It was dark and lonely. Hindi pamilyar saakin ang lugar na kinaroroonan ko ngayon. At ang nakapagtataka pa'y bakit tila mag-isa ko lang dito?
I started to walk and scanned the place. Creepy. Para akong nasa lumang gusali. Hindi ko alam kung bakit at paano ako napunta sa lugar na ito. At iisa lang ang nasa isip ko- iyon ay ang makaalis ako rito.
Sa paglalakad ko'y nakakita ako ng isang pigura sa malayo. At unti-unti ko itong nakilala nang papalapit na ako sa kinatatayuan nya. Kahit nakatalikod ito saakin ay hindi ako pwedeng magkamali, sya ang nag-iisang leader ng Black label.
"Romeo?" tawag ko sa pangalan nya pero tila hindi ako nito narinig at nagsimula nang maglakad palayo saakin.
"Sandali lang, Romeo!" I shouted and run after him.
Nakita ko itong pumasok sa isang kwarto kaya agad ko itong sinundan. Ngunit pagdating ko sa loob ay hindi ko sya nakita.
"Romeo? Nasaan ka?" Nagtataka kong bulalas at lumabas na roon. Saktong paglabas ko ay nakita ko syang muli sa hindi kaluyuan.
Mabilis akong lumakad palapit sakanya tyaka hinawakan ang braso nya. "Romeo, bakit ba hindi mo ako pinapansin? May problema ba?" I asked, but he suddenly disappear like a smoke in the air.
I stunned. Naguguluhan na ako. Ano nga ba talaga ang nangyayari?
"Juliet..."
Napalingon ako sa aking likuran nang marinig ang tinig na iyon. Bakit gano'n? Kung gaano kalamig ang boses nya ay mas malamig pa ang mga mata nito.
"Come with me," malumanay nyang saad bago pumasok sa isang pinto.
"Sandali! Hintayin mo ako!" sigaw ko sakanya at naguguluhan man ay tumakbo ako papalapit sa pintong pinasukan nya at dahan-dahan itong binuksan.
Napatakip ako ng mga kamay sa aking bibig sa tumambad saakin nang tuluyan ko nang mabuksan ang pinto. Romeo is lying on the floor with his own blood.
"Romeo!" Agad na nilapitan ko sya at pilit na ibinangon. "Anong nangyari sa'yo? Gumising ka, please!" Pinakiramdaman ko ang katawan nya ngunit bakit gano'n? Malamig na ito at hindi ko na maramdaman ang paghinga nya.
Tears started to fall from my eyes. This is not true. Hindi ito pwede. Hindi pwedeng mamatay si Romeo. Alam kong panaginip lang ito. Oo tama. Isa lang itong masamang panaginip.
"This is all your fault, Juliet." Nanlalaki ang mga mata kong nakatingin sakanya nang bigla syang nagsalita.
"H-Hindi. W-Wala akong kasalanan," nanginginig kong sabi tyaka lumayo sakanya.
"You killed me, Juliet." Nangilabot ako nang marinig ang boses nitong sinlamig ng yelo sa taenga ko. Napapikit nalamang ako dahil sa takot.
"N-No. Wala akong ginawa."
"Yes. You killed me..."
"No!"
"Juliet,"
"No!"
"Juliet!"
Kaagad na nagdilat ako ng aking mga mata nang maramdamang may tumatapik sa magkabila kong balikat.
"Are you okay? Why are you crying?" worried nitong tanong saakin.
I just stared at him. Nananaginip lang pala ako. At isa iyong masamang panaginip. Sobrang sama.
"Binangungot ka ba?"
Hindi ako nagsalita at walang sabi-sabi ko syang niyakap. Pakiramdam ko'y kumikirot ang puso ko dahil sa bangungot na iyon. Lalo na't sya ang naroon sa bangungot ko. Wag naman sana iyong magkakatotoo. Panaginip lang iyon, right? Malayo iyon sa realidad.
BINABASA MO ANG
Under The Spell [Completed]
ChickLitDahil sa matinding pressure sa kanyang kapatid, nagawang planuhing gayumahin ni Juliet ang lalaking parehas nilang gusto ng ate nya... but things went wrong nang iba ang nakainom sa gayumang iyon. Handa ba syang panagutan ang ginawang kalokohan lalo...