Habang papalapit nang papalapit sa gymnasium ang mga paa ko, ramdam ko ang malalakas na pagkabog ng puso ko."Tama ba ang gagawin ko?" may pag-aalinlangan kong tanong sa sarili tyaka tiningnan ang dala-dalang Blue gatorade. Tama bang gayumahin ko ang lalaking matagal ko nang gusto? Ugh! Alam kong ako na ang pinaka-selfish sa mundo dahil sa gagawin ko pero you can't blame me. Ito nalang ang natitirang choice ko para ipakita sa magaling kong kapatid na sa pagkakataong ito ay ako naman ang pipiliin ng lalaking parehas naming nagugustuhan. Gusto kong ipamukha sakanya na kaya ko syang higitan. And I'm ready to do everything just to get the guy I like by hook or by crook.
Saglit na napahinto ako sa paglalakad nang marating na ang gym. "This is it! Wala ng atrasan!" I murmured and walk straight inside the gym.
Ingay kaagad ang sumalubong sa tainga ko nang makapasok na ako sa loob. Yeah, paano ba naman hindi e may basketball game ngayon. Inilibot ko ang aking paningin para hanapin ang pwesto ng mga kaibigan ko. At dahil hindi naman ganoon karami ang mga estudyanteng nandito sa loob, madali kong natagpuan ang dalawa. Nasa pinakababang bleacher ang mga ito at nasakto pang sa tapat ng waterjog ng team nila Andy.
Great! Perfect place and timing, dahil maya maya ay magwa-water break na.
Mabilis akong lumapit sa pwesto ng dalawa.
"Buti naisipan mong pumunta pa dito?" agad na tanong ni Alexa pagkaupo ko sa tabi nya. Kanina pa kasi nila ako tinetext at pinapapunta dito sa gym.
I just shrugged. "Sa ngayon ko lang naisipang pumunta, eh," sagot ko naman. "Anong nangyari dyan?" sabay nguso ko kay Joana na nasa tabi nya. "Pumipikit pa ba yan?" tanong ko nang mapansing tutok na tutok ito sa mga naglalaro.
Bahagyang natawa si Alexa. "Kanina pa nga yan eh. Pinagnanasaan na ata si Ezikiel sa isipan nya."
"Wuy! Narinig ko yun ah! Hindi kaya," agad namang giit ni Joana na ibinaling na ang paningin saamin.
"Sus! Kunwari ka pa," pang-asar na sabi ni Alexa.
"Tss. Whatever... para kanino naman yang hawak mo, Juliet?"
"Ito ba?" sabay taas ko sa gatorade. "Para kay Andy," medyo may kahinaan ang boses na turan ko.
"Aba! Pumaparaan, ah," Alexa said.
"Yeah. At dahil ikaw naman ang katabi ko. Ikaw mag-abot sakanya nyan mamayang water break." sabay abot sakanya nung Gatorade. Nahihiya kasi ako kay Andy, eh. Biruin nyo yun may hiya pala ako.
Aangal pa sana si Alexa kaso ay narinig na namin ang pag-announce para sa water break.
"Just give it to Andy... and after that, ililibre kita ng Frappe sa Starbucks," bulong ko sakanya. Gaya ng inaasahan ko awtomatikong kumislap ang mga mata nya.
Dang! Alam na alam ko talaga ang pansuhol sa babaeng 'to. Pft!
"Okay, game! Sabi mo yan ah," Alexa assured.
"Yeah," tipid na sagot ko.
Tila bumagal ang pag-ikot ng mundo ko nang makita si Andy na papalapit saamin... or should I say sa waterjog na nasa harapan namin. Goodness! Iba talaga ang dating nya sa'kin. Seeing him in his wet look makes my heart to beat even more. Mabait na nga, gwapo pa.
All of a sudden ay nakonsensya ako bigla sa gagawin ko. Tama ba talaga 'to? Tama bang ipainom sakanya yung Gatorade na hinaluan ko ng love potion at inorasyonan? Ano ba yan! Hindi pa man nya naiinom ay nakokonsensya na ako kaagad.
After a tons of thoughts ay napag-isip isip kong wag nalang ituloy.
"Alex---" I'm about to talk to Alexa kaso ay bigla nalang syang tumayo.
Kumabog ng todo ang puso ko nang makitang lumapit sya sa kinaroroonan ni Andy tyaka ibinigay ang Gatorade. What the!
Hindi ako makakilos sa kinauupuan ko. Gusto kong tumayo at agawin iyon pero parang natuod ata ako.
Did Alexa really gave it to him?!
"B-bakit mo binigay sakanya?!" nagpapanic na tanong ko kay Alexa nang makabalik na sya sa tabi ko.
"Ha?" nagtataka nya akong tiningnan. "Adik ka ba? Inutusan mo 'ko tapos itatanong mo 'yan?"
"Kanina 'yon, pero... kasi..."
Bigla ay tinapik nya ako sa balikat.
"Wag kang mag-alala, hindi ko naman sinabi na ikaw ang nagpapabigay, eh. Basta yung libre ko, ah?"Hindi makapaniwalang tiningnan ko sya pagkatapos ay ibinalin na ang paningin sa direksyon ni Andy.
Lalo lang akong nagpanic nang makitang hinablot ng captain nila ang hawak nyang hindi pa nababawasang Gatorade. Susundan sana niya ito at siguro'y babawiin kaya lang ay may nag-alok na sakanya ng tubig.
Anong---Hindi pwede!
Halos malaglag ang panga ko nang makitang mabilis na binuksan ni Romeo Alcantara iyon tyaka ito nilagok kaagad.
Parang huminto ang mundo ko habang pinagmamasdan syang iniinom iyon... Sa dinami-dami ng pwedeng uminom ay bakit sya pa?! Bakit si Romeo Alcantara pa na leader ng Black label?!
Awtomatiko akong napatayo nang tuluyan nang nag-sink in sa utak ko ang nangyayari.
"Noooo!" sigaw ko.
Huli na nang mapagtanto kong nakuha ko ang halos lahat ng atensyon ng mga tao sa loob ng gymnasium... including Romeo's attention, his teammates, and their opponent as well.
Frog, yeah. It's a big trouble!
BINABASA MO ANG
Under The Spell [Completed]
Literatura KobiecaDahil sa matinding pressure sa kanyang kapatid, nagawang planuhing gayumahin ni Juliet ang lalaking parehas nilang gusto ng ate nya... but things went wrong nang iba ang nakainom sa gayumang iyon. Handa ba syang panagutan ang ginawang kalokohan lalo...