CHAPTER 45: Here's to never growing up

1.1K 29 1
                                    


Nang makita kong bumukas na ang pinto ng kwarto ni Andy at iniluwa nito si Romeo, kaagad na napatayo ako mula sa kinauupuan.

"Anong nangyari?" tanong ko.

"Nothing. We just talked," mabilis naman nyang sagot at napatango nalang ako. Though, I wonder kung ano'ng pinag-usapan nila.

"Kung gano'on, pwede na bang ako naman ang kumausap sakanya?"

"Yeah. I'll wait you here." Ngumiti pa ito ng kaunti at sinuklian ko naman iyon bago tuluyang pumasok sa loob.

"Hey, Juliet..." Andy spoke when he saw me. I just smiled and sat at the corner of his bed. Gaya kahapon ay may benda pa rin sya sa ulo at nakasuot ng hospital dress. Pero kahit na gano'n hindi pa rin nagbago ang kagwapuhan nya. He still looks handsome and clean.

"Kumusta na ang pakiramdam mo?" I asked.

Katulad ng dati nyang ginagawa ay ngumiti muna sya bago ako sinagot. "Okay naman. Ready na nga akong umuwi, eh."

"Sabi ng doctor kagabi mag-stay ka raw muna rito ng ilang araw, for your good."

Binigyan nya ako ng tingin na tila may naalala. "I haven't seen you last night when I woke up."

"Sorry. Na-disappoint ba kita?"

"No. It's okay. Atleast you're here right now," he says. "Thanks for coming, by the way."

"Ako dapat ang magpasalamat sa'yo, Andy. Thank you sa pagligtas saamin."

"Wala 'yon. Malakas ka sa'kin, eh," nakangiti nyang saad.

Walang sabi-sabi ko naman syang hinampas sa braso na syang ikinagulat nya.

"Aray! That hurts!"

"Bakit mo kasi ginawa 'yon! Paano nalang kung mas grabe pa d'yan yung nangyari sa'yo? Alam mo bang nag-alala ako sa'yo ng sobra! Hindi makakaya ng konsensya ko kapag---" Hindi ko na natuloy ang litanya ko nang maramdaman ang daliri nya sa labi ko.

"Ssh. You're important to me. At wala akong pinagsisisihan sa ginawa ko," aniya. "Please, wag ka ng umiyak. Baka mamaya bigla pang pumasok si Romeo rito at suntukin ako dahil pinapaiyak kita."

Kaagad namang pinunasan ko ang mga luha ko. Ano ba yan! Nagiging iyakin na ako. "Ikaw kasi, eh. Pinag-alala mo ako. Sa susunod wag mo ng gagawin 'yon, ha?"

"Can't promise you." sagot naman nya.

I'm about to say something when the door suddenly opened.

"Just wanna ask you kung gusto mo ng kape."

Napakunot ang noo ko kay Romeo. Kape? Really huh? Sa ganitong oras?

"Oh, I mean--- juice," agad nyang bawi nang ma-realize ang kapalpakan. Natawa nalang ako sa isip-isip ko.

"Hindi na Romeo. I'm still full."

He looked at me like as if he was observing me. "You sure?" He asked, and I just nodded.

"Okay." Sabay sarado na nito sa pinto. Ipagpapatuloy na sana namin ni Andy ang usapan namin nang bigla ulit bumukas ang pinto at nakitang nakadungaw ang ulo ni Romeo.

"How about water?" tanong nito.

"Salamat nalang, Romeo. Pero busog pa kasi ako."

"Oh, okay," aniya saka na ulit isinara ang pinto. I blankly stared at the closed-door. Ano bang nangyayari do'n?

Napalingon ako kay Andy nang marinig itong tumawa.

"What's with the laugh?" nagtataka kong tanong.

Under The Spell [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon