"Bakit naman ganoon ang sinabi mo?" iyon ang naging reaksyon ni Joana matapos kong ikwento sakanila iyong nangyari at pag-uusap namin ni Romeo kahapon.
"Oo nga. Diba iyon naman ang gusto mo? ang tumigil na sya sa kagaguhan nya. Iyon na nga e nag-sosorry na at mukhang gusto pa atang bumalik kayo sa dati. Hindi ba dapat maging masaya ka ro'n?" dagdag pa ni Alexa.
Nasubo ko nalang ang kutsarang may lamang lasagna. "Dapat ba akong maging masaya?"
Alexa suddenly raised her brow to me. "Why not? Na-realize na nyang mali iyong mga ginawa nya. Nakikipag-ayos na sya sa'yo't lahat lahat. Ano pa ang issue mo at pinapalayo mo sya? Hindi ba pwedeng magkaayos na lang kayo? "
"Hindi naman ganoon kadali, eh," rason ko naman.
Hinawakan lang nito ang kanyang sentido at saka ito minasahe. "Ay, ewan ko sainyo. Para kayong ganito..." sabay galaw ng kamay nya na parang alon. "Roller coaster! Up and down. Gosh! naloloka na ako sa lovestory nyo ni Romeo!"
Nangunot ang noo ko. Lovestory?
"Parang whirlpool kamo. Nakakahilo," sabat naman ni Joana.
Maya-maya'y biglang natigilan ang mga ito at nanlalaki ang mga matang nakatingin sa likuran ko. Magkatabi kasi ang dalawa samantalang katapat ko naman sila.
"Bakit kayo napatulala r'yan?" kunot-noo kong tanong sakanila. Saglit nila akong sinulyapan at muling ibinalik ang tingin sa likuran ko. Mas lalo lang nangunot ang noo ko nang ngumuso ang mga ito.
"Speaking..."
Dahil kuryosidad ay napalingon nalang ako nang hindi oras.
"Ano bang meron sa likuran ko at..." Natigilan ako sa sinasabi nang makita kung sino ang mga kalalakihang kapapasok lang ng cafeteria. It's the Black label. The complete Black label.
"Naniniwala na talaga akong nakikipag-ayos sa'yo si Romeo," sabi ni Joana.
Pagkatapos nun ay may tumikhim sa gilid namin. Pagtingin ko, ang Black label pala. Ang bilis naman nilang nakalapit. Pero teka, ano namang ginagawa nila rito?
"Kung hindi n'yo mamasamahin, pwede ba kaming makiupo rito, girls?" Ezikiel asks while looking to Joana. Naku, ang lagkit na naman ng tinginan nitong dalawang 'to.
"Iyong totoo, Ezikiel. Kaming tatlo ba talaga ang kausap mo o si Joana lang?" agad na sabi ni Alexa.
Natawa lang si Ezikiel pati ang mga kasama nya at saka na sila umupo. Tumabi si Ezikiel at Danzel kila Joana. Samantalang ang tatlo naman ay naupo sa tabi ko. And worst? Piniling tumabi sa'kin si Romeo. Nasa kaliwa ko sya at sa kanan naman si Albie at Troy.
Napausog nalang ako sa kanan ko dahil ayaw kong magkalapit ang mga balat namin ni Romeo o kahit ang mga damit namin.
"Kanina pa ba kayo rito?" tanong ni Albie.
"Yah. patapos na nga kaming kumain, eh," sagot naman ni Alexa. Aba, matino ata itong dalawa ngayon.
"Naligaw ata kayo?"
"Hindi. Dito talaga ang punta namin. Nag-text kasi si Joan na nandito kayo," Ezikiel said.
Maya maya'y may dumating na tatlong estudyanteng babae at inilapag ang limang tray sa mesa.
"Thanks, girls," Troy said and winked at them. Agad namang kinilig ang mga babae.
"You're always welcome," halos sabay sabay na sabi ng mga ito at saka na umalis.
BINABASA MO ANG
Under The Spell [Completed]
ChickLitDahil sa matinding pressure sa kanyang kapatid, nagawang planuhing gayumahin ni Juliet ang lalaking parehas nilang gusto ng ate nya... but things went wrong nang iba ang nakainom sa gayumang iyon. Handa ba syang panagutan ang ginawang kalokohan lalo...