Library. Sounds old and boring, right? Dahil kalimitang takbuhan na ngayon upang magbasa at kumuha ng impormasyon ay ang internet. High-tech Gadgets. However, some students were still visiting the library. At isa na ako roon. Bakit? Dahil may ibang kaalaman na sa libro lang makikita. At bukod pa roon ay mas napapaliwanag ng maayos sa libro iyong ibang topics na magulo sa net. Oldy but goody, ika nga nila.
And speaking of library, nandito ako ngayon. And here I am, pilit inaabot iyong librong kailangan ko. I'm about to lose hope nang bigla nalang may mga kamay na kumuha sa libro. I expected that it was Romeo, dahil ganoon naman sya. Bigla bigla nalang lumilitaw.
Pero naging assuming ata ako, dahil paglingon ko ay hindi sya ang bumungad sa paningin ko.
Si Andy.
Disappointed? of-course not! Okay ngang hindi si Romeo, eh. Atleast hindi na ulit ako mag-wowalk out.
"Minsan, iniisip kong mahirap din palang maging maliit," aniya nang iabot sa'kin ang libro.
Pinanliitan ko ito ng mga mata at kinuha ang libro sakanya. "Sinasabi mo bang maliit ako?"
Natawa lang naman sya.
"Ang sama mo," inilabi ko at saka na naglakad pabalik sa pwesto ko kanina. Naramdaman ko naman nakasunod sya sa'kin at nang maupo ako'y naupo rin sya sa tapat ko.
"Assignment sa calculus?" tanong nya nang makita ang mga isinusulat ko.
"Oo, eh," sagot ko naman. "Nakakainis nga dahil palagi nalang nagbibigay ng assignment si prof. Ang tingin ata saamin ay mga grade schooler." Napailing nalang ako. "Kung hindi ka nag-drop sa klase nya... baka pati ikaw mainis din don."
"Gano'n talaga si Prof. Allan,"
I just shrugged. "Whatever," I said. "Ano nga palang ginagawa mo rito?"
"May binigay lang akong notice sa librarian, you know, SBO's duty."
"Ah." Tumango-tango nalang ako at saka na ibinalik muli sa sinusulat ang atensyon. Parang nag-aaral talaga ng mabuti no? Syempre naman! Dumarating talaga tayo sa point na mapapa-seryoso ka na lang sa pag-aaral. At mapapagtantong, lahat ng ginagawa mo ngayon ay may kaakibat na epekto sa kinabukasan mo sa hinaharap. Pero bakit naman napunta ang usapan do'n? Ang layo ha. Kasing layo ng sagot ko sa problem na sino-solve ko.
"Mali naman yang equation mo, eh," biglang sabi ni Andy na nakatingin na pala sa papel na pinagso-solve-an ko. "Ganito kasi yan..." Kinuha nito ang papel at ballpen mula sa'kin at saka nag-umpisang magsulat ng formula and solution.
Ilang oras kaming nanatili sa library. At lahat ng hindi ko alam sagutan na item ay itinuturo nya sa'kin. Gusto ko iyong way nya dahil bukod sa natutulungan na nya ako sa assignment ko, natututo pa ako. Hindi katulad nung iba na sasagutan nalang without even explaining anything.
Nang matapos na kami ay iniligpit ko na ang mga gamit ko.
"Juliet," biglang tawag sa'kin ni Andy kaya napatingin ako rito.
"Bakit?" tanong ko habang inilalagay ang mga gamit ko sa bag.
Pinakatitigan muna ako nito bago nagsalita. "May gusto sana akong sabihin sa'yo," aniya na parang may mahalagang sasabihin.
"Oh, ano naman?" nagtatakang tanong ko.
"Kasi ang totoo kasi nyan---"
Hindi nito natuloy ang sasabihin nang biglang tumunog ang cellphone ko na nasa mesa lang.
BINABASA MO ANG
Under The Spell [Completed]
Chick-LitDahil sa matinding pressure sa kanyang kapatid, nagawang planuhing gayumahin ni Juliet ang lalaking parehas nilang gusto ng ate nya... but things went wrong nang iba ang nakainom sa gayumang iyon. Handa ba syang panagutan ang ginawang kalokohan lalo...