CHAPTER 44: The visit

1K 29 0
                                    

"Have you already heard the news?" 

Mula sa screen ng computer ay nabalin ang paningin ko kay Joana nang magsalita ito. "What news?" confuse na tanong ko.

"Naaksidente raw si Andy and he's in the hospital right now," she answered. Oh, nabalitaan na rin pala nya. Well, it was the talk of the campus.

"Actually, I'm with him when the accident occurred," I said and divert my eyes back to the computer. Today's our Computer lab at kasalukuyan kaming pinapagawa ng power point. Mabuti na nga lang at nasa pinakadulong row kami ni Joana at nasakto pang kami lang dalawa kaya nakapupuslit kaming mag-usap.

"Ano? Seryoso?!" 

"Ssh! You're in the middle of my class, ladies." Hindi namin namalayan na nasa gilid na pala ang instructor. Parang kanina, nasa harapan lang sya, ah? Kalahi ba nya si Flash? Nasaway tuloy kami nang hindi oras.

"Sorry po," paumanhin ni Joana at ipinagpatuloy na ang ginagawa. Hinintay ko munang makaalis ang guro bago ulit nagsalita ngunit mahina lang.

"Kwento ko sa'yo mamaya." Tumango lang naman ito tyaka nag-okay sign.

After ng Computer lab namin ay dumiretso kami sa cafeteria para bumili ng meryenda at saka naupo sa pinakadulong mesa para doon ipagpatuloy ang naudlot naming usapan.

"So, kelan mo sya balak bisitahin? You should thank him for saving your life as well as the kid," saad ni Joana matapos kong i-kwento sakanya ang lahat.

"Don't know. Ta-timing nalang siguro ako kapag wala roon ang ate ko," I said while chewing my food. "She's really mad at me... I mean lagi naman. Pero mas nadagdagan ngayon."

Tumango-tango naman sya. "Sabagay, baka mag-ramble pa kayo roon."

I just smirked effortlessly and took a sip on my grape juice.

"Oo nga pala, nasaan ba si Alexa? Akala ko mali-late lang sya pero aabsent naman pala," pag-iiba ko ng usapan.

"Meron kaya sya rito. Iyon ngalang ay iba ang pinasukan," matawa-tawa nitong wika. Tumingin naman ako sakanya ng may pagtatanong sa mukha. Ano ang ibig nyang sabihin?

ALEXA's POV

I can't stand it anymore. Hindi ko na makaya ang kahihiyang nararamdaman ko ngayon dahil pinagtitinginan ako ng mga estudyante. I love attention, but I don't need it right now. Paano ba naman kasi e nakapang- janitress attire ako at kasalukuyang nagwawalis dito sa ground. Eww. Hindi ko 'to keri.

"Himala ata at hindi ka ngumangawa ngayon?" 

Napatingin ako sa asungot at binigyan ng masamang tingin. Grr! Kasalanan ng Jimmy neutron na ito kung bakit kami nandito, eh. Tinalikuran ko na nga lang baka kasi mapatay ko pa sya sa mismong kinatatayuan nya.

"Aba, ayaw akong kausapin." Bigla itong lumitaw sa harapan ko at nagpakawala ng nakakalokong ngisi. "So tell me, Dora. Kaya ba hindi ka nagsasalita kasi hanggang ngayon hindi mo pa rin makalimutan yung---"

"Hep! Wag mo na ngang ipaalala iyon!" sigaw ko sakanya bago pa nya ituloy ang sasabihin.

"Ang alin? Iyong kissing scene natin sa hallway?"

Pakiramdam ko'y tumaas ang lahat ng dugo ko sa ulo at walang sabi-sabing hinampas sya gamit ang walis tingting na hawak.

"At mukhang proud na proud ka pa sa ginawa mo! Manyakis!"

"Aray! Balak mo ba akong sugatan---- aray!" Hindi ko pinakinggan ang pagrereklamo nya at patuloy lang ako sa paghampas sakanya. 

"Hindi ko lang balak sugatan ka, Jimmy. Dahil sisiguraduhan kong hindi ka na sisikatan pa ng araw manyak ka!" 

Under The Spell [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon