CHAPTER 10: Apologize

1.6K 104 6
                                    

"Anong ginagawa nyo dito?" Tanong ko sa apat. "At bakit nyo ako sinusundan?"

Nagkatinginan lang naman sila. 

"Ang totoo nyan, papunta sana kami kay Master Romeo. Kaso nakita ka namin kaya sinundan ka namin. Curious lang kami kung anong gagawin mo dito." Paliwanag ni Albie.

Nagtaas lang ako ng kilay tyaka sila tiningnan at inobserbahan ng mabuti ang paligid. Baka kasama nila si Alcantara.

"Saan ka ba pupunta, Juliet? Nagdi-date ba kayo ni Master?" Tanong ni Troy na agad namang binatukan ni Ezikiel.

"May duty nga si Master ngayon diba? Tapos magkasama sila? Tanga lang?" 

"Aray, masakit yun, ah!" Sabay sapok din ni Troy sa ulo ni Ezikiel. "Masama bang mag-assume? Tyaka malay mo tapos na yung Duty nya." 

Ano bang sinasabi nila? 

"Duty?" Curious na tanong ko.

Napatawa naman saglit si Danzel. "Malalaman mo din mamaya." Aniya.

"Saan ka ba pupunta, Juliet? Tyaka, anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Albie.

Naalala ko naman bigla kung bakit nga ba ako nandito. I slightly smiled. "Pauwi na sana. Naglakad lakad lang ako dito sandali." 

"Aba, sakto! Sumama ka nalang muna saamin." Ani Troy.

I looked at them in confusion. "Where?" I asked.

"Basta. Sumama ka nalang." Tyaka na nila ako kinuyog. At wala na akong nagawa kundi ang sumama nga sa kanila. Okay, fine, mababait naman sila, eh. At isa pa, sino ba namang hindi makakatanggi sakanila e anggu-gwapo nila. Lols.

AROMA ng kape ang nangingibabaw sa Golden A Coffee shop nang makapasok kami sa loob.

"Dun tayo," Ani Albie at nanguna ng maglakad at naupo sa bakanteng mesa. Sinundan naman namin ito.

"Salamat," sabi ko nang ipaghila ako ni Troy ng upuan tyaka na naupo.

"Welcome." Aniya.

Saglit na pinagmasdan ko ang paligid. Sobrang classy naman ng lugar. Tyaka napaka-refreshing. Idagdag pa iyong mabangong amoy ng tsokolate at kape na ani mo'y lumilipad lang sa paligid.

Bigla ay nahagip ng paningin ko iyong lalaki sa counter. Pinakatitigan ko sya sandali. Parang pamilyar sya sakin, ah.

"Teka, si Romeo ba yun?" Tanong ko sabay turo sa lalaking tila nababadtrip na sa mga costumer na nakapila at umoorder ng kape at frappe.

The four boys chuckled. "Sya na nga at wala ng iba pa,"

"Ha? Nagtatrabaho sya dito?" Hindi makapaniwala kong sabi. Ang balita ko mayaman sya, ah.

"Hindi. Punishment nya yan." Albie replied.

"May sinuntok kase syang senior student sa campus tapos naparating sa Tatay nya. Kaya ayan, ginawa syang barista nang magtanda raw ang loko." Matawa tawang dagdag pa ni Troy.

"Ano? May sinuntok? Bakit naman sya nanuntok?" Agad kong tanong.

"Ewan... Basta badmood sya nung araw na 'yun, eh." 

Tss. Badboy talaga.

"So, sakanila itong coffee shop?" I asked.

Tumango naman silang apat. Tiningnan ko uli ang direksyon kung nasan si Alcantara. Nakakunot ang noo nito habang kinakausap ang isang babaeng customer. Mukhang nagsusungit nanaman ang loko. Sayang lang ang effort ng babae dahil mukhang todo pa-cute pa naman ito.

Under The Spell [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon