Kabanata Tatlumput Dalawa

1.2K 42 0
                                    

Pagkatapos ng tanghalian ay nagpasya ng muling bumalik ng hospital si camille. Kasama si lola rosario at rem na siyang nagmaneho ng sasakyan.

Pagdating ng hospital ay nadatnan niyang nagkakagulo ang lahat sa may icu kung saan nandoon na ang kanyang kapatid at ama na masusing inoobserbahan.

Agad lumapit si camille sa lolo at lola niya. Nandoon din ang ilang kaibigan ng pamilya at kamaganak maliban kina ram, vincent at vera na nagbantay ng gabi.

" Lola ano po ang nangyayari?"

" Ang kapatid mo, naaawa na ako, nahihirapan ang katawan niya. Akala namin kanina wala na pero muling bumalik ang pintig ng puso niya. Katulad kagabi ganyan din nangyayari ngayon."

" Alam ko na po kung bakit nagkakaganyan siya lola. Huwag po kayong mag alala, hinding hindi na siya magagalaw ni dawak. Gagawin ko ang lahat para mailigtas siya."

Lumabas ang anak na doktor ni lola rosario at ibinalita ang nangyari sa lahat na nandoong kamaganak.

" Stable na muli ang kalagayan ng apo ninyo tito. Katulad po nang mga nangyari kanina at kagabi. Ganun pa rin, wala pa ring pagbabago na magigising na siya. Ang kanyang ama naman ay nanatiling nasa ganung kalagayan. 50-50 po talaga ang chance na magising sila. Masyadong nabugbog ang katawan nila sa nangyaring aksidente. Pero huwag po kayong mag alala gagawin namin ang lahat para maagapan ang anumang kumplikasyon sa katawan na maaring ikamatay nila."

" Dok, maari po bang makita ang anak at apo namin?"

" Sige po, pero hindi po kayo maaring magtagal sa loob. Kayo lang po at ang asawa nito at kung may anak pang iba."

" Kamamatay lang ng asawa niya dok. Tanging si camille na lang ang anak niya."

" Sorry po tito, condolence po. Maari na po kayong pumasok."

Humakbang papasok ang lolo at lola ni camille papasok ng icu na hindi na napigilang muling mapaiyak. Si camille naman ay nanatiling walang imik habang naglalakad papasok. Lumabas ang ilang nurse at isang doktor para mabigyan ng pagkakataon ang pamilya sa loob. Nilapitan ng dalaga ang kanyang ama kasunod ang kanyang lolo at lola. Marahang hinawakan nito ang palad. Awang awa siyang tinignan ang itsura ng ama dahil sa mga nakakabit na kung ano ano sa katawan at sa bibig. Pakiramdam niya ay tila siya man din ay nararamdaman ang kung anumang sakit na pinagdadaanan ng ama at kapatid. Nanatili naman umiiyak na tahimik ang kanyang lola sa tabi niya. Lumapit si camille sa tenga ng ama at may ibinulong.

" Papa, lumaban po kayo....huwag ninyo akong iiwan magisa kailangan ko po kayo. Wala na po si mama baka po di ko na kayaning pati kayo ay mawawala pa. Gumising na po kayo, hinihintay na po kayo ng mga kaibigan mo at mga kamaganak natin. Mahal na mahal kita papa."

Masuyong hinalikan ng dalaga sa noo ang ama at dahan dahan naglakad sa puwesto ng kakambal na tulad ng kanyang ama ay wala pa ring malay. Pinagmasdan ni camille ang mukha ng kakambal at muling tumulo ang luha niya nang hawakan ang mga kamay nito.

" Alam kong ni minsan hindi tayo nagkaroon ng pagkakataong nagkausap ng matagal. Yung tipong bonding ng magkapatid. Gumala, nagkuwentuhan sa mga crushes sa school, sa mga damit na bagay sa atin, sa mga pangarap natin sa buhay. Pero di mo lang alam kung gaano ko kagusto ang pagkakataong iyon. Alam ko na iba ka kesa sa akin pero hindi iyon hadlang para mawala ang pagmamahal ko sayo oxana dahil kapatid kita. Alam mo bang gaano ko na nami miss na tawagin mo akong ate. Na huli kong narinig ay talagang maliliit pa tayo."

Pansamantalang tumigil si camille dahil sa bigat ng dibdib niya at tuloy na pag iyak.

" Oxana, bunso, ang ate ito. Kahit kailan hindi ko kinalimutang kapatid kita. Ngayong alam ko na ang lahat kung bakit may ganitong nangyayari sa atin ay ipinapangako ko na magiging maayos ang lahat. Makakalaya ka kay dawak, hindi siya magtatagumpay. Lalabanan ko siya sukdulang ikamatay ko."

THE GLASSHOUR 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon