataas ang kilay ko dahil sa sinabi nya. "Baliw? So, sinasabi mong baliw ako, gano'n?"

"Wala akong sinasabi, kapatid. Pero please lang naman, bago mo gawin ang isang bagay siguraduhin mo munang hindi ako mapapahiya. Alam kong gustong gusto mo si Andy pero hindi sapat na dahilan 'yon para gumawa ng eskandalo sa gymnasium. Alam mo namang may reputasyon akong inaalagaan at minamantyahan mo yun sa tuwing gumagawa ka kalokohan."

Mula sa kinauupuan ko ay agad akong tumayo. "Pwede ba! Wag mo akong didiktahan sa mga gagawin ko! At wag na wag mo akong idinadamay dyan sa reputasyon na pinagmamayabang mo!" I yelled at her.

"Juliet!"

Parehas kaming napatingin sa pinagmulan ng boses. It's Mom.

"Bakit ganyan mo kausapin ang Ate mo? I didn't taught you to be rude like that!"

Mariin lang akong napapikit. "Excuse myself," saad ko pagkatapos ay umakyat na sa hagdanan at dumiretso sa kwarto ko.

"Reputasyon pala ha? Tse! Edi ikaw na!" mahina kong sabi, pagkatapos ay naupo sa kama ko.

Bigla ay naalala ko na naman ang nangyari kanina sa gym. Urgh! Paano na yon? Maling tao ang nakainom sa love potion? Bakit kasi nya ininom?! Wag naman sanang tumalab sa taong 'yon iyong gayuma. Sa totoo lang ay hindi naman ako sigurado kung totoong effective yung spell, eh. Sana lang talaga hindi gumana. Dahil kapag nagkataong gumana iyon. Hindi ko alam kung ano ang posibleng mangyari.

"AS far as I know, sharp seven ang klase mo ngayong umaga."

Napahinto ako sa paglalakad papuntang kusina nang marinig ang boses ni Mommy. Nakaupo pala ito sa sofa sa living area.

"Yeah. Seven nga po," I replied.

"Then why are you still here? It's already seven one. Kelan ka ba magigising ng maaga at papasok sa klase mo sa tamang oras katulad ng ate mo?" she questioned. I mentally rolled my eyes. Here we are again.

"Don't expect me to be like her, Mom. Because honestly, It's not my ambition to be like her," I said before walking away. Balak ko pa sanang kumain bago pumasok sa eskwela kaso nagbago na ang isip ko. I already lost my appetite.

Pagkalabas ko sa bahay ay kaagad na pumasok na ako sa sasakyang mukhang kanina pa ata nag-aantay saakin at padabog na inihagis sa tabi ang bag ko.

"Aalis na po ba tayo, Ma'am?" tanong ng driver namin.

"Opo, manong. Pakibilisan nalang ang pagda-drive," sagot ko naman habang hinihilot ang sentido ko. Why do they have to make me feel that she's way better than me? Bakit ba lagi nilang ipinapamukha saakin ang pagka-perfect ng kapatid ko?

Sandali akong napapikit pagkatapos ay nagdilat din ng mga mata at hinanap ang iPhone at ipinasak ang earphone sa tenga ko para pakinggan ang playlist na ginawa ko kagabi.

Pagkarating namin sa tapat ng Villa Academy ay kaagad na kinuha ko ang bag ko tyaka ito isinakbit sa balikat ko bago lumabas ng sasakyan.

Habang naglalakad, napatingin nalang ako bigla sa wrist watch na suot ko. "Seven fifteen?" I uttered then shrugged. "Not that bad," ani ko at ipinagpatuloy na ang paglalakad papunta sa unang klase ko.

"Good morning, Ma'am. Sorry I'm late," iyon nalang ang sinabi ko at dire-diretsong naglakad paloob ng room at naupo sa likurang row.

"Late again, Miss Martinico?" Taas kilay na sita saakin ng professor. "When will you gonna attend to my class on time, huh? I really can't believe that Miss Julien Martinico is your sister." naiiling pang dagdag nya.

Under The Spell [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon