CHAPTER 58: The spirit of Alcohol

1.1K 39 10
                                    



Habang nasa byahe ay tahimik lang akong nakatingin sa bintana ng sasakyan. Kanina pa ako nagbabalak na matulog sumalit masyadong madaming bagay ang tumatakbo sa utak ko't ayaw ako nitong patulugin.

Nabalin ang paningin ko kay Andy na naka-focus sa pagmamaneho. Ngunit agad rin itong napatingin sa'kin at nahuli ang mga titig ko.

"Ano ba talagang nangyari?" tanong nya.

Hindi ako nagsalita at nag-iwas ng tingin. Pakiramdam ko'y wala na akong lakas para i-kwento sakanya ang mga nangyari.

"Juliet," tawag nito sa'kin. "May masama bang ginawa sa'yo si Romeo?"

I didn't answer him again. I remained silent with my blurry eyes.

Narinig ko ang paghinga nya ng malalim. Siguro'y suko na ito sa kakatanong sa'kin.

"It's okay kung ayaw mong mag-kwento sa'kin. I understand. Siguro napagod ka." He sighed again. "Just always remember na nandito lang ako. Handa akong makinig."

I looked at him and slightly smiled. "Salamat, Andy."

Pagkatapos ay nagkaroon ulit ng katahimikan. Ngunit nabasag iyon nang biglang nag-ring ang phone ko. Hinayaan ko lang naman at ipinagsawalang-bahala. Wala ako sa mood para makipag-usap sa kahit na sino ngayon.

"Hindi mo ba 'yan sasagutin?" Albie questioned and I just lazily shook my head.

Mula sa labas ng bintana'y nahagip ng paningin ko ang isang Bar sa gilid ng kalsada.

"Teka! Ihinto mo ang sasakyan!"

Kamuntik na akong mapasubsob nang bigla nalamang inapakan ni Andy ang brake.

Nagtataka syang tumingin sa'kin. "Why?" tanong nya.

"Sabi nila, nakakatulong daw ang alak sa paglimot." sabay tingin ko sa Bar na nasa tapat namin. "Kulang ata yung nainom ko sa party, eh. Tara ituloy natin dito." Bubuksan ko na sana ang pinto ng sasakyan kaya lang ay pinigilan nito ang kamay ko.

"No. iuuwi na kita sainyo."

"Hindi. Gusto ko muna dito."

"Juliet, mas mabuting magpahinga ka na sainyo. Hindi ka papasok sa lugar na yan. Hindi ka iinom," seryoso nyang sabi. Pinakatitigan ko sya at binigyan ng nagmamakaawang tingin.

"Gusto kong makalimot, Andy... kahit ngayon lang... kahit saglit lang," mahina kong sabi at mas lalong lumabo ang paningin ko dahil sa mga luhang nagsiwalaan sa mga mata ko.

"Ayokong maramdaman 'to... pero nasasaktan ako dahil wala nang pakialam sa'kin ang lalaking iyon," I uttered almost in a whisper.

I heard him sighed.

Namalayan ko nalang na nasa loob na kami ng bar. Maingay at magulo sa loob. Ang buong building ay binalot ng rock music at iba't ibang disco lights. Sa dance floor naman ay nagkakasayahan ang mga sumasayaw. Some were dancing crazily while the other were grinding and making-out. Party goer. This is their world.

Nang makabili na kami ng beers sa counter ay nagtungo kami sa second floor at humanap ng hindi pa okyupadong mesa. Hindi ganoon kaingay sa taas since nasa baba naman ang dance floor at ang dj.

I grabbed a bottle of beer and raise it in the air. "Let the bottle begin!" I said and straightly gulped it.

"Hindi mo ba ako sasabayan?" tanong ko kay Andy na pinapanood lang ako.

He shook his head. "Babantayan nalang kita."

Nagkibit-balikat nalang ako at saka lumagok ulit ng beer. Whoa! tingin ko'y natatablahan na ako ng espiritu ng alak. Medyo umiikot na kasi ang paningin ko at pakurapkurap na ang mga mata ko.

Under The Spell [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon