CHAPTER 64: Sky lantern

1.3K 42 4
                                    

Mula sa mahimbing na tulog ay nagising ang diwa ko nang marinig ang pagtunog ng cellphone ko.

"Urgh. Istorbo," bulalas ko at pikit matang kinapa at kinuha ang phone mula sa side table.

"Hello," mahinang bungad ko sa kung sino mang tumatawag.

"Hello?" pag-uulit ko nang walang sumagot sa kabilang linya.

Napakunot ang noo ko nang wala pa ring nagsasalita. "Pinagtitripan mo ba ako?!"

Idinilat ko ang aking mga mata at agad na tiningnan ang screen ng cellphone para makita kung sino nga ba ang tumatawag sa'kin. Mas lalong nakunot ang noo ko nang makitang wala naman pala akong kausap at doon ko lang napagtanto na nag-set nga pala ako ng alarm kanina. Pero sandali lang---

"Whut? Alas quatro na?!" Kaagad akong napabangon mula sa pagkakahiga. Supposedly 3:30 PM dapat ako magigising pero napasarap ata ako sa pagtulog at hindi na narinig iyong unang alarm ng phone ko.

Bumaba na ako sa kama ko at agad na lumabas sa kwarto upang puntahan ang kapatid ko sa kwarto nya. Ngunit Bumungad lang sa'kin ang isang sticky note na nakadikit sa pinto ng kwarto nya.

Kinuha ko naman 'yon at agad na binasa.

Hey, sister, sorry kung nauna na ako sa school. Ang himbing kasi ng tulog mo kaya hindi na kita ginising. Kita kits nalang sa halloween party. Ciao!
                                           -Julien

Tss. Bakit naman hindi nya ako ginising? Sino nalang ang mag-mimake-up sa'kin? Dapat pala hindi nalang ako natulog at nag-beauty rest para na-make-up-an pa ako at hindi ako naiwan.

"Juliet? Gising ka na pala?"

Agad na napalingon ako nang marinig ang boses ni mommy.

"Yeah," aniko. "At iniwan na pala ako ng kapatid ko."

"Ayaw ka raw kasing istorbuhin sa payapang pagtulog mo," saad naman nya. Bigla akong may naalala.

"Uhm... mom, magaling kang mag-make-up, hindi ba?" I suddenly asked and she just raised her brow then gave me a grin.

"Sounds like my darling wanted me to do her make-up today."

I slightly smiled. "Yes, please?" I begged.

Tiwala naman ako sa skill niya sa pag-mimake-up dahil minsa'y pinapanood ko sya kapag mini-make-up-an nya iyong ibang mga babaeng endoser ng Martinico Scents. May sariling make-up artists naman ang kumpanya kaya lang ay gustong gusto talaga nyang  magmanipula ng mukha dahil natutuwa sya. Well, wala naman akong masabi kapag natapos na nyang na-make-up-an iyong endorser dahil maganda at flawless naman ang pagkaka-make-up.

"Of course, I will. Masaya akong mapagsilbihan ka, anak," aniya at ngumiti. "Pero bago kita make-up-an, maligo ka na't magbihis. At baka ma-late ka pa sa party n'yo." Oh, oo nga pala. 6:30 magsisimula iyong Halloween party. Hindi naman ako pwedeng ma-late dahil pagpapalipad ng pumpkin sky lantern  ang unang activity. I don't wanna miss it, tho.

Matapos makapagpaalam kay mommy ay agad na akong bumalik sa kwarto ko at tumakbo agad sa banyo para maligo na.

Matapos maligo ay isinuot ko na iyong dress na binili namin kahapon sa mall. Naghanap ako ng pwedeng ipares na sapatos at iyong itim na heels ang pinili ko. Matapos itong maisuot ay humarap ako sa full body mirror at pinagmasdan ang sariling repleksyon.

"Pwede na rin," bulalas ko at inikot pa ang sarili upang makita ang aking likuran. Maganda naman at pwede nang pang-halloween. Make-up nalang talaga ang kula---

Under The Spell [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon