CHAPTER 23: She's back

1.6K 78 3
                                    

habang nanonood ng TV ay hindi ko maiwasang isipin iyong sinabi saakin ni Andy kagabi. At sa totoo lang ay hindi din ako maayos na nakatulog pagkatapos nya akong ihatid dito sa bahay.

I really can't believe it. He said he likes me. ANDY CONFESSED THAT HE LIKES ME!?

Nag-flashback lang tuloy sa isip ko yung pangyayari kagabi sa restaurant.

'I like you...'

'H-ha?'

'Gusto kita, Juliet. I don't know where and when did it started. But I just woke up one day thinking of you with a fast heart beat inside of my chest.'

'A-ano bang---'

'Alam kong nakakabigla. Pero gusto talaga kita, Juliet Martinico.'

'Paanong---'

'And I know I am so fast... But, can I court you?'

'Pero... Kasi... Si Romeo...'

'He just forced you to be his girl, right? And he didn't owned you... Please, Juliet... Let me show you how much I really like you.'

"Juliet! Are you listening!?"

Agad na bumalik ang kaluluwa ko saaking pagkatao nang marinig ang inis na boses ng kapatid ko. Nasa kabilang sofa pala sya? Bat hindi ko man lang namalayan ang pagpunta nya dito sa living Room?

"H-ha? Ako ba ang kinakausap mo?" Unconscious na tanong ko.

Kumunot lang ang noo nya. "Bukod sayo, may iba pa ba akong kakausapin dito?" Tapos ay nagtaas sya ng kilay. "Kanina pa ako salita ng salita dito tapos hindi ka pala nakikinig? Seriously!?" 

"Ano ba kasi ang sinasabi mo?"

Umirap muna ito bago sumagot. "Mom said, go to the grocery. Since hindi nya naman maharap mamili ng stuck dito sa bahay, at mas lalo naman ako. Kaya ikaw nalang."

Ah, oo nga pala. Sabado ngayon. At wala kaming pasok. "Yeah, sure," sabi ko nalang tyaka ibinalin ang paningin sa flat screen TV.

"Nasa taas ng ref ang listahan at pera, kunin mo nalang doon." Sabi nya. Tyaka kinuha na ang sling bag nya. "Have to go," aniya tyaka na lumabas ng bahay. May aayusin na naman yan sa school, pustahan.

Napatingin nalang bigla ako sa pintuan kung saan dumaan ang kapatid ko. Bakit parang feeling ko na-guilty ata ako bigla. Bakit parang biglang kumirot ang dibdib ko nung naisip kong baka masaktan si Ate Julien kapag nalaman nyang nagtapat na saakin si Andy?

NANG matapos na ang pinapanood ko, umakyat na ako sa kwarto ko at naligo. Tapos ay bumaba din ako kaagad pagkatapos makapagbihis at makapag-ayos ng kaunti.

Matapos kunin ang listahan at ang pera ay lumabas na ako ng bahay.

"Damn! Wala nga pala yung sasakyan," bulalas ko nang hindi nakita ang sasakyan namin sa garahe. Ginamit nga pala ni Ate Julien kasama ang driver namin. Tsk. Hassle pa namang mag-commute. Pero ano pa bang magagawa ko?

Pagkabukas ko ng gate, halos malaglag na ang mga mata ko nang makita sya sa labas.

"A-anong ginagawa mo dito?" Gulat na tanong ko.

Mula sa pagkakasandal sa White Porsche nya ay ibinaba nya ang suot na Ray ban. "Waiting for you." He answered.

"Huh?" Clueless kong sabi. 

Under The Spell [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon