Muntik na akong mapabalingkwas sa kama nang marinig ko ang nakakarinding tunog ng alarm clock ko.Napahilot nalang ako sa sintido ko tapos ay inis na hinablot agad ang alarm clock sa side table tyaka ito pinatay. Urgh. Linggo naman ngayon pero bakit ginambala ako ng alarm clock na 'to.
Tamad man ay bumaba na ako sa kama ko tyaka naglakad papasok sa washroom.
"What the! Halata naman ata masyado 'tong mga eyebags ko." Bulalas ko pagkatapos maghilamos at pinagmasdan ang sariling repleksyon sa salamin. Kitang-kita ko ang nag-ala musles na balat sa ibaba ng mga mata ko. Medyo puyat kasi ako dahil inantay ko pa na makatulog si Alcantara kagabi bago ako nagtungo sa kwarto ko at natulog.
Natigilan naman ako saglit nang may maalala. Si Alcantara!
Agad akong nagmadaling lumabas sa kwarto ko at tinahak ang kwarto kung nasan si Romeo... Pero pagbukas ko ng pinto ay wala akong naabutang Tao sa kama, nilibot ko ang buong kwarto pero ni anino nya ay hindi ko nakita.
"Nasan na yun?" Kunot noo kong tanong sa hangin tyaka na isinara ang pinto.
Habang naglalakad pababa sa hagdan, awtomatikong napasinghot-singhot nalang ako nang dumaan sa pang-amoy ko ang mabangong amoy ng hot cake.
Napakunot ako ng noo. "Hot cake?" I uttered. At sino namang magluluto ng hot cake dito e ako lang naman ang tao at ang nawawalang si Alcantara. Wait! Baka dumating na si Mommy!? Tapos nakita nya si Romeo na nandito sa bahay. My goodness!
Binilisan ko ang lakad pababa sa hagdan at kaagad na nagtungo sa kusina.
Pagbungad ko doon, halos malaglag na ang panga ko sa sahig nang makita kung sino ang nasa kitchen namin.
Halos hindi ko na magawa pang ikurap ang mga mata ko habang pinagmamasdan ang likuran nya at mukhang abalang-abala ito sa pagluluto. What the! Alcantara is in our kitchen with his half naked body!
Kaagad na tumaas ang lahat ng dugo ko sa mukha nang walang anu-ano'y napalingon sya sa gawi ko. Oh my goodness! Bigla ata akong nag-crave ng kape. May pandesal na kasi sa harapan ko, eh. Ang aga naman atang pagnanasa nito.
"Gising ka na pala," Rinig kong sabi nya.
"Uh? N-nandito ka lang p-pala." I stuttered.
He gave me a sly smile. "Yeah. Good morning." Bati nya tyaka hinila ang isang upuan. "The breakfast is ready. Come on. Maupo ka na dito." Aniya.
"A-ako?" Wala sa sarili kong tanong tyaka itinuro ang sarili.
"Yeah, you. Come here."
Natameme naman ako at parang robot na naupo doon.
"N-niluto mo lahat yan?" Gulat na tanong ko nang ihain nya ang bacon, hot cake, sunny-side-up egg, at sinangag sa mesa.
"Yeah, here, drink it." Alok nya sa kakalapag lang nyang chocolate sa side ko tyaka naupo na sa tapat ko. Bumalandra lang tuloy sa paningin ko ang--- ang matipuno at sexy nyang pangangatawan.
"M-Magsuot ka nga ng damit!" I awkwardly told him while looking in the other direction.
"Uh, sorry, nainitan lang kasi ako habang nagluluto." Saad nya tyaka sya tumayo at nagtungo sa sala. Pagbalik nya. Suot na nya iyong blue na damit.
"So let's eat?" Sabay upo nya ulit sa tapat ko.
Napainom nalang ako sa tsokolateng ibinigay nya saakin. Infairness, Masarap ang lasa. "Uh? Hindi ka na dapat nag-abala pang magluto. Nakakahiya naman. Ikaw iyong bisita dito pero ikaw pa ang nagluto." Nahihiyang sabi ko.
BINABASA MO ANG
Under The Spell [Completed]
ChickLitDahil sa matinding pressure sa kanyang kapatid, nagawang planuhing gayumahin ni Juliet ang lalaking parehas nilang gusto ng ate nya... but things went wrong nang iba ang nakainom sa gayumang iyon. Handa ba syang panagutan ang ginawang kalokohan lalo...