Lahat ng bagay sa mundo may hangganan. And the only thing that constant in this world is Change. At karamin sa atin ayaw sa pagbabago... especially sudden change. Iyong tipong pagmulat mo nalang isang umaga bigla nalang nagbago ang lahat at nag-iba ang ihip ng hangin. That's the top worst situation of our life, I guess. Dahil hindi biro ang mag-adjust. Hindi biro ang magsimula sa panibagong yugto ng buhay. At hindi biro ang limutin nalang ng basta ang mga bagay na nakasanayan mo na.
"And that's how it all ended," may mapainit na ngiting sabi ko habang nakatingin sa lapida nya. Sa lahat ata ng lugar na pwede kong mapuntahan ay dito ang pinakatahimik. Of-course it is. Lahat naman kasi ng kasama ko rito ay namamahinga na.
"Akala ko napaghandaan ko na ang araw na 'to... pero akala ko lang pala." Nangingilid na naman ang mga luha ko sa mata nang maalala iyong mga salitang binitiwan nya sa'kin kagabi.
'Why are you here?'
'Kumusta ang kalagayan mo? Okay ka lang ba? May masakit b---'
'Leave this room, witch.'
'Pero Romeo---'
'I said, leave this room! Didn't you heard me, bitchy witch? Get out 'cause I don't want to see your face anymore!'
And just like that, sinunod ko nga ang gusto nya. Nilisan ko ang silid na pinagdalhan namin sakanya. Naiintindihan ko kung bakit nya iyon nasabi. Kasi galit sya. Pero kahit na alam ko iyon, hindi ko pa rin mapigilang hindi masaktan dahil iyon ang kauna-unahang pagkakataon na sigawan at pagtabuyan nya ako ng gano'n.
"I just wish that you're here, Dad..." bulong ko sa hangin at kasabay nun ay ang unti-unti na namang pagpatak ng mga luha ko sa aking mga mata. "Kung nandito ka lang sana... siguro gagawin mo ang lahat para pagaanin ang loob ko," usap ko sa lapida nito. Imbes na pumasok sa eskwela ay mas pinili kong magtungo nalang rito dahil hindi ko pa kayang makaharap si Romeo. Atleast not now.
I tried to wipe my tears with my hands, pero balewala rin iyon dahil patuloy lang sa pagtulo ang mga luha ko. I know, I look like a cry baby here, and I hate it. Pero wala akong magawa dahil hindi ko kontrolado ang emosyon ko.
"Nandito naman kami para pagaanin ang loob mo, eh."
Kaagad na napalingon ako sa aking likuran nang marinig ang pamilyar na boses.
Mariin kong pinunasan ang nga luha ko sa pisngi nang makita sila sa harapan ko. "Bakit kayo nandito? Hindi ba dapat nasa Villa Academy kayo?" I asked between my sobs.
"Tingin mo mapapalagay kami knowing na may pinagdadaanan ang kaibigan namin?"
"Atsaka para saan pa't kaibigan mo kami, hindi ba?"
Naupo ang mga ito sa tabi ko atsaka sabay na inilagay ang mga braso nila sa balikat ko.
"We're not the perfect bestfriend, and we are aware of that. Pero, Juliet, lagi mo sanang tatandaan na parati lang kaming nandito para sa'yo. At okay lang kahit mag-skip kami ng paulit-ulit sa klase basta madamayan ka lang," Joana stated.
"Cry in our shoulder, Juliet. Kung iyon ang makakapag-pagaan sa loob mo. Pero wag mo lang sanang samahan ng uhog ang luha mo dahil nakakadiri iyon."
"Alam mo ikaw, Alexa. Kahit kelan talaga panira ka ng moment. Ayun na sana, eh. Pa-drama na sana ako. Tapos biglang entry naman ng kaartihan mo."
"Pinapatawa lang naman kita."
"Dapat na ba akong magpasalamat sa effort mo?"
"Syempre, mahal kaya talent fee ko," aniya at natawa naman ako. Para na nga ata akong baliw dahil tumatawa ako habang umiiyak.
BINABASA MO ANG
Under The Spell [Completed]
ChickLitDahil sa matinding pressure sa kanyang kapatid, nagawang planuhing gayumahin ni Juliet ang lalaking parehas nilang gusto ng ate nya... but things went wrong nang iba ang nakainom sa gayumang iyon. Handa ba syang panagutan ang ginawang kalokohan lalo...