"Anong hanap mo, miss? Tuloy ka sa loob at baka may magustuhan ka roon." Iyon ang salubong sa'kin ng babaeng tagabantay ng antique shop. Kanina pa ito nakamasid sa'kin dahil patingin-tingin ako sa shop. At ngayon, hindi na ito nakatiis at nilapitan ako sa kinatatayuan ko. Inaakala na atang budol-budol gang ako, eh.
"Ah. Hindi po ako nandito para bumili," turan ko. "Kung okay lang po sainyo, pwede ho bang magtanong?"
"Oo naman. Ano 'yon?"
"Yung dati pong may ari ng shop na 'to. Pumarito na ho ba sya?" tanong ko at umaasang magandang balita ang sagot nito.
"Alam mo bang pang-sampu ka nang nagtanong tungkol sakanya, ngayong araw? At siguro may susunod pa sa'yo," sagot nya.
"Matanong lang kita ha..." she paused for a while and stared at me. "Isa ka ba sa mga nabentahan nya ng gayuma?"
"Naku, h-hindi po. Nagkakamali po kayo," I immediately denied while shaking my head.
"Sige ho. Salamat nalang."
Hindi ko na hinintay ang sasabihin nito at naglakad na ako palayo roon. Wala na rin naman akong kailangan dahil nakuha ko na ang gusto kong malaman.
Napag-isipan kong umikot sa lugar upang ipagtanong kung kilala ba nila iyong may-ari ng Love Spell Boutique, kaya lang ni isa ay walang nakakakilala rito. May mga ilan namang nagsabi na nakikita nila ito dati subalit noong nakaraang taon pa iyon.
Kahit ata suyurin ko ang buong palengke ay wala rin akong mapapala. Kaya naman nagdesisyon akong tumigil na at magpahinga. Mukhang nagpapagod lang ako para sa wala.
"Nasa'n ka na ba manang?" naibulalas ko nalang sa hangin.
"Sana naman ay magpakita ka na sa'kin as susunod," dagdag ko pa.
Sa huli, dumiretso nalang ako sa mall para magpahangin doon. At dahil naalala kong kakaunti nalang iyong natitirang hindi ko pa nabasang wattpad books na bahay ay naisipan kong bumili na naman. Mas maigi na iyon para maraming mundo ang maghihintay sa'kin.
Pagkatapos makabili ng libro'y nagtungo ako sa food court para kumain. Kaya lang ay punuan at madami ang kumakain kaya umalis din ako agad. Naglakad nalang ulit ako papunta sa parati naming kinakainang restaurant nila mommy. Kahit na may kamahalan doon ay masarap naman ang lahat ng nasa menu nila. Kaya sulit na rin iyon at worth it.
Pagbungad ko palang sa loob ng restaurant ay napaatras agad ako nang makita ang tatlong pamilyar na tao. Frog! at talaga namang na-timing pa na nandito sila?
"Juliet? Is that you?"
Naku, naku naman! bakit pa ako napansin ng mommy ni Romeo? Natigilan tuloy ako sa plano ko sanang pagtakbo.
"Ah. H-Hello po," awkward na bati ko at hindi makatingin ng diretso sakanila. Kasama nya iyong dalawang anak nya, for Pete's sake! Naalala ko lang tuloy iyong ginawa sa'kin ng isang anak nya sa rooftop noong lunes.
"Sinasabi ko na nga ba ikaw 'yan, hija. Come here, join us."
"Ah hin---" Tatanggi palang sana ako kaso ay hinila na ako nito at saka pinaupo... sa tabi ni Romeo.
"Anong gusto mo? Steak? Italian pasta? pizza? fillet? Sabihin mo lang at oorder ako."
I shook my head. "Hindi na po, tita. Busog pa po ako." Syempre hindi iyon totoo. Gutom na nga ako, eh. Kaya ko lang naman iyon sinabi para may dahilan ako para hindi na manatili pa sa restaurant.
"Oh? Ganoon ba? How about cake? juice? o kahit tubig man lang," tila dismayadong wika nito.
"Pasensya ka na kung kinukulit ka nya, ngayon ka lang kasi nya ulit nakita." rinig kong bulong ng katabi ko sa'kin. And that hits me. Bigla naman akong na-guilty sa pag-iisip ko na layasan sila agad. Wala namang nagawang hindi maganda sa'kin ang mommy nya. Sa katunayan nga, maganda ang trato nito sa akin.
BINABASA MO ANG
Under The Spell [Completed]
ChickLitDahil sa matinding pressure sa kanyang kapatid, nagawang planuhing gayumahin ni Juliet ang lalaking parehas nilang gusto ng ate nya... but things went wrong nang iba ang nakainom sa gayumang iyon. Handa ba syang panagutan ang ginawang kalokohan lalo...