Manghang pinamasdan ko ang kabuuan ng lugar na kinaroroonan namin ngayon. Mula rito sa kinatatayuan ko ay tanaw ko na ang Mataas na ferris wheel, roller coaster, swaying boat, caterpillar, at iba pang rides, sa hindi kalayuan.
"Ganito pala ang carnaval?"
"So this is what a carnaval looks like?"
Parehas kaming napatingin ni Alcantara sa isa't isa nang sabay kaming magsalita.
Nagkibit balikat lang ang apat.
"First time nyo lang bang pumunta dito? Seryoso?" Danzel questioned.
"Yeah," sabay ulit naming sabi ni Alcantara. Tiningnan ko lang sya tyaka pinagtaasan ng kilay. Nakakadalawa na sya, ah.
"Ako din, eh, first time ko din." Medyo napapakamot na saad ni Danzel. Pati yung dalawa ay sinabing ngayon lang din sila nakapunta dito sa carnaval.
Napatingin kaming lahat kay Albie na syang puno't dulo sa pagpunta namin dito.
"Oh? Bat ganyan kayo makatingin?" He asked.
"Siguro naman nakapunta ka na rito?" Ezikiel questioned.
"Ako?" Albie laughed. "Syempre... Hindi pa," natatawang saad nito.
"Bugok ka talaga. Lakas mong makapag-aya kanina, tapos may pasabi-sabi ka pang enjoy magpunta rito, first time mo lang din palang magpunta?" Litanya ni Troy na nakapamewang pa.
"Narinig ko lang, eh." Giit naman ni Albie.
"Tss. Chismoso kasi." Biglang turan naman ng katabi ko.
Natawa lang si Albie. "Ayaw nyo yun magkakaroon pa tayo ng first time experience dito sa carnaval. Tara na nga. Try nga nating sumakay sa mga rides dito." Pag-aaya nya tyaka na nagsimulang maglakad. Sumunod naman sakanya yung tatlo at naiwan kaming dalawa ni Alcantara.
Ibinulsa nito ang mga kamay tyaka tumingin saakin.
"Let's go?"
Tumango nalang ako tyaka nagsimula ng maglakad kasabay sya.
Ang dami naman palang tao at mukhang nag-eenjoy naman sila.
I mentally shrugged. Siguro nga mag-eenjoy din kami. Sayang lang talaga at hindi nakasama sa'min sila Alexa at Joana. Tsk. Busy kasi ang mga magagaling kong kaibigan sa kanilang thesis. Hirap na hirap nga ang mga loko, eh. Buti nalang talaga at natapos ko ng gumawa noon ng ganun.
ROMEO's POV
We're just standing right in the middle of this place while her looking at the tall ride called ferris wheel, if I'm not mistaken, and me looking at her. She looks like a kid who had seen a mountain of candies and chocolates because of the amazement on her eyes.
Pansamantala akong napatingin sa tinitingnan nya... What should I do? Should I ask her to try that ride? Uh, hindi ko pa naman trip ang sumakay sa kahit na anong rides na nandito. I don't want to go in this kind of place, either. Si Albie lang naman etong nag-aya at nag-suggest na dalhin ko sya dito.
Saglit na tiningnan ko ang direksyon kung nasaan ang apat. Aba, mukhang sila pa ang mas nag-eenjoy dito, ah. Mga bugok talaga... Ibinalin ko nalang ulit ang paningin kay Juliet. Pasalamat yung mga ugok na yun at kasama namin sya, dahil kung hindi, wala sana kami sa ganitong lugar.
Napangiti nalang ako bigla. Just by looking at her face makes me want to hold her hand forever.
Agad syang napatingin sakin nang maramdaman nya ang paghawak ko sa kamay nya, pero hindi naman sya umangal. Mas lalo tuloy akong napangiti.
BINABASA MO ANG
Under The Spell [Completed]
Chick-LitDahil sa matinding pressure sa kanyang kapatid, nagawang planuhing gayumahin ni Juliet ang lalaking parehas nilang gusto ng ate nya... but things went wrong nang iba ang nakainom sa gayumang iyon. Handa ba syang panagutan ang ginawang kalokohan lalo...