"Oh, Juliet, nandyan ka na pala."
Agad na napahiwalay ako mula sa yakap ni Romeo nang marinig ang boses ni Mommy sa likuran ko.
Dahan dahan akong lumingon at nakita ko syang nakatayo sa gate hawak hawak ang isang itim na plastic. "Uh? K-kakadating ko lang po," nauutal kong sabi habang hindi makatingin sakanya ng diretso. Nakita nyang magkayakap kami ni Romeo dito sa labas ng bahay at nakakahiya iyon! Hindi ko man nakikita ang mukha ko pero pakiramdam ko ay namumula ako dahil sa kahihiyan.
"Did I disturb you?" Patay malisya nitong tanong. Tingin ko ay mas lalo naman akong namula dahil doon.
Romeo chuckles. "Not really, Ma'am."
"Itatapon ko lang itong mga kalat ko sa kusina," she said and tossed the plastic bag on the garbage bin.
"Oh, Juliet? Hindi ka pa ba papasok sa loob at magpapalit ng damit? Baka naman ma-late si Romeo sa mismong party nya." Napakunot ang noo ko tyaka nagtatakang ibinaling ang tingin kay Romeo. Nag-taas baba lang ang mga kilay nito.
"P-po?" Aniko nang tiningnan na si Mommy.
She smiled. "Ipinagpaalam ka ni Romeo saakin. Isasama ka raw nya sa party nya. Kanina pa nga sya naghihintay sayo, eh." Mas lalo namang nangunot ang noo ko. Oo nga birthday party nya. Pero wala naman akong invitation kaya hindi ako invited, diba?
"Oops, may niluluto nga pala ako. Una na ako, okay? Sunod nalang kayo sa loob." Tapos ay nagmadali na syang naglakad papasok sa bahay. So, naiwan ako dito sa labas kasama itong si Romeo.
"Wala akong invitation," out of nowhere ay sabi ko.
"Huh?" Confuse nyang tanong. Hindi ba nya na-gets yung sinabi ko? Sabagay, hindi naman talaga ka-gets gets.
"I mean, hindi naman ako invited sa party mo kase wala akong invitation. Nakaka-bwisit ka nga, eh! Binigyan mo yung mga kaibigan ko pero ako Hindi!" Asik ko at tyaka lang napagtanto kung ano nga ba ang lumabas sa bibig ko nang bigla nalamang syang ngumisi.
"Are you mad at me, baby?" He grinned. "Nagtatampo ka ba?"
I was caught off guard. Napaiwas tuloy ako ng tingin sakanya. "H-hindi ah!"
"Really, huh?"
"O-Oo!" Mabilis kong giit. "Tyaka ano naman ngayon kung hindi mo ako binigyan ng invitation? Ikakamatay ko ba 'yon? At in the first place, bakit mo nga ba kasi ako bibigyan nu---" hindi ko na natuloy ang sinasabi ko dahil bigla ko nalang naramdaman ang paglanding ng labi nya sa pisngi ko.
Maang ko syang tiningnan. "B-bakit mo ako hinalikan!?" Anas ko. He just sent me a playful smile and pinched my nose.
"I like it when you're blushing," he said. Hindi naman ako nakapagsalita dahil nararamdaman ko ang pag-iinit lalo ng pisngi ko. What the! Nagba-blush ba talaga ako? Tyaka paano nya napansin e hapon na?
"Hindi mo naman na kailangan ng invitation, eh. Kasama mo kaya akong pupunta."
"PARANG masyado namang maikli 'to," bulalas ko habang pinagmamasdan ang sariling repleksyon sa salamin. Nandito ako sa kwarto ko at kanina pa ako nagsusukat ng mga damit pero hanggang ngayon ay wala pa akong natitipuhan. Magaganda naman ang mga dress ko pero syempre gusto ko iyong simple lang at presentable dahil party ni Romeo ang pupuntahan ko. At hindi lang iyon basta basta dahil sigurado akong mga sosyal at mga nakaaangat sa buhay ang bisita nya, knowing na ang lolo at tatay nya ay sikat na businessman.
"Ayys, mamaya na nga ako mamimili." Tumungo na ako sa bath room ko para at mabilis na nag-half bath. Pagkalabas ko suot ang twalya, nagtungo na ulit ako sa kama ko at sinuri ang mga dress na nakakalat doon.
BINABASA MO ANG
Under The Spell [Completed]
Chick-LitDahil sa matinding pressure sa kanyang kapatid, nagawang planuhing gayumahin ni Juliet ang lalaking parehas nilang gusto ng ate nya... but things went wrong nang iba ang nakainom sa gayumang iyon. Handa ba syang panagutan ang ginawang kalokohan lalo...