ROMEO's POVPagkahinto ko ng bigbike ko sa tapat ng bahay nila Juliet, nakita ko ang pagmumukha ng taong ayaw na ayaw kong makita... He was leaning against his bike while looking at the green gate. Damn! What is the fart doing here!?
"Why are you here?" Agad na tanong ko pagkalapit ko sakanya.
He looked at me and put his hands on his pocket. "Ikaw? Anong ginagawa mo dito?" The fart asked me back.
Masamang tingin lang ang ipinukol ko sakanya. "I asked you first, Gomez."
"Susunduin ko lang si Juliet." Sagot nya na ikinakunot ng noo ko.
"Bakit mo naman sya sinusundo? At anong karapatan mo para sunduin sya?"
Ngumiti lang ang gago. "Isn't it obvious, Romeo? Sinusundo ko sya, kasi may lakad kami."
"Lakad?" I laughed. "Hindi sasama si Juliet sayo, Gomez. At bakit nga ba nandito ka at may pasundo sundo ka pang nalalaman? Hindi pa ba malinaw sayo na ako lang ang may karapatang sunduin o yayain sya sa ano mang lakad, dahil ako ang boyfriend nya."
"Just like what I told you before, pinilit mo lang syang maging sayo."
I clenched my jaw. "Stay away from her." Madiing sabi ko.
"You don't have any rights to dictate the things I should do, Romeo." He said. Naikuyom ko nalang ang kamao ko habang pinapatay na sya sa tingin.
"Sinusubukan mo ba ako, Gomez?"
Habang nagsusukatan kami ng tingin, bigla nalang may sasakyang huminto malapit sa kinaroroonan namin at agad naman akong tumingin doon.
Napamura nalang ako ng mahina nang makita ang van nila Troy.
Nang namatay na ang makina ng sasakyan ay isa-isang lumabas ang apat na bugok kasama ang dalawang kaibigan ni Juliet.
Nakunot nalang ng bahagya ang noo ko... At ano namang ginagawa ng mga 'to dito?
"Uy, nandyan pala kayong dalawa." Ani ng babaeng laging kaaway ni Albie nang ibinalin ang tingin saamin.
"Susunduin nyo si Juliet, ano?" The other one followed.
"Yeah,"
Masamang tiningnan ko si Gomez nang magkasabay pa kami sa pagsasalita.
"Kami din, eh. Susunduin din namin sya." Tila nang-aasar na sabi ni Albie. Tiningnan ko nga ang kumag at binigyan ng tingin na may kasamang mensaheng 'May dapat kang ipaliwanag sa'kin'.
JULIET's POV
Natataranta't hindi ko na alam ang gagawin nang makatanggap ako ng messages galing kay Romeo, Andy, at sa mga kaibigan ko. Lahat sila ay halos iisa lang ang sinabi. Nasa labas na daw sila ng bahay namin. OO SILA! Sa totoo lang ay kanina pa ako nakapag-bihis at nakapag-ayos kaso ay pinag-iisipan ko kung lalabas pa ba ako.
Muli ay naglakad ako papunta sa bintana tyaka tinanaw ang mga taong nasa labas ng gate namin. Kasalukuyang kinakausap nila Alexa at Joana si Andy, samantalang kausap naman ni Romeo ang mga barkada nya na animo'y pinapagalitan ang mga ito.
"Lalabas pa ba ako?" Tanong ko sa sarili ko habang nakatingin sa labas ng bintana.
Jeez! Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi sa kakaisip kung paano ko nga ba tatanggihan ang dalawang lalaking nag-aya sa'kin ng date pero at the end ay wala akong naisip. Tinawagan ko pa nga sila Alexa at Joana, at sinabi sa kanila ang problema ko. But guess what? Natuwa pa ang dalawa at sinabing may plano raw sila.
Ibinalik ko na uli sa dating ayos ang manipis na kurtina at humarap sa salamin.
"Maybe I should face them," aniko tyaka kinuha na ang sling bag ko, at umalis na sa kwarto ko.
BINABASA MO ANG
Under The Spell [Completed]
ChickLitDahil sa matinding pressure sa kanyang kapatid, nagawang planuhing gayumahin ni Juliet ang lalaking parehas nilang gusto ng ate nya... but things went wrong nang iba ang nakainom sa gayumang iyon. Handa ba syang panagutan ang ginawang kalokohan lalo...