Pagdating ko sa sala ay nadatnan kong nagkakasayahan na ang mga ito at tingin ko'y nagsimula na ang totoong selebrasyon ni Coach Sario sa kaarawan nya dahil umiinom na sila ng alak.
Napatingin ako sa cellphone ko nang biglang mag-ring ito. Tumatawag si Mommy. Dahil sa maingay naman sila sa loob ay kinailangan ko pang lumabas sa rest house para sagutin ang tawag.
Pagkasagot ko'y nangamusta agad si Mommy. Sinabi kong okay lang naman ako pati si ate at wag na syang masyadong mag-alala. Mabilis din namang natapos ang usapan namin dahil isang tanong isang sagot lang naman ang scenario. I ended the call after we bid goodbyes.
"Your mom?"
Napatingin ako sa nagsalita. Si Andy pala.
"Hey, ikaw pala."
"Pwede bang makitabi?" paalam nya at tumango naman ako.
Nang maupo sya sa tabi ko ay walang ni isa ang nagsalita. Para bang pinakikiramdaman namin ang isa't isa.
I fake a cough. "Hindi ka ba makikisalo sa mga teammate mo?" I asked to break the silence.
"Nah. Mamaya nalang siguro," sagot naman nya. "May nakita akong nagtitinda ng inihaw na marshmallow kanina. Ano, tara puntahan?" biglang aya nya.
"Basta ba libre mo, eh."
Tila nag-isip naman ito at medyo pinagsalubong pa ang kilay nya. "Ang pagkakatanda ko, ako ang nanlibre sa'yo noong huli tayong kumain ng gano'n."
Natawa lang naman ako sa paalala nya. At talaga namang naalala pa nya iyon? "Oo na. Teka lang at kukunin ko sa loob iyong wallet ko." Akmang maglalakad na sana ako papuntang rest house nang pigilan nya ako.
"Huwag na. Ako nalang muna ang magbabayad." Tatanggi pa sana ako kaso hinila na ako nito sa paglalakad.
Medyo malayo din ang nilakad namin bago kami nakarating sa sinasabi nyang ihawan ng marshmallow. At natanggal naman agad ang pagod ko nang malanghap ang nakaka-adik na amoy ng inihaw na marshmallow. It defines the word 'love'.
"Natakam ka na naman." rinig kong biro ni Andy saakin. Natawa lang ako.
"Can't resist it, man," wika ko naman sa paglalaking boses. Tinawanan nya ako sa ginawa kong iyon at natawa nalang din ako.
Para kaming mga sira doon na nagtatawanan habang kumakain ng marshmallow. Minsan ay pinagtitinginan na nga kami ng ibang mga tao roon. Akala siguro'y mga lasing kami.
"Salamat sa panlibre mo ulit sa'kin ha," ani ko habang naglalakad na kami pabalik sa rest house.
"Hindi 'yon libre ha. Utang 'yon," ani naman nya.
Mag-rereact na sana ako kaya lang agad naman nyang dinagdag ang salitang 'joke lang'.
"Sira. Pero promise babawi ako. Sa susunod na kumain tayo ng inihaw na marshmallow, ako naman ang manlilibre."
"Sabi mo yan ha?"
"Oo. Promise." Itinaas ko pa ang kaliwang kamay ko. "Teka, anong meron do'n?" tanong ko at itinuro iyong mga nagkukumpulang tao sa hindi kalayuan.
"Tingin ko may nag-fafire dance doon."
"Talaga? Tara dali manood din tayo!" hindi ko na sya hinintay na makasagot at hinila na papunta roon.
Agad na v-in-deo-han ko naman ang dalawang pares na nagpapaligsahang mag-fire dancing. Napapalunok nalang ako dahil sa mga pinaggagagawa nilang stunt at pagbuga ng apoy.
Nang bumalik na kami sa rest house, wala kaming naabutan kahit na isang tao lang doon. Napatingin tuloy kami sa isa't isa.
"Nasa'n na yung mga 'yon?" I asked.
BINABASA MO ANG
Under The Spell [Completed]
ChickLitDahil sa matinding pressure sa kanyang kapatid, nagawang planuhing gayumahin ni Juliet ang lalaking parehas nilang gusto ng ate nya... but things went wrong nang iba ang nakainom sa gayumang iyon. Handa ba syang panagutan ang ginawang kalokohan lalo...