Kabanata Pito

1.4K 60 1
                                    

Umaga bago pumasok sa paaralan ay agad munang pinuntahan ni Camille ang kanyang mga alagang kalapati para pakainin ito. Ngunit laking pagkagimbal niya na makitang bukas ang pintuan na bakal ng kulungan nito at higit sa lahat ay nagkalat sa lapag ang lahat ng kalapati na walang buhay at putol lahat ng ulo.

" HINDIII!!!!"

Agad na lumabas ng bahay ang mama at papa niya sa narinig na sigaw ng anak na tila natulala sa nangyari sa mga alaga.

Agad na niyugyug ni Carmella ang anak na naging dahilan para matauhan ito at mag iiyak na yumakap sa ina.

" Mama! Wala na ang mga kalapati ko! Ano pong nangyari bakit nagkaganyan sila mamaaaa!"

" Hindi ko rin alam anak. Marahil may nakapasok ditong hayop, baka mga pusa kaya ganyan nangyari sa kanila."

" Mama, sigurado po akong isinara ko ito kahapon hindi po ako maaring magkamali!"

Patuloy sa pagiyak si camille na inaalo ng ina. Si Rowen naman ay tinawag ang katiwala para alisin, linisin ilibing ang mga patay na kalapati.

" Camille, mga kalapati lang yan. Puwede ka namang mag alaga ulit ng ganyan."

" Oo nga papa, pero hindi ko matanggap na ganyan na lang ang pagkamatay nila at sabay sabay pa, tila sinadya ito papa. Wala siyang awa sa mga hayop napakasama ng gumawa nito papa!"

" Pusa lang yan sa palagay ko anak, maraming pusa ditong pagala gala. Kaya marahil ng magkaroon ng pagkakataong makapasok diyan ayan ang nangyari."

" Pero papa, sa tingin ko sinadya ito...."

" Tama na Camille! Mga kalapati lang iyan! Huwag kang masyadong nagiisip ng kung ano ano!"

Hindi na nakasagot si Camille sa dahilang pinigilan siya ng ina na huwag nang sumagot sa ama. Inakay siya nito na pumasok sa bahay. Ngunit sa paglalakad ay napatingala siya sa may bintana sa silid ni Oxana. Nakita niya itong nakadungaw pero nasa gilid ng bintana, nakangisi ito sa kanya habang hawak ang kanyang alagang pusa.

Dahil sa pangyayaring iyon labis na pangamba ang nararamdaman ni camille. Hindi para sa kanya kundi para sa pamilya niya sa tila pagiiba ng mga ginagawa ni oxana na palala ng palala.

Dumaan ang mga araw ay may mga pagkakataon na tila pakiramdam ni Camille ay tila may banta sa kanyang buhay. Maraming pagkakataon na tila nalalapit siya sa kapahamakan sa mismong tahanan nila.

------------------------------------------------------
Hanggang dumating ang gabi bago ang kaarawan nila. Lahat ay nakahanda na para sa ika labing anim na taong kaarawan ni Oxana at Camille kinabukasan na gaganapin sa isang party venue sa bayan. Maraming kaibigang imbitado si Camille sa dahilang palakaibigan ito. Samantalang ni isa ay wala si oxana na lubos na ipinagtataka ng mga magulang niya hanggang ngayon.

" Anak, Oxana talaga bang wala kang imbitadong kaibigan ni isa.?"

" Wala pa!"

" Anak, nakapagtataka na kasi mula noon pa ay ni isa ay wala kang kaibigan na dinadala dito. Maging sa kaarawan mo ay wala. Samantalang ang kapatid mo ay marami at nakikita ko na mabubuti naman silang mga bata. Dapat nakikipagkaibigan ka anak. Mahirap yung lagi kang magisa at walang nakakausap na kaibigan."

" ANO BANG PAKIALAM MO BUHAY KO ITO KAYA HUWAG KANG MAKIALAM!!!!"

Napatayo pa ito sa upuan sa hapag kainan at tinapik ang mesa na ikinagulat ng tatlo.

" Oxana, sumusobra ka na! Mama natin ang sinasagot mo wala kang galang sa kanya. Nakukuha mo pang sumigaw. Maari ka namang sumagot na mahinahon."

" Tama ang ate mo anak. Wala namang masama sa sinabi ng mama mo."

" Ahhhhh! Mga buwisit kayo! Wala na kayong ginawa kundi pakialaman at kuwestiyunin ako! Anong gusto niyong mangyari, pilitin ko mga tao na makipagkaibigan sa akin?! Ito ang tandaan ninyong lahat, magbabayad kayong lahat sa akin! Magbabayad kayo! Ahhhh!"

Dahil sa tila wala sa sarili si Oxana at nagwawala ay nilapitan ito ng ama at sinampal.

" Pa?!"

" Ano bang nangyayari saiyo? Nakakapanibago ka na!"

Nabigla naman si Camille at ang ina nito. Agad tumayo si Oxana at naglakad paakyat sa pangalawang palapag ng bahay at nagkulong sa kanyang silid.

" Papa, hayaan nyo na po muna siya. Mamaya kakausapin ko po, ayoko naman pong may hindi tayo pagkakaunawaan lalot bday po namin bukas. Marahil may pinagdadaanan lamang po ang kapatid ko."

" Sige anak."

Habang kumakain ay hindi maiwasang tignan ni owen ang kanyang anak na si camille na tahimik na nakayuko at kumakain. Iniisip niya bakit ang laki ng pagkakaiba ng ugali ng dalawang anak niya. Naisip tuloy niya na ang pagkasutil na ugali ni Oxana ay sa kanya nakuha nito noong kabataan niya. Pero parang kakaiba itong sa anak niya.

Owens POV

Kung si Oxana ang talagang itinakda, marahil ang kaibahan ng ugali nito ang dapat niyang baguhin kapag dumating na ang oras na maganap na ang nangyari sa akin noon. Ngunit kelan at paano?.Alam kong si lolo oman lamang ang makakasagot sa akin ng mga katanungan ko. Ngunit sampung taon na ang nakalipas ay hindi man lang siya nagpakita sa akin. Sino kaya sa hinaharap ang nakatakdang makilala ni Oxana na magiging daan para sa susunod na itinakda pagkatapos ng anak ko. Alam kong nasa Hora na ang mga itinakdang tapos na ang misyon. Ngunit ang mga itinakda ng ibat ibang angkan na hindi pa tapos ang misyon ay nandito sa mundo namin. Ngunit nasaan sila?. Isa pang bumabagabag sa akin ay ang babaylan na nakilala ko. Sino siya at ano ang ibig niyang ipakahulugan sa mga sinabi niya.

------------------------------------------------------

Pagkatapos ng hapunan ay agad umakyat si Camille sa pangalawang para kausapin ang kakambal ngunit sinigawan lang siya nito at pinapaalis. Walang nagawa si Camille kundi bumalik na lang sa kanyang silid.

Lumipas ang mga Oras ay hindi makatulog ang kambal. Si Oxana ay nanatiling nakadipa sa kama at nakatitig sa kisame. Iba ibang bagay ang naglalaro sa kanyang isipan. May mga malalabo,may mga malilinaw at may mga hindi niya maintindihan. Hanggang may nagsalita sa dilim na isang boses ng lalaki na tila galing sa ilalim ng lupa at nakakakilabot. Alam ni Oxana na ito ang kumausap sa kanya ilang buwan na ang nakakaraan.

" ANONG KAILANGAN MO SA AKIN AT BAKIT KA NANDITO NA NAMAN!"

" KATULAD KA PA RIN NG DATI DAWAK! WALA KANG PAG GALANG SA MGA NAGBIBIGAY SAIYO NG PABOR NA HINIHINGI MO! NAKALIMUTAN MO NA YATA AKO!"

" SINO KA BA TALAGA!"

" AKO LANG NAMAN ANG NAGBIGAY SAYO NG PANGALAWANG PAGKAKATAON PARA MULI KANG MAKABALIK SA MUNDONG ITO!"

" MAKABALIK?!!"

" OO DAWAK! DAANG TAON NA ANG NAKALIPAS NG HUMILING KA SA AKIN AT AKING PINAGBIGYAN ITO! AT NGAYON NGA DUMATING NA ARAW NA MALAPIT MO NANG MALAMAN ANG LAHAT AT MAKAMIT ANG IYONG MGA HANGARIN NOON!"

" NAGUGULUHAN AKO! ALAM KONG MAY KAKAIBA SA AKIN NGUNIT HINDI KO ITO LUBOS NA MAINTINDIHAN! MAY MGA BAGAY SA AKING PAGKATAO ANG TILA MATAGAL KO NANG ITINATAGO MAY TILA ISANG PAGKATAO SA AKING KATAWAN ANG MINSAY NARIRINIG KO!"

" HUWAG MONG HAYAANG MADAIG KA NG PAGKATAONG IYAN DAWAK! PAG NANGYARI IYAN AY TULUYAN KA NANG HINDI MAKAKABALIK SA MUNDONG ITO!"

" AKOY NAGUGULUHAN IPALIWANAG MO ANG LAHAT SA AKIN! AT MAGPAKILALA KA!"

" HAHAHAHA! MASYADO KANG MAINIPIN DAWAK! AKO SI KARATAN ANG SINASAMBA MONG PANGINOON NOONG UNA MONG BUHAY SA MUNDONG ITO DAAN DAANG TAON NA ANG NAKALIPAS!"

" UNA KONG BUHAY?!"

" HAYAAN MONG IPAALALA KO SA IYO ANG LAHAT!"

Pagkasabi niyon ng mahiwagang lalaki kay Oxana ay may tila liwanag na tumama sa noo ni Oxana at nawalan ito ng malay.

" HAHAHA MALIGAYANG PAGLALAKBAY DAWAK! SA IYONG PAGMULAT AY MAGIGING MALIWANAG NA SA IYO ANG LAHAT MGA BAGAY NA LUBOS MONG IKAKASIYA SA IYONG PAGBABALIK AT PAGHIHIGANTI KAY MA-ARAM!"
.
.
.
.
.
.
.
.
Itutuloy.....
------------------------------------------------------

THE GLASSHOUR 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon