"Aba, himala. Wala atang maingay ngayon." Pagpaparinig ni Troy kila Alexa at Albie, dahil kanina pa hindi umiimik ang mga ito.
Napasulyap lang ang dalawa tapos ay sabay na napa-tss.
"Baka nag-iisip kung saan sila magha-honey moon. Alam mo na. Katatapos lang nilang ikasal kahapon." Matawa-tawang saad naman ni Danzel. Naalala ko lang tuloy iyong nangyari kahapon. Pagkatapos kasing suntukin ni Alexa si Albie ay agad na nag-walk out ito.
"Shut up, bro." Ani Albie na binigyan pa ng masamang tingin si Danzel. Nagtawanan lang ulit ang tatlo.
I was shocked when suddenly I felt an arm snaked around my shoulder. Pagtingin ko si Alcantara pala. Sino pa ba? Napaka-clingy talaga ng lalaking ito. Hinayaan ko na ngalang at ibinalik na ang tingin sa harapan. Nandito kasi kami sa gym at nanonood ng hip-hop. Dance competition ngayon at mamayang gabi naman ang Battle of the band. Medyo katatapos lang maglaro nitong mga kasama namin kaya nandito nanaman sila. And okay. I can't deny it. Romeo is really good at playing basketball. Kaya naman pala sya ang nanalong Most valuable player noong naglaro sila sa National Tournament.
HINDI rin nagtagal ay lumabas na kami sa gym. Naiinip na kasi ang mga kasama ko including Romeo na ang tanging ginawa lang ata ay ang paglaruan ang kamay ko.
"Oo nga pala, battle of the band mamayang gabi, ah. Manonood ba kayo, Juliet?" Bigla ay tanong ni Troy sa kalagitnaan ng paglalakad namin.
I shrugged. "I don't know." Sabay tingin ko kila Joana at Alexa. "Manonood ba tayo, girls?" I asked.
"Naman... Astig kayang manood ng ganun. Katulad nung last year." Joana Answered.
"Kayong bahala," Alexa simply answered, too.
"Don't go there. You better sleep and take a rest... Mapupuyat ka lang dun." Biglang singit naman ng katabi ko.
"Aru, ang sabihin mo, Master. Ayaw mo lang makakita si Juliet ng mga lalaking magaling gumitara at kumanta. Baka kasi makahanap sya ng crush doon." Troy said. At gaya nga ng inaasahan ko ay sinamaan lang sya ng tingin ni Romeo.
"You better keep your mouth shut." Aniya.
"Pero, Master, try rin kaya nating manood? Hindi tayo nanood last year, eh." Ezikiel suggested.
"Oo nga, Master. Malay mo mag-enjoy naman tayo dun." Pagsang-ayon naman ni Danzel at Troy. Si Albie? Wag nyo ng asahang magsasalita pa yan. Mukhang wala sa mood, eh.
"Gusto nyo manood ngayon na?" Alcantara said. "Go, no one's stopping you."
Napakamot nalang ng batok ang tatlo.
"Master naman. Wala pa nga, eh. Excited?"
Inirapan lang naman sila ni Romeo. As usual.
HABANG gumagala kami sa Campus at tumitingin sa mga booths na nagkalat lang sa paligid. Natigilan nalang ako nang biglang mahagip ng paningin ko si Andy at... At ang kapatid ko. Magkasama nanaman sila!? At mukhang masaya pa ata sila habang nag-uusap.
"Hey, what's the problem?" Bigla ay tanong ni Romeo.
I quickly shook my head. "W-wala." Sabi ko tyaka nagsimula ng maglakad ulit kasama sya since hawak na naman nya ang kamay ko.
"Diba, yung kapatid mo yun, Juliet?" Tanong bigla ni Danzel tyaka tinuro ang direksyon nila. Damn. Bat pa nya napansin? Napatingin tuloy silang lahat doon pati narin si Romeo.
"At kasama nya si Gomez... Mukhang nagkakamabutihan na ata silang dalawa." Troy said.
"I- I don't know," Tila nauutal na sabi ko. At pagkatapos nun ay naramdaman ko nalang ang paghigpit ng hawak ni Romeo sa kamay ko.
BINABASA MO ANG
Under The Spell [Completed]
ChickLitDahil sa matinding pressure sa kanyang kapatid, nagawang planuhing gayumahin ni Juliet ang lalaking parehas nilang gusto ng ate nya... but things went wrong nang iba ang nakainom sa gayumang iyon. Handa ba syang panagutan ang ginawang kalokohan lalo...