"Bakit ka nandito?" agad na tanong ko sakanya nang mabuksan na ang glass door. "At tyaka, paano ka nakarating dito?" dagdag ko pa. Nagtataka kasi ako kung paano sya nakaakyat sa veranda ng kwarto ko. Nasa second floor naman ito at walang hagdan pataas. Unless, ginamit nya ang secret passage ko na hindi na sercet dahil alam naman na nya. Ilang beses ko na ring nagamit ito lalo na kapag nasasaraduhan ako sa main door at ayaw nang istorbohin ang mga kapit-bahay.
"Seemed like kagagaling mo lang sa shower?" aniya imbes na sagutin ang tanong ko. Nakita ko pa itong napaiwas ng tingin saakin. At doon ko lang napagtanto ang isang bagay. Bukod tanging towel lang pala ang bumabalot sa katawan ko.
Ngali-ngaling napatakbo naman kaagad ako sa kama para kunin ang mga damit ko at saka kumaripas paloob ng banyo.
Ang epic fail ko, Jeez!
Pagbalik ko sa kwarto ay nadatnan ko syang nakaupo na sa kama ko hawak ang dalawang stuff toys at pangiti-ngiting pinagmamasdan ang mga ito. Malamang ay nakikilala nya ang mga 'to.
Saglit kong ibinalin ang paningin sa glass door. Sarado na. Baka isinara nya.
"Ehem!" pagpepeke ko ng ubo para makuha ang atensyon nito.
"Nakasanayan ko nang itabi sila sa pagtulog dahil simula nung nand'yan sila, hindi na ako dinadalaw ng mga masasamang panaginip."
"Really? That's great."
I cleared my throat. "Yeah... And now, tell me. What brought you here?" naka-crossed arms na pag-lilipat usapan ko.
Ibinalik nito ang mga hawak sa dating kinalalagyan bago nagsalita. "I went here to check you out. Hindi na kasi kita matawagan kanina kaya akala ko may nangyari nang masama sa'yo."
Natawa nalang ako sa naging sagot nya. Grabe naman palang mag-conclude itong si Alcantara.
"Na-lowbat lang iyong cellphone ko, okay?"
"But you're crying a while ago," giit naman nya.
"Who says I'm crying? Sinisipon lang ako kaya panay ang singhot ko kanina."
Napakunot-noo naman ito. "Ganoon ba?"
"Oo." Naglakad ako sa kama at naupo sa kabilang gilid. "Ngayong alam mo na ang totoo. Makakaalis ka na," wika ko habang itinataas-baba pa ang mga kilay.
"Kararating ko lang pero pinapaalis mo na ako agad?" tila may pagrereklamo nitong saad.
I raised my brow. "E ano naman sana ang gagawin mo rito?"
"It's up to you, baby. Any request will be accepted," aniya sa malanding tono. Napalayo tuloy ako sakanya nang wala sa oras.
Kung hindi pa sya aware. Nagsisimula na akong makaramdam ng pagkailang knowing na nasa iisang kwarto lang kami.
"B-bakit ka pa kasi nagpunta rito e umuulan."
He shrugged. "Kanina pa tumigil ang ulan."
Hindi na ako nagsalita pa at tiningnan lang sya. Ngayon ko lang napansin na naka-sando at varsity short lang sya. Nanggaling ba ito sa condo nya o sa bahay nila?
"Have you eaten already?"
Kahit na naka-pambahay ito ay isinisigaw pa rin nito ang salitang 'hot' at 'handsome'. Kahit ata sako na ang suotin nya ay hindi maiaalis sakanya iyon. Baka nga mag-mukhang model pa sya ng sako kapag nagkataon.
"Hey, are you okay?" Tila nabalik ako sa tamang katinuan nang i-wave nito ang kamay sa harapan ko.
"Huh? A-ano nga uli yung sinasabi mo?" walang kaide-ideya kong sabi.
BINABASA MO ANG
Under The Spell [Completed]
ChickLitDahil sa matinding pressure sa kanyang kapatid, nagawang planuhing gayumahin ni Juliet ang lalaking parehas nilang gusto ng ate nya... but things went wrong nang iba ang nakainom sa gayumang iyon. Handa ba syang panagutan ang ginawang kalokohan lalo...