CHAPTER 50: White Paradise

1.1K 32 0
                                    



"Juliet, nandyan na ang mga sundo mo!"

Pagkarinig ko sa sigaw ni Mommy ay kinuha ko na ang mga gamit ko at nagmadaling lumabas sa kwarto ko.

"Mag-iingat ka roon, anak ha," salubong nya sa'kin nang makababa na ako. Ngumiti lang naman ako at saka tumango.

"Yeah. I will," aniko. "Gotta go!" dagdag ko pa nang marinig ang pagbusina ng sasakyan mula sa labas.

"Don't forget my pasalubong, okay?" pahabol naman nito.

"Sure. I won't forget that," sagot ko bago lumabas. Narinig ko pa ulit ang paalala nya na mag-iingat ako sa pupuntahan ko kaya't napangiti nalang ako. Masarap talagang magmahal ang mga nanay noh? It's pure and unconditional.

"Good mood, eh?" 

Nagtaas lang ako ng kilay at saka ngumisi. Bumaba si Ezikiel at kinuha ang bagahe ko para ilagay sa compartment ng sasakyan.

"Thank you," aniko bago sumakay sa loob ng van, sa tabi ni Alexa na hindi maipinta ang mukha. Hunuha ko'y katatapos na naman nilang magbangayan ni Albie.

"Good morning, Juliet." Napalingon ako sa nagsalita. Speaking of the monkey. Nakapwesto pala ito sa likod namin.

I just smiled and said, "Morning din, Albie." Bakit kaya hindi nila kasama si Romeo? Ang lawak naman ng sasakyan. Pati sila Troy at Danzel din ay wala.

"Hindi ba sasabay sa'tin ang ate mo, Juliet?" tanong ni Alex.

"Nope. Sabay daw sila ni Andy susunduin sya mamaya."

"Oh? Ibig sabihin sya ang date ni Andy?" tila gulat namang sabi ni Joana na sumilip pa sa'min mula sa gunshot seat.

I shrugged. "Siguro," simpleng sagot ko naman.

Pagkasakay ni Ezikiel sa driver's seat ay agad na nitong binuhay ang makina ng sasakyan.

"Uhm, hindi ba natin kasabay si Romeo?" tanong ko out of the blue. Agad namang nagtinginan sa akin ang dalawa kong mga kaibigan at binigyan ako ng mapang-asar na tingin. "Tyaka sila Troy at Danzel?" I added.

"Sila Troy nauna na sa venue, maaga kasi silang bumyahe. At si Master naman, ayaw makisabay saamin. Basta sabi mauna nalang daw kami at susunod nalang sya," Albie stated.

Kaunting tumaas ang kilay ko. Bakit naman kaya ayaw nyang makisabay sa amin? Ano na naman kaya ang problema ng taong iyon.

"Wag mong sabihing na-mimiss mo na sya?" may bahid ng pang-aasar na sabi ng katabi ko.

"Huh? Hindi ah!" agad ko namang tanggi. 

"Defensive naman masyado. Lalong napaghahalataan," She teased again. Sinamaan ko naman ito ng tingin.

"Hindi naman talaga, ah."

"Ayyiiee. Defensive talaga." sabay sundot nito sa tagiliran ko. Itong si Alexa talaga kahit kailan.

"Wag kang mag-alala, Juliet, miss ka na rin nun." At isa pa 'tong si Ezikiel.

"Kung na-miss ako nun, edi sana nandito sya ngayon," ani ko naman.

"Ay oh, na-disappoint kasi hindi natin kasama ang boyfriend nya." At nagtawanan silang lahat.

I just gave Alexa a sharp look and put my headset right on my ears. I quickly played my playlist and turned the volume to the maximum, para hindi ko na marinig pa ang pang-aasar nila.

Naku... siguraduhin lang ng Alcantara'ng iyon na pupunta sya dahil in the first place ay sya naman ang nag-aya sa'kin dito.

Birthday kasi ng coach nila at syempre imbetado ang mga varsity player. At dahil masyadong ma-trip sa buhay ang coach nila, dapat daw may kasamang date ang mga dadalo sa kaarawan nya para daw mas masaya. 

Under The Spell [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon