Kabanata Dalawamput Lima

1.2K 54 1
                                    

Tahimik lamang si camille ng makarating sila ng bahay ng papa niya. Kasunod lamang ang sasakyan ng iba nilang kamaganak at mga ninong at ninang niya na kaibigan ng pamilya.

Tahimik at napakalungkot ng buong kabahayan na katatapos lang linisin ng mga kasambahay ang mga naiwang bakas ng burol na naganap. Muli ay nakaramdam ng lungkot si camille na pinipigilang maluha ulit. Kailangan niyang maging matapang ngayong wala na ang mama niya, kailangan niyang maging matapang para labanan si oxana, kailangan niyang maging matatag sa mga darating pang pagsubok sa kanilang pamilya.

Si owen naman ay tahimik at tila tulala na umakyat ng hagdan papunta sa kuwarto nito.

" Iha kung mabigat pa rin sa dibdib mo, iiyak mo lang. Nakakasama ang pinipigilan ang pagiyak. Alam kong masakit sa iyo itong nangyari pero, tanggapin natin ng maluwag sa dibdib ang lahat. Marahil kagustuhan ng diyos kung bakit nangyari ito."

" Iyon na nga po lolo, pero ang hirap pong tanggapin na si oxana ang may gawa nito. Hindi po aksidente iyon, sinadya po niya."

" Naniniwala kami sayo iha....pero anong dahilan ni oxana na gawin iyon sa mama niya."

Sa narinig ay sumali sa usapan ang mga ninong at ninang ni camille.

" Tito, sa ngayon po ay hindi namin alam kung ano ba talaga ang nangyayari sa kakambal ni camille. Alam po natin na noon pa man ay kakaiba na ito. Wala po iting kaibigan ni isa at laging simula ng pag aaway ng magkapatid maski ng ibang kalaro nila na pumupunta dito noon pa man. Maging mga anak po namin ay hindi nito kasundo. Nitong nagdaang araw ay biglang nagiba na ng tuluyan siya. Kung dati ay nakokontrol niya ang sarili niya, pero ngayon ay hindi na at maging kanyang pananalita ay tila nag iba."

Sa naririnig na usapan ng matatanda ay nanatiling nakikinig si camille. Alam niya sa kanyang sarili na may kakaiba talaga kay oxana dahil sa mga bagay na kanyang unti unting natutuklasan.

" Gusto mo bang sabihin ram, nababaliw si Oxana? Walang baliw sa lahi namin ram!"

" Hindi po ganun ang gusto kong tukuyin tito. Tila po may ibang katauhan si oxana, yung tinatawag na alter ego. Sa maniwala po kayo o hindi yung galaw ng kanyang mga mata ay kakaiba. Misteryoso at mapanganib. Isa pa pong nasa isip ko ay baka nasasapian si oxana ng masamang ispirito."

" Nagpapatawa ka ba ram! Hindi totoo ang mga ganyan!"

Hindi nila alam ay nasa ay pinto na ng bahay si remus at ang lola nito.

" Mawalang galang na sa inyong lahat. Puwede ba kaming sumali ng apo ko sa usapan. Alam naming usapang pamilya ito pero sa aking palagay ay sangkot na kami sa isyung ito sa dahilang si camille ay aming kinupkop."

" Sige, maupo ka. Ano nga palang pangalan mo ulit?"

" Alam kong halos magkaedad lang tayo Mr and Mrs Burce. Ako nga pala si Rosario de Dios. Ito naman ang apo kong si Remus. Pasensya na kayo ng pumunta kayo ng bahay na wala ako. Balo na ako at may lima akong anak. Yung dalawa nandito lang yung isa nasa maynila at nasa ibang bansa ang dalawa. Sa kabilang baryo lang ang aming bahay medyo malayo sa highway pero mararating ng sasakyan.

" Mrs. De Dios ano naman ang maari ninyong maitulong sa pamilyang ito?"

" Mr. Burce gusto kong malaman ninyo na isa akong albularyo. Sa kabila ng pagiging albularyo ay ay iba pa akong kakayahan na maaring makatulong sa inyo."

" Albularyo? Manggagamot ng ng mga naeengkanto o nakukulam?"

" Maliban diyan ay may kakayahan din akong malaman kung ang isang tao ay may ibang katauhan na lumulukob sa kanyang pagkatao."

" Huwag na tayong magpaligoy ligoy pa Mrs De Dios, paano kami nakakasiguro na mabuting tao kayo? Alam kong ang mga albularyo ay may lahing mangkukulam maski na sila ay nanggagamot."

" Huwag mong maliitin ang kakayahan ng aming angkan mr burce. Marahil hindi mo alam ang mga uri ng mangkukulam. Kabutihan ang aming ginagawa at hindi kasamaan na ikakasira ng tao."

" Pasensya na. Hindi tayo magkaaway dito. Since nandito ka, alam kong alam mo na may alam ka sa nangyayari sa kakambal ni Camille."

" Hindi away ang aking hatid mr burce kundi tulong. Katulad ng sinabi nitong ginoo na ito kanina.."

" Ram po mam."

" Tita na lang iho.Tama ang sinabi ni ram, may ibang katauhan sa pagkatao ni oxana. Masasabi na rin nating siya ay nasasapian ng isang ispiritong hindi matahimik."

" Pano mong nalaman?"

" May kakayahan akong tulad ng mga ispiritista at mga pari na tukuyin kung nasasapian ang isang tao. At kaya ko rin itong gamutin. Malakas ang ispiritong sumanib sa apo ninyo. Isa siyang ispirito na nabuhay na daang taon na ang nakalipas at ang kanyang pagkawala ay puno ng poot at paghihiganti at sumumpang magbabalik."

" My God! Nakakatakot po iyan tita, parang exorcist?!"

" Masahol pa iha. Kung sa exorcism ay nasa hell na ang sumasapi sa biktima. Itong ispiritong nasa katauhan ni oxana ay nanatili dito sa mundo dahil sa kanyang sumpang ginawa noon na muling magbabalik sa tulong ng kanyang sinasambang panginoon."

" Maari mo bang ilahad ang nalalaman mo sa bagay na ito?"

" Wala ako sa lugar para magsalaysay ng lahat. May tamang panahon para sa bagay na iyan na gusto ninyong malaman lahat lahat."

" Kung ganun, tatawagin namin si oxana para sa bagay na ito."

" Huwag na kayong mag aksaya ng panahon na tawagin siya."

" Bakit po lola?"

" Dahil wala siya sa bahay na ito ngayon iha. Alam niyang maari akong bumalik dito kaya umalis siya para takasan ang bagay na ito."

Tinawag ng lola ni camille ang kasambahay at nakumpirmang wala nga si oxana. Umalis daw ito matapos makaalis ang lahat ng tao sa bahay. Galit na galit daw at nagsisisigaw na papatayin niya ang lahat. Hindi na daw nila napigilan dahil sa nakakatakot ang ipinapakita nitong galit.

" Saan naman kaya yun pupunta?"

" Ang isang malapit nang masukol ay naghahanap ng maari niyang kanlungan o kayay makakatulong sa kanya. Pero malakas ang pakiramdam ko na babalik iyon para ituloy kung anumang balak niyang panggugulo sa pamilyang ito. Huwag po sana kayong mabibigla pero ang babaeng iyon ay hindi ninyo apo, nasa loob ng katawan niya nakakakulong ito na kagagawan ng ispiritong mas malakas sa kanya."

" Diyos ko! Anong gagawin natin?"

" Huwag po tayong padalos dalos sa mga bagay na maaring ikapahamak ng katawan ng tunay ninyong apo. Kung si camille ay mabait na bata ay ganun din ang isa ninyong apo. Nagkataon lang na wala siyang magawa sa ngayong lubos ng nakuha ng ispirito ang katawan ng apo ninyo."

" Pero paano po natin mapapalayas ang ispiritong iyon? Sinisira niya ang tunay na katauhan ng kapatid ko?"

" Masyadong mapanganib ang gagawin nating pagpapalayas sa kanya. Maari itong ikamatay ng katawan ng kapatid mo camille. Pero gagawin ko ang lahat na aking nalalaman para sa bagay na ito. Sa ngayon ay huwag kayong magpahalata sa mga pinagusapan natin kung bumalik man siya."

" Salamat sayo mrs de dios, malaking tulong po sa amin ang mga bagay na aming nalaman para maintindihan ang mga pangyayaring ito."

" Walang anuman, karangalan kong paglingkuan ang pamilya ng itinakda."

" HA?!!"

" Ah eh wala wag nyong pansinin iyon. Nagkamali lang ako sa nasabi. Sa ngayon ay aalis na muna kami ng apo ko. Katulad ng sinabi ko ay. Obserbahan nyo muna ang apo ninyo."

" Lola, lolo, sa kanila po muna ako sasama. Alam ko pong baka magkagulo ulit kung makikita ako dito ni oxana. Kaya ako na po muna ang aalis. Pero huwag po kayong mag alala babalik po ako."

Hindi na tumutol ang lolo at lola ni camille at hinatid ito sa sasakyan ng matanda. Nagpaalam na rin ang mga kaibigan ng pamilya at nangakong tutulong para sa ikalulutas ng misteryong nakapaloob sa katauhan ni oxana.
.
.
.
.
.
.
.
Itutuloy.....
------------------------------------------------------

THE GLASSHOUR 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon