CHAPTER 65: No more doubt

1.3K 46 3
                                    

Matapos mabayaran ang tatlong libro sa counter, lumabas na ako sa bookstore at naglibot-libot sa public market para bilhin iyong pinapabili ni mommy. Hindi kasi nito maharap na magpunta rito dahil busy sya sa negosyo lalo na't madaming nagkakainteres sa Martinico Scent at gustong makisosyo. Ngayon palang ay ramdam ko nang mahirap palang maging business woman. Halos lahat ng oras at atensyon mo'y sa negosyo mo mailalaan. That's why I really admire those business person who manages their time between their business and family.

Habang naglalakad ako'y napansin kong madami pa rin ang nagtitinda ng mga kandila at bulaklak sa paligid. Matagal nang tapos ang All Saint's Day, ah? Pero sabagay, November pa rin naman. November 30.

Matapos bilhin iyong pinapabili ni mommy ay tumungo na ako sa waiting area para maghintay ng bus, ngunit nanlaki nalamang ang mga mata ko nang makita ang taong matagal ko nang hinahanap. Kahit na naka-side pa ito hindi ako pwedeng magkamali... sya iyong babaeng pinagbilhan ko ng love potion noon.

"Manang?" tawag ko rito at agad naman syang napalingon saakin.

"Kayo nga po manang!" Frog! hindi ko akalaing makikita ko pa sya nang hindi inaasahan.

"May kelangan ka ba, ineng," tanong nya habang tinitingnan nya ako na para bang inaalala nya kung nagkita na ba kami dati.

Magsasalita na sana ako kaya lang agad rin syang nagsalita. "Hulaan ko, isa ka sa bumili ng potion ko, ano?"

Napatango ako kaagad. "Tama po kayo. Mabuti naman po at nakita ko na kayo. May gusto po kasi akong  itanong sainyo."

"Kung tatanungin mo kung nagtitinda pa ako ng love potion. Hindi na," naiiling na sabi nya.

"Ah--- hindi po! Gusto ko lang itanong kung matatanggal na ba talaga iyong bisa ng gayuma pagkatapos ng exparation date nya?"

Sandali syang natahimik sa sinabi ko. Naguguluhan ata.

"I mean one hundred days po kasi iyong sinabi nyong itatagal ng gayumang napainom ko sa isang lalaki... pagkatapos ng isang daang araw, wala na po ba iyong bisa nun?" paliwanag ko.

"Oo naman, ineng. Nasabi ko naman siguro sa'yong walang forever, diba?" Medyo bitter din si manang, eh. "Oras na natapos na iyong bisa ng gayuma, natapos na talaga. At hindi na mahuhumaling sa'yo iyong lalaking ginayuma mo. Hindi iyon load na pwedeng i-extend, ano."

Napatanga lang ako kay manang. Ibig sabihin nun totoo na talaga iyong nararamdaman sa'kin ni Romeo? Totoong mahal nya ako?

"Juliet?!"


Mula sa pagkakatulala ay napalingon ako bigla sa likuran ko nang marinig na may tumawag sa pangalan ko.

"Albie?" agad kong sabi nang makita sya. Ano namang ginagawa nya rito?

"Hey, Juliet." Lumapit sya sa'kin. "Pauwi ka na ba?" tanong nya at tumango naman ako.

"Yeah. Mag- aabang na nga ako ng masasakyan, eh." Tiningnan ko si manang kaya lang ay wala na ito sa kinatatayuan nya kanina. What the frog!?

"Nasaan na si manang?" bulong ko at iginala ang paningin.

Nang mapasadahan ko ng tingin ang isang tricycle, nakita ko roon si manang. Wala na akong nagawa nang umandar ito palayo.

"May hinahanap ka, Juliet?"

Napatingin ako agad kay Albie atsaka umiling. "W-wala." Nasagot na rin naman ni manang iyong katanungan ko, eh.

Albie just nodded. "Pwede bang humingi ng pabor?" aniya. "H'wag kang mag-alala, simple lang naman, eh."

"Okay?" hindi sigurado kong sagot. "Ano 'yon?"

Under The Spell [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon