Time flies so fast. Ilang linggo na rin ang nakalilipas simula nang nangyari iyong pambababoy na ginawa sa locker ko. At sa loob ng mga linggong iyon ay hindi nila pinatahimik ang buhay villanian ko. Lahat na ata ng klase ng pambubully ay ginawa na nila saakin. I remained silence and calm despite of their doings. Wala rin namang magbabago kung papatulan ko pa sila. At ayoko mang aminin pero hindi ko sila kaya. It's 'all versus me' fight. It's not fair.
Ilang beses ko na ring sinubukang kausapin si Romeo pero lagi ako nitong ini-snob. Kahit anong paliwanag ata ang gawin ko ay hindi na mababawasan ang galit nya saakin. Hindi na nya ako pinapakinggan.
Mula sa paglalakad palabas sa building ay napahinto ako nang mapagsino ang lalaking naglalakad patungo sa direksyon ko.
It's the Devil.
Wala akong ginawa. Nanatili lang ako sa kinatatayuan ko at pinanuod sya habang papalapit. At bumilis nalamang ang tibok ng puso ko nang salubungin nya ang mga tingin ko.
We stared at each other... until out of the blue, naramdaman ko nalang ang pagbuhos ng malamig na tubig sa'kin mula sa taas. And in just one snap, nasa harapan ko na sya.
Madami akong gustong sabihin sakanya ngunit ni isang salita ay walang lumabas mula sa bibig ko.
I was shaking as hell when I looked straightly at him. He didn't say anything, and so I am. His sharp eyes just fixed into mine... ngunit biglang kumirot ang puso ko nang makitang umangat ang gilid ng labi nya.
"Served you right, witch." Tapos ay nilagpasan na ako nito.
I was dumbfounded. Oh, frog! This guy is really a devil.
Nanginginig na hinarap ko ang likuran nya. "Masaya ka na?" tanong ko sakanya. Napahinto naman ito sa paglalakad nang marinig akong nagsalita.
"Bakit hindi ka humarap sa'kin?!" Sigaw ko. Wala na akong pakialam kung may nanonood man sa'min. Basta ang gusto ko lang ngayon ay mailabas ko na ang galit ko.
Sinalubong lang niya ako ng bored na tingin nang humarap sya sa'kin. And it made my hand to balled into fist.
"Sa lahat ng nakilala ko ikaw na ata ang pinakamasama, pinaka-self centered at pinaka-walang kwenta!" I shouted my lungs out. And he just clenched his jaw.
"Sana naman masaya ka na, Alcantara." Hindi ko na nasabi pa ang ibang sasabihin nang naramdaman ko nalang ang mainit na likido sa aking mga pisngi. Pupunasan ko na sana ang mga iyon nang bigla nalamang may yumakap saakin at hilain ako sa gilid ng pathway.
Nanlaki ang mga mata ko nang makitang bumuhos ang halos isang sako ng harina mula sa verandang nasa taas. Nang tumingala ako sa taas ay wala nang tao roon.
Agad namang napatingin ako sa taong hanggang ngayon ay nakayakap pa rin saakin. Mas lalo lang nanlaki ang mga mata ko nang makita si Andy. He was so serious that made him look more manly... and dangerous?
Sa isang iglap lang ay wala na sya sa tabi ko. At nasaksihan ko nalang ang paglapit nito kay Romeo at ang pagsapak nya sa panga nito.
"Gago ka! Napakaisip bata mo!" sigaw nya. Napatulala na lang ako. Si Andy ba talaga iyon? He cussed, and it's not his thing.
Pinunasan ni Romeo ang dugo sa gilid ng labi nya tyaka sya tumayo at binawian ng suntok si Andy.
"Isa kang malaking Pakialamero!"
"Ang laki mong bakla, Alcantara! Pati ba naman si Juliet hindi mo pinalagpas sa tang*nang center of bullying na 'yan!"
"Ano ba'ng pake mo?! Pwede ba, huwag kang nangingialam, Gomez!"
BINABASA MO ANG
Under The Spell [Completed]
ChickLitDahil sa matinding pressure sa kanyang kapatid, nagawang planuhing gayumahin ni Juliet ang lalaking parehas nilang gusto ng ate nya... but things went wrong nang iba ang nakainom sa gayumang iyon. Handa ba syang panagutan ang ginawang kalokohan lalo...