CHAPTER 5: Hundred days

1.9K 108 9
                                    

"Manang, mabisa po ba talaga yung potion na binili ko dito noon?"

Iyon kaagad ang tinanong ko nang makaupo na siya sa kanyang ratan chair at hinarap ako. Sya yung pinagbilhan ko ng love potion and yeah, nandito ako ngayon sa Love Spell boutique na pinuntahan ko noon. Hindi kasi talaga ako mapalagay. I need to confirm things.

"Oo naman, hindi ako nagtitinda ng gayumang hindi effective, Ineng." She answered.

"May---may gamot po ba kayo dyan na pampawala ng bisa sa gayuma?"

Bigla ay tinawanan nya ako. "Pampawala? Walang kahit na anong gamot ang pwedeng sumira sa spell ng love potion." Saad nya.

Tila nanghihinang tiningnan ko si manang. Walang kontra gamot para sa potion? What!? So paano yan? Heck! I'd just put myself in trouble.

"Pero---" lumapit ako ng kaunti kay manang. "Ibig po bang sabihin, forever ng in-love sa'kin yung taong nakainom ng gayuma?" Pabulong na tanong ko.

"Forever?" Umiling si manang. "Walang forever, Ineng."

Bigla ay nabuhayan ako ng loob sa narinig. Hindi forever? So panandalian lang pala?

"E gaano po ba katagal iyong bisa?" I questioned.

"Depende. Depende sa dami ng inilagay mo."

Mabilis na inilabas ko ang potion mula saaking shoulder bag at ipinakita ito sakanya. " E paano po kung kalahati ang napainom ko?"

Tiningnan nya ang boteng hawak ko tyaka ito dahan dahang hinawakan. "Ito pala ang gayumang ginamit mo," tiningnan nya ang laman ng bote. "Napakabisa ng potion na ito, Ineng. At kapag napainom mo ang lahat ng laman nito sa isang tao, isang daang taon ang itatagal ng bisa."

I gulped. "P-po?"

"Pero kalahati lang naman ang bawas..." Ibinalin nya bigla ang tingin saakin. "Isang daang araw. Isang daang araw kang hahangaan ng kung sino mang pinainom mo nito." Pagpapatuloy nya.

"Po!? Isang daang araw?" I said in disbelief. 100 days ang spell kay Alcantara? Whut!?

Tumango lang si Manang.

"Sigurado po ba kayong wala talagang pangontrang gamot sa potion, manang?" Tanong ko.

"Sinabi ko na sayo kanina, Ineng. Wala talaga." Turan nito tyaka ibinalik na saakin ang maliit na bote.

I sighed. "S-sige po. Aalis na po ako. Salamat." Paalam ko sakanya tyaka na nagsimulang maglakad paalis.

Nasa bukana na ako ng pinto nang marinig ko sya.

"True love,"

Nagtatakang nilingon ko sya. "Po?"

"Walang gamot ang makakapagpawala ng gana sa potion, pero unti unting maglalaho ang spell kapag nakahanap ang taong iyon ng totoong pagmamahal." Saad nya.

HABANG namimili ng libro sa shelf ay hindi ko maiwasang isipin iyong mga sinabi ni Manang kanina. Isang daang araw ang bisa ng potion at ang ibig sabihin lang nun ay isang daang araw na guguluhin ni Alcantara ang buhay ko.

Napahugot nalang ako ng isang malalim na hininga. One thing na natutunan ko, wag basta basta padalos dalos sa gagawin at maiging magtanong at mag-isip muna ng mabuti bago gawin ang isang bagay na wala namang kasiguraduhan.

Muli ay napabuntong hininga nanaman ako habang tinitingnan ang librong nakuha ko mula sa shelf. Pagkatapos ko kasing umalis doon sa Love spell boutique ay dumiretso ako dito sa bookstore. Naubusan na kasi ako ng mababasang libro kaya kinakailangan ko ng bumili ng bago.

"That book is great."

Suddenly someone spoke on my side made me to turn my head to the person.

Laking gulat ko nalang nang makita si Andy.

"I-ikaw pala," I stuttered.

He smiled. "Yeah. Bibilhin mo yang libro?" He asked.

"Uh. Pinag-iisipan palang, actually." Sagot ko na sinamahan ko pa ng kaunting ngiti.

"Wag mo ng pag-isipan. Nabasa ko na yan... At hindi mo pagsisihang binili mo yan pagkatapos mong mabasa." Saad nya.

Kunwa'y nag-isip ako sandali. "Sige na nga... Pero teka bat ka nga pala nandito? Bibili ka rin ba ng libro?"

"Sana. Kaso mukhang wala pa namang bago, eh. Ito parin yung mga librong nakita ko last week." Aniya. "Tara? Bayaran na natin yang libro?"

"Ha? Ah--- eh--- okay."

PAGKATAPOS kong mabayaran ang libro ay lumabas na kami ng store.

"Uuwi ka na ba?" Tanong nya bigla.

I nodded. "Yeah,"

"Gusto mong sumabay sakin? Madadaan ko naman yung bahay nyo, eh."

Kaagad na napatingin ako sakanya ng may pagtatanong sa mukha. "Paano mo naman nalaman kung saan ang bahay namin?"

"Minsan kasi hinatid ko si Julien doon pagkatapos naming dumalo sa isang conference."

Bigla ay nakaramdam naman ako ng kirot sa dibdib ko. Inihatid na nya ang kapatid ko? Uh. Vice president nga pala ng college department namin itong si Andy at yeah president ang kapatid ko.

"Ah. Kaya pala." Turan ko.

"Yeah. So sabay ka na sa'kin?"

"Naku, hindi na. Nakakahiya naman." Pagtanggi ko.

"Sigurado ka?"

"Yeah,"

"Sige, so pano una na ako?" Paalam naman nito. Ay, sumuko agad? Para nagpapakipot lang naman ang tao, eh.

Tumango lang ako.

"Sabi mo yan ha? Sige ingat nalang." Ngumiti pa ito saakin bago tuluyang naglakad palayo saakin at kinuha ang motorsiklo nya sa parking area. Simple lang ang suot nya pero sobrang gwapo parin nya. Ano ba yan! Hindi ko tuloy mapigilang titigan sya.

"Hindi ka ba talaga sasabay sa'kin?" Tanong nya nang makalapit saakin dala ang blue raider nya.

"Ang kulit mo... Pero sige na nga." Aniko at akmang sasakay na sana ako sa likod nya nang marinig syang tumawa ng mahina.

"Bakit ka tumatawa?" Curious na tanong ko.

"Sasabay ka din pala, eh." Sabi nya na ikinamula naman kaagad ng mukha ko. What the!

"Pinaglololoko mo ata ako, eh. Bahala ka nga dyan." Medyo inis na sabi ko at magwo-walk out na sana kaso ay naramdaman kong kinuha nya ang kamay ko.

"Hey, hindi ganun yon," sabi nya sabay tawa.

"Oh? E bat tumatawa ka pa riyan?" Tanong ko nang harapin sya.

"Wala. Ang cute mo kasi," sabay gulo nya sa buhok ko. Kaagad namang nag-init ang pisngi ko. Si-sinabi ba nyang cute ako?

"Sakay na dali. Hatid na kita sainyo,"

Saglit na tiningnan ko sya at hindi na nagpatumpik tumpik pa't umangkas na sa motor nya. Always grab the opportunity ika nga nila.

"Suot mo muna pala 'to." Sabay bigay sa'kin ng helmet. Kinuha ko naman iyon at isinuot.

Pagkaandar nya ng motor ay nagitla ako at napahawak kaagad sa beywang nya.

"Sorry."

Sabay pa naming sabi... Aalisin ko na sana ang kamay ko sa beywang nya kaso ay kinuha nya iyon at ipwinesto lang doon.

"Kumapit ka lang... Baka mahulog ka." Saad nya.

'Baka mas lalo akong mahulog. Lols.' Aniko sa isip isip ko.

Under The Spell [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon