Acceptance and Forgiveness. Laging magkasama 'yan. For you can't forgive someone when you still hold on to the past. Accepting things means growing up, and so Forgiving. Kapag natanggap na natin ang mga bagay bagay, ibig sabihin nun handa na rin tayong magpatawad. And we should learn to forgive, because forgiveness is a gift and it's free to give and to receive.
Napatingin ako sa katabi at napangiti. Who would thought na mangyayari ang araw na ito? Iyong magkatabi kaming magkapatid sa hapag kainan with a smile on our faces.
Kagabi... I let her arms hug me. She keep on saying 'I'm sorry' at ganoon din ako. She stayed in my room and we did sister talk. Our talk was full of tears. But it answers all my whys and lightened a dark part of me.
Sa mundong ito, walang kasiguraduhan. Hindi natin alam kung kailan tayo mawawala. Kaya nga dapat matuto tayong magpatawad hanggat maaga pa... hanggat may oras at oportunidad pa.
"Ehem!"
Napatingin ako kay Mommy na nasa harapan namin nang bigla nalamang itong umubo.
"May nangyari o nangyayari ba ditong hindi ko alam?" she said with a questioning look.
Nagkatinginan naman kami ni Ate Julien at parehas na napangiti.
"Juliet and I were okay, Mom,"
"What do you mean?"
"Mom, from now on, we will be a good daughter to you," she stated. Hindi pa rin naalis ang pagtataka sa mukha ni Mommy kaya naman nagsalita na rin ako.
"Bati na po kami. At susubukan naming huwag nang mag-away pa," aniko. Napatulala sa amin ang aming ina tapos ay bigla nalamang itong nagtakip ng bibig gamit ang mga kamay nya.
"Mom? Why are you crying?" agad na tanong ng kapatid ko nang makita itong lumuluha.
"It's... It's a tears of joy, darling." Tumayo ito at tumungo sa likuran namin.
"Kung alam n'yo lang kung gaano ako kasaya ngayon, mga anak." sabay yakap nito sa amin. "Salamat naman at nagkasundo na rin kayo. Kay tagal kong hinintay ang araw na 'to. Kung nasaan man ang daddy n'yo, siguradong masaya rin sya tulad ko."
"Sorry, Mommy... sorry kung ngayon lang nangyari ang araw na 'to."
"Ssh. Ang importante okay na kayong dalawa."
Pagkatapos nun ay wala nang nagsalita pa. Ilang minuto ring nakayakap sa likuran namin si mommy hanggang sa biglang nagsalita si Ate Julien.
"I don't wanna interrupt our drama scene here, but we need to go, Mom. Baka ma-late pa kami ni Juliet."
Sa sinabing iyon ng kapatid ko ay napabitaw si mommy sa pagkakayakap sa'min.
"Ang anak ko talagang presidente, oo," she said and I just laughed.
"Sorry, Mommy. Ayoko lang na ma-late kami."
"Of course, I understand. Halla sige, magmadali na kayo."
Sabay kaming napatayo mula sa kinauupuan at dinampot ang sari-sariling bag.
"Aalis na po kami, Mommy," nakangiting paalam namin. Pagkatapos nun ay naglakad na kami palabas sa dining room.
"Ganon nalang ba 'yon? Wala man lang goodbye kiss?" pahabol nito saamin na naging dahilan upang mapalingon kami at bumalik sa kinaroroonan nya saka sabay na humalik kami sa pisngi nya.
A genuine smile formed over her lips. "I feel so blessed, mga anak. Mag-iingat kayo, okay?"
"We feel so blessed, too, Mom. Mag-iingat po kami, pangako. Kayo rin po."
BINABASA MO ANG
Under The Spell [Completed]
ChickLitDahil sa matinding pressure sa kanyang kapatid, nagawang planuhing gayumahin ni Juliet ang lalaking parehas nilang gusto ng ate nya... but things went wrong nang iba ang nakainom sa gayumang iyon. Handa ba syang panagutan ang ginawang kalokohan lalo...