"Shit!" Iyon ang kaagad na lumabas sa bibig ko nang buksan ko ang aking locker at tumambad sa akin ang lukot-lukot kong mga libro at notebook na basa pa gawa ng iba't ibang kulay na pintura."Such an awesome surprise," sarkastikong sabi ko habang pinagmamasdan pa rin ang nakakatuwang surpresa sa akin.
Hahayaan at iiwanan ko na sana ito kung wala lang dito ang assignment ko. Kaya kahit na basa sa pintura ang mga gamit ko ay hinalungkat ko pa rin upang hanapin ang papel na pinaglagyan ko ng aking asignatura na kelangang ipasa ngayon.
"Pati ba naman 'to hindi pinalagpas?" Nagsalubong lalo ang kilay ko nang makitang hindi na nababasa ang laman ng papel na hawak ko dahil pati ito'y nadikitan na rin ng pintura.
I closed my eyes in anger. Pakiramdam ko'y gusto kong manapak ng tao dahil sa kagaguhang ginawa nila sa locker at mga gamit ko. Oo nga pala. Center of bullying nga pala ako ngayon dahil doon sa pesteng sticker na idinikit sa locker ko kahapon. At talaga namang nagsisimula na sila sa pamemeste sa akin, ha? Asar! Bakit kasi ito pa ang naisipang ganti saakin ni Romeo?
Pinakalma ko muna ang sarili ko bago isara ang aking locker at naglakad papunta sa pinakamalapit na comfort room para hugasan ang mga kamay kong may pintura. Nakakainis nga't pinagtitinginan na naman ako ng mga estudyante. Hindi pa ba sila sawa sa kakatingin sa'kin? Lagyan ko ng pintura ang mga mukha nila eh.
Mga ilang oras siguro bago ko tuluyang natanggal ang pintura sa balat ko. Iyon ngalang ay medyo namanhid ang mga kamay ko dahil sa madiin na pagkuskos na ginawa ko.
Nang maayos na ang sarili, lumabas na rin ako roon at dumiretso sa room. Mangilan-ngilan palang ang tao sa krasrum nang makarating ako. At hindi naman 'yon nakapagtataka dahil maaga pa naman. Sa pinakadulong row ako pumwesto at tahimik lang na naupo roon.
Nagmistulang bubuyog ang mga kasama ko dahil sa mga bulong na ginagawa nila. Mga bulong na medyo rinig ko naman. Pinabayaan ko lang sila at nanatiling tahimik sa kinauupuan.
Hindi rin nagtagal ay nagsidatingan na ang iba naming mga kaklase at pati ang guro. I was expecting to see him in this class pero ni anino n'ya at ni Albie ay hindi ko pa nakikita. May balak kaya silang pumasok ngayon? Pero bakit ko ba sya iniisip? Galit iyon sa'kin at ganon din ako sakanya dahil alam kong sya ang may pakana sa ginawang pambababoy sa locker ko.
"Today's the deadline of your assignment. Siguro naman walang hindi nakagawa?" the professor started. Nagpatay-malisya lang naman ako.
"So, let's start the oral recitation with you... Miss Manuel."
Habang nagbabasa ang kaklase ko sa harapan ay tahimik akong nananalangin na sana'y hindi matawag ang pangalan ko. Dahil kapag nagkataon, baka palabasin pa ako. Iyon kasi ang usapan noon. Dapat daw mayroong assigment ang lahat. Dahil bukod sa laman ng essay namin ay titingnan nya raw ang construction ng mga sentences namin. Ewan ko ba kung bakit pati iyon ay idinamay nya samantalang Business Opportunity naman and itinuturo nya.
"Miss Martinico."
Agad na nanigas ako sa kinatatayuan ko. Wala na bang mas mamalas sa araw na ito? Of all student ay na-tiempohan pang sa pangalan ko natapat ang mga mata nya?
Halos lahat ng kaklase ko ay tumingin sa akin at tila ba hinihintay kung ano ang gagawin o sasabihin ko.
"Where's your assignment, Miss Martinico?"
I stood up. "I don't have, Ma'am," sagot ko at nagsimula namang magbulungan ang buong klase.
"Ang luwag ng araw mo para gawin ang assignment mo pero hindi mo nagawa?" She then gave me an insulting look. "Tell me, Miss Martinico... ano ang pinaggagawa mo sa mga araw na iyon?"
BINABASA MO ANG
Under The Spell [Completed]
Chick-LitDahil sa matinding pressure sa kanyang kapatid, nagawang planuhing gayumahin ni Juliet ang lalaking parehas nilang gusto ng ate nya... but things went wrong nang iba ang nakainom sa gayumang iyon. Handa ba syang panagutan ang ginawang kalokohan lalo...