Owens POV
Nandito ako ngayon sa isang Hospital sa Legazpi City. Kasalukuyang manganganak si Carmella sa aming unang mga anak na triplets at lahat puro babae. Nahihirapan siya sa pag labor sa dahilang unang anak namin. Nakakatuwang isipin na tatlo agad ang aming mga anak at tatlong maria pa. Malulusog silang tignan sa ultra sound at tila malilikot. Yung dalawa tila close sa isat isa parang magkahawak kamay. Yung isa tila nakatalikod sa kanyang mga kapatid.
Nandito rin ang mama ni Carmella. Pati mga magulang ko. Agad ding dumating ang lahat naming kaibigan na lahat ay may magagandang trabaho na at may mga pamilya na din. Si Vera at Ramon, Si Panyang At Kuya Renan na may tatlo na ring anak at si Alfred at aleli na kakasal pa lang. Maayos ang aming pamumuhay at may maganda akong trabaho sa isang malaking kumpanya sa Legazpi.
Ang lola magda ko ay wala na rin. Namatay siya dalawang taon na ang nakakaraan sa heart attack. Sa malaking bahay ni Lolo Roman kami tumira ni Carmella pagkakasal namin.
Natutuwa ako sa kadahilanang magkakalapit lang ang tirahan naming magkakaibigan. Sa edad kong 24 ay masasabi kong stable ang aking pamilya.
" Owen primoy ano kamusta si bestfriend?!"
" Maayos naman ang lagay niya primoy nahihirapan tatlo kasi."
" Tindi mo kasi primoy hahaha triplets agad!"
" Wala eh malakas lahi natin hehehe. Diko lang alam kung may lahi ba tayong mga triplets ang anak. Sabi kasi ni Ella sa kanila daw ay wala, ni kambal wala din."
" Baka sa mama mo may lahi sila."
" Baka nga."
Bigla namang lumabas ang isang nurse at nagtanong ako.
" Nurse, kumusta ang misis ko at ang mga baby?"
" Ok naman po si misis. Stable ang lagay. Nailabas na po ang isang baby girl at ang ganda po sir na bata. Parang kamukha nyo po."
" Yes! Salamat nurse, yung dalawa kamusta?"
" Kasalukuyan pong iniluluwal nya po, palabas na ang ulo. Sige po may kukunin lang po ako sir."
" Sige miss salamat."
" Naku owen since girlalou at maganda ang inaanak ko ay sagot na namin nitong hubby ko ang place ng binyagan. Nakakatuwa may inaanak akong tatlong siguradong kasing gaganda na tila sa akin nagmana ng kagandahan."
" Umayos ka panyang. Ok na ok na sagutin mo ang venue sa binyag pero ang magmana sayo ay isang kalokohan hahaha."
" Tse! Umayos ka Ram! Heto na nga ang ebidensiya eh, asawa ko na ang kuya mo na nabaliw sa kagandahan at kaseksihan ko! Magtataka ka pa."
Bigla namam nagsalita si Renan.
" Teka nasaan ako? Sino ka?"
" Hubby baliwan lang, ako ang diyosa ng buhay mo. Ang asawa mo."
" Nababaliw ka panget! Wala pa akong asawa, marahil nilumay(ginayuma) mo ako!"
" Tse! Hindi kita nilumay noh! Nabaliw ka sa kagandahan ko kaya inasawa mo ako!"
" Hindi! Hindi ito totoo! Hindi ako nabaliw sa iyo!"
Lumapit si panyang kay renan sinabunutan.
" Umayos kang lalake ka, pagkatapos mo akong anakan ng tatlo at ito sa tiyan ko pang apat na saka ka, mag eemote ng ganyan! Sampal gusto mo?!"
" Hahaha wala manoy, under ka na ni panyang hahaha."
" Hahaha akala ko kasi makukuha sa drama ito hahaha."
Nang biglang lumabas ang doktor at kinausap ako.
" Mr. Burce, im sorry po. Isa lang po sa mga anak mo ang buhay. Yung dalawa po na magkasunod ay parehong patay. Stable na po si misis."
Nagulat ang lahat sa balita ng doktor. Napaiyak naman si Rowen na napasabunot sa buhok na napaupo lobby chair.
" Bakit po dok, ano pong nangyari, healthy naman po sila sa ultra sound at maayos naman po ang lagay ng misis ko habang pinagbubuntis sila bakit nagkaganito?!"
" Hindi po natin, alam ang kagustuhan ng diyos Mr. Burce. May mga case po talaga na ganito."
Nang biglang lumabas na humahangos ang isang nurse.
" Dok, tawag po kayo sa loob, buhay po yung isang baby,yung huling lumabas buhay po siya. Bigla pong humatsing at iyon gumalaw at umiyak na ng mahina."
Sa narinig ay agad akong tumungo sa loob na pinayagan naman ng doktor. Nakita kong tulog si carmela. Nilapitan ko ang dalawang anghel na nababalutan ng puting tela na umiiyak pa rin.
Saka ako dahan dahan lumapit sa isang tila maliit na lagayan ng baby at doon ko nakita ang isang sanggol na payapang nakapikit na tila natutulog ngunit wala ng buhay.
Agad ko itong kinarga kahit may dugo pa ito sa katawan. Niyakap ko ito at tuluyang bumuhos ang mga luha ko ng hinalikan ko ito sa noo.
" Anak, ako ang papa mo. Nakakalungkot na hindi mo na nasilayan ang ganda ng mundo. Ngunit mananatili ka sa aming alaala. Mahal na mahal ka namin anak."
Saka ko dahan dahang inilagay ulit ang baby ko sa kinalalagyan nito. Lumapit ako kay ella at hinagkan ito.
" Sir sa private rm na po namin dadalhin ang misis nyo. Ang mga baby nyo naman sa nursery rm muna."
" Sige nurse, salamat."
Dahan dahan akong lumabas at agad akong niyakap ni mama at papa. Malungkot silang lahat sa kadahilanang nawala ang isa ko pa sanang baby.
" Anak, marahil ito ang kagustuhan ng diyos. Huwag kang magalit at magdamdam. Tanggapin mong maluwag sa dibdib ang lahat ng ito."
" Opo mama."
.
.
.
.
.
.
.
Itutuloy.....
------------------------------------------------------
BINABASA MO ANG
THE GLASSHOUR 2
FantasyMaraming katanungan sa iyong isipan sa kasalukuyan na tanging sa nakaraan ang kasagutan. Kakayanin mo ba ang responsibilidad sa hinaharap na sa nakaraan ay itinakda na para sa iyo.