CHAPTER 22: Unexpected confession

1.5K 79 2
                                    

Nasa kalagitnaan kami ng pagkain, nang bigla nalamang lumitaw sa harapan namin ang Black Label.

"Hi, girls. Pwede bang makiupo dito?" Ani Troy.

"Yeah, sure." Agad ko namang sagot tyaka tiningnan sila. Bakit hindi nila kasama si Alcantara?

"Hinahanap mo si Master, no?" Nakangising tanong ni Albie nang makaupo na sila sa tapat namin.

"Of-course not!" I quickly said. "Pero, bat nga ba hindi nyo sya kasama ngayon?"

"Hindi pala hinahanap, ah." Pang-asar na saad ni Ezikiel sabay sulyap pa kay Joana. Aba, eto nanaman 'tong dalawang 'to. Sobrang lagkit magtinginan.

"Maaga kasing umalis si Master kanina. May duty, eh." Danzel spoke.

"Duty? Na naman?" Takang tanong ko. Nanuntok na naman ba sya ng kapwa naming estudyante at pinarusahan na naman ng mga magulang nya?

"Oo. Consequence yon ng pagtanggi nya na maging fiancé si Savana---aray! Bat nyo ko siniko!" Pagrereklamo ni Albie. Sikuhin ba naman kasi sya ng dalawang katabi. Pero ano daw!? Fiancé!?

"Bat mo sinabi? Lagot ka kay Master. Sikreto lang dapat yun!" Malakas na bulong ni Troy sakanya.

Napakamot naman bigla ng batok si Albie. "Ay, oo nga pala, paktay! nakalimutan ko."

"F-fiance?" Tanong ko.

"Ah--ano, Juliet. Kasi ganito yun. Business family friend kasi nila Romeo ang pamilya nila Savana. Tapos mag-me-merge daw ata ang kumpanya nila. Ayun dinamay pa si Master at sinabing i-fi-fix marriage sya kay Savana. Pero talagang loyal sya sayo, eh. Kaya nagmatigas sya at inayawan nya." Ezikiel explained.

"Uso pa pala ang fix marriage fix marriage na yan? Kung saakin siguro gagawin yan. Maglalayas talaga ako at magtatago sa hindi mahanapang lugar." Out of the blue ay sabi ni Alexa.

"Para namang may gustong makasal sayo, no." Pabulong na pagpaparinig naman ni Albie.

Agad na tiningnan sya ni Alexa at sinamaan ng tingin. "Mas lalo naman sayo."

"Oy, para sabihin ko sayo madaming nagkakandarapa sa pagmumukhang 'to 'no." Pagmamayabang naman ng isa tyaka pa nag-pogi sign.

Binigyan lang sya ni Alexa ng 'lokohin-mo-lelang-m­o' look. "Ang kapal talaga."

Nagkatinginan lang kaming lahat tyaka nagsimula ng kumain ulit at hinayaang magbarahan nanaman ang dalawa. Yeah, right. Kapag talaga sila ang kasama namin hindi na namin kelangan ng radio. Libre na, eh. Lols.

NANG matapos na kaming kumain at natapos nading magbangayan ang aso't pusa naming kasama, lumabas na din kami sa Cafeteria at nagpunta sa sari-sarili naming mga klase.

PAGKA-DISMISS ng instructor ay ako ang unang lumabas sa Room dahil masyado na akong naririndi sa mga bulungan at chismisan ng mga kaklase ko.

Habang naglalakad sa hallway ay hindi ko maiwasang isipin iyong nalaman ko kani-kanina lang. So, magkakilala pala ang pamilya ni Romeo at ng Savana'ng yon? Mukhang madami ng pinagsamahan ang dalawa. Hindi lang talaga ako makapaniwala na first love ni Alcantara ang babaeng yon. Ganun ba ang mga tipo nya? Yung mga babaeng maaarte at magagaspang ang mga ugali? Tss. Pero naisip ko paano nga kung si Savana na ang hinihintay kong sagot sa hinaharap kong riot ngayon? Uh, mukha namang imposible iyon. Mukha namang wala ng pagtingin sakanya si Alcantara, eh. And of-course! Dahil sa spell ng potion iyon. Ang gulo lang kasi. Paano ba mahahanapan ni Romeo ang true love nya kung saakin naman sya nahuhumaling gawa ng gayuma? Jeez! Napa-irony naman!

Agad na napahinto ako sa paglalakad nang mapagsino ang makakasalubong ko. Si Andy!?

Agad na tumalikod ako at nagsimula ng maglakad papunta sa pinanggalingan ko kanina. Hindi pwedeng makita nya ako. Or should I say. Hindi pwedeng makita ko sya. Pero, damn! Nakita ko na nga diba?

Under The Spell [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon