Chapter 41: The talk

1.3K 32 3
                                    

ALEXA's POV

Mula sa pagkakasilip sa direksyon kung saan nakapwesto ang locker ng Jimmy neutron na iyon ay napaayos nalang ako ng tayo at pasimpleng itinago ang mukha sa suot na hoodie nang makitang paparating na ang black label.

As usual ay nakuha na naman nila ang atensyon ng lahat ng nandito sa locker area. At halos maglaway na ang mga babae dito habang titig na titig sa limang kalalakihan. Woo! Edi sila na ang peymus at hawt! Pero wait! Except kay Albie the great 'Jimmy neutron'!

Hindi ko mapigilang hindi mapangisi dahil ngayon palang ay ini-imagine ko na ang magiging reaksyon niya sa surpresang nag-aantay sakanya. Bilisan mo ang paglalakad, Neutron! Masyado na akong na-eexcite sa mangyayari. Hihihi!

Buti nalang naka-hood ako kaya malamang sa malamang, hindi nila alam na si Alexa Dyosa ay nakasandal lang dito sa isang tabi.

Pasimple akong tumingin sa direksyon ng lima. Si Troy ay may itinagong libro sa locker nito, samantalang si Danzel naman ay may kinuhang libro. Sa kabila naman nila, nakasandal lang doon sina Ezikiel at Romeo. Hawak ni Ezikiel ang cellphone nito at busy sa pagpindot. Malamang ay ka-text nya si Joana. Ang katabi naman nitong si Romeo ay tila malalim ang iniisip habang nakatingin lang sa suot na relo. May problema ata ang isang iyon. I wonder kung ano nalang ang mangyayari sakanya pag nawala na ang bisa ng love spell na napainiom sakanya ni Juliet.

Napatingin ako sa kawawang target ko. Aha! Bubuksan na nya ang locker nya.

Agad kong inilabas ang cellphone ko mula sa bulsa ng hoodie tyaka ito kinalikot at agad na pumunta sa camera app. Girl scout ako kaya dapat laging handa. Ehe!

"Whoah! Ano yan, bro?" Mula sa kinaroroonan ko, tanaw ko ang paglapit ni Troy sa kinaroroonan ni Albie nang mabuksan na nito ang kanyang locker.

"Seems like someone is showing her admiration to me." Ano raw admiration? Eww! In your face, Jimmy neutron!

"Aba, sino naman ang nagkamaling ilagay 'yan sa locker mo?" I like that, Danzel.

Habang pinagkakaguluhan ng tatlo ang mumunting surpresa ko, pinindot ko na ang start button sa cellphone ko at sinimulan nang video-hin ang pobreng target.

"Will you stop acting as if you're kids, three fart? Can't you see? No one's noisy here, only the three of you." Romeo acts as if he's the superior. Well, he really is.

"Kesa magkagulo kayo d'yan, bakit hindi nyo nalang tingnan kung ano ang laman ng box na 'yan?" Hmm. Good suggestion, Ezikiel. Pero dapat si Albie ang magbubukas.

"Sure thing. Since saakin naman ibinigay, ako lang ang magbubukas." Tss. Ngumisi ka lang ng ngumisi Jimmy. Nasa akin pa rin ang huling halakhak. Mwahaha!

Nakita ko kung paano masayahan si Albie nang makita ang laman ng box. Paano ba naman hindi sya masisiyahan e cupcakes ang laman nung box. Cupcake with twist, in exact. Yung mapapa-twist ka nalang kapag kinain mo dahil sa sobrang anghang.

"Wow, such a fascinating cupcakes. Tinitingnan ko palang ay busog na ako." I rolled my eyes. Talagang nag-effort pa ako para magmukhang kaakit-akit iyang mga cupcake na yan. At kita mo nga naman, naakit naman ang unggoy. Napaghahalataang matakaw.

"Mukhang masarap yan, bro, ah. Penge naman ako ng isa." Halla, Troy, wag kang humingi! Madadamay ka lang sa paghihiganti ko. Oh no!

"Akin lang 'to, oy! Kulang ko pa nga, eh."

"What a selfish, fart." Tama ka, Romeo, selfish nga iyang kaibigan mo. Pero gusto ko ang pagka-selfish nya ngayon.

"Sandali, titikman ko lang 'tong isa. Kapag hindi masarap i-shishare ko sa inyo. Pero kapag masarap, pasensyahan nalang tayo, mga bro." Tama yan, Jimmy neutron. Tikman mo na ang regalo ko sa iyo so that the real show will begin.

Under The Spell [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon