Kabanata Tatlo

1.7K 74 5
                                    

Agad na naglakad ang matanda palayo sa akin. Doon lang ako nakabalik sa wisyo habang tinitignan syang papalayo, hindi nga siya manlalakbay ng panahon dahil hindi siya naglaho. Sino kaya iyon at ganoon ang mga winika niya sa akin.

Nang makarating ako ng bahay ay naguusap usap sina mama, papa at asawa ko pati ang mama niya.

" Owen bukas babalik na kami ulit ng maynila ng papa mo. Ayos lang ba kayo dito? Dalawa ang anak niyo baka mahirapan kayo."

" Ok lang po ma, may yaya naman po."

" Saka balae, andyan lang ako sa tapat, titignan tignan ko na lang sila dito. Alam mo na mga bata pa,bagong magulang baka mangapa pa."

" Naku salamat balae buti na lang andyan ka lang."

" Ma, sa sunod na buwan na namin sila pabibinyagan. Gusto ko kasi mabinyagan sila agad sa simbahan."

" Ganun ba, o sige inform mo lang kami ng papa mo at uuwi kami dito ng ate at kuya mo pati pamilya nila."

" Sige po ma, parang reunion na rin. Tagal na rin di nauwi dito ni kuya at ate."

" Lam mo naman busy din sa mga trabaho nila."

------------------------------------------------------
Kinaumagahan ay maagang umalis ang mama at papa ni Rowen. Tuwang tuwa naman silang mag asawa sa dalawang anghel sa kanilang buhay na nagbigay pa ng liwanag at kasiyahan sa kanilang tahanan. Anumang nakita ni Rowen ng nakaraan gabi sa kuwarto ng anak ay ipinagkibit balikat na lang niya.

Lumipas ang mga araw at bumalik na sa trabaho si Owen. Si Ella naman na isang guro sa bayan ay naka leave pa kaya natututukan pa niya ang pagaalaga sa dalawang anak kahit na may yaya ang mga ito.

Isang araw habang pinapaliguan ni Ella ang anak na panganay ay napansin niya ang tila balat sa balikat, malabo pa ito at mapusyaw ang kulay. Hindi niya ito maunawaan sa dahilang kakaiba ang itsura nito.

Ang bunsong anak naman ay tila kakaiba ang ipinapakitang ugali. May pagkakataong nakikita niya itong nakatagilid na nakahiga habang nakatitig sa anak na panganay. Lubos siyang nagtataka dahil mag iisang buwan pa lang ito para magawang makatagilid. Isa pang ugali nito ay kung hatinggabi ay nagigising at tila may tinitignan sa dilim at tumatawa.

Ang panganay naman na anak ay tahimik. Ngunit may mga bagay siyang napansin dahil ilang pagkakataon ng kinarga niya ito at inilagay sa kama para may kunin pero pag babalikan niya ito ay nasa crib na ulit sa silid ng mga anak o kaya ay nasa lapag.

Hindi niya masabi kay owen ang mga bagay na iyon sa dahilang baka kung anong isipin ng asawa.

Isang gabi ay pinagusapan ng dalawa ang binyag ng anak at ang pinal na magiging pangalan ng mga anak.

" Hon, next wk na ang binyag ng anak natin. May naisip ka na bang pangalan nila."

Saglit na nag isip si Owen at....

" Hon ikaw na magpangalan sa panganay at ako sa bunso."

" Sige hon....gusto ko sana ay Camille Jane Burce, sunod sa pangalan natin."

" Ummm maganda....ano kaya kay bunso?"

Nagisip si owen at naalala niya ang sinabi ng mga manlalakbay na Oxana ang magiging pangalan ng itinakdang ika isandaan manlalakbay ng panahon. At iyon ay isa sa mga supling niya. Naisip nya na baka ang bunso nga niya ang itinakda. Ngunit naiisip din niya na baka magkaanak pa sila ulit at babae pa. Baka iyon ang nakatakda, ngunit sa nakita niyang kakaiba sa anak ng nagdaang buwan ay iyon ang nagpatibay sa kanyang isipan na ang bunso sa kambal nga siguro ang nakatakda. Kaya.....

" Hon....gusto kong ipangalan sa bunso ay Oxana Jane Burce."

Pagkasabi niyon ni Rowen ay tila nagulat at umiyak ang panganay na anak, samantalang nakangiti at tila masaya ang anak na bunso na nakatitig sa panganay na karga ng ina.

" Naku, baka nagseselos si Camille, ikaw naman papa ang kumarga sa kanya hahaha."

Nang magpapalit sila ng kargang bata ay napagdikit nila ang katawan ng dalawa. Napunta ang kamay ng bunso sa may pisngi ng panganay. Nagulat sila ng biglang umiyak ito. Dahil may sugat na maliit sa mukha na tila kinalmot.
Tinignan nila ang kamay ng bunso na nababalutan naman ng gloves na pang baby ngunit wala namang makitang dugo. Nagtaka ang mag asawa at ginamot na lang ang maliit na sugat nito.

Lumipas ang ang mga araw at binyag na ng dalawa. Dumating din ang ate at kuya niya kasama ang mga pamilya nito. Aligaga si Carmella at Rowen sa pag aasikaso ng dalawang anak. Ngunit tila ang panganay lang ang maayos ang lagay. Ang bunso ay tila alumpihit at iyak ng iyak.

Ang mga ninong at ninang ay nasa simbahan na at susunod na lang ang pamilya ng bibinyagan. Handa na rin ang venue ng handaan sa isang malaking restaurant sa bayan.

" Hon, dali na mag alas diyes na. Kargahin mo na si baby oxana."

Agad namang kinarga ni owen ang anak at sabay silang bumaba. Napansin ni owen na tila malikot ang anak habang karga ito. Naisip niya marahil aktibong baby lang ito. Agad silang nagtungo sa simbahan sa bayan at saktong pagbaba ni owen sa kotse ay humangin ng malakas at tila nagdilim ang paligid na may mga ulap ngunit walang ulan. Agad siyang naglakad kasunod nang nauna nang asawa at isang anak. Nang biglang mabali ang isang malaking sanga ng kahoy sa dinadaanan nila at tila may isip itong nilipad patungo sa direksyon ng asawa at anak na papasok na sa pinto ng simbahan. Saktong hahampas na ito ay nakapasok na ang kanyang mag ina at biglang nagsara ang pinto para hindi makapasok ang malaking sanga. Gulat na gulat si owen at ang ibang kasama niya. Agad silang nagmadaling naglakad at tinungo ang pinto na binuksan na ng mga nasa loob.

" Oh my God! Ano ba yun ipo ipo! Shocks! Muntik ng tamaan kayo mare ni baby camille nung nabaling sanga! Nakakatakets naman yun parang sa mga movies na devil ang anak na pabibinyagan."

" Tumigil ka nga panyang! Yan napapala mo sa kanonood ng horror! Anghel ang mga anak ko. Kaya nga ngayon ay tuluyan na silang magiging anak ng diyos!"

Pagkasabi niyon ni owen ay biglang nalaglag ang kandelabra sa gitna ng simbahan kung saan may mga tinamaan ng mga bubog na nabasag pagbagsak. Nasugatan ang ilang bisita ngunit maliit lang naman na agad nilapatan ng lunas sa tila klinika ng simbahan. Labis na nagtaka ang pari sa kadahilanang halos isandaang taon na yun sa kanila kung saan ay kandila pa ang inilalagay dito.

Ilang saglit pa ay nagsimula ng binyagan ang dalawang bata. Nauna si Camille na tila natutuwa at nakangiting nakatingin sa pari. Sumunod si Oxana na alumpihit na iyak ng iyak. Lalo na ng lagyan na ng krus ito sa noo at buhusan ng konting benditadong tubig ang buhok nito ay sabay na sabay na sumara ang lahat na pinto at bintana ng simbahan kasabay ng biglang pagdilim ng lahat. Wala silang maaninag maging ilaw ng cellphone ng mga taong nandun ay di gumana. Mga halos isang minuto lang tumagal at agad nagkarun ng ilaw at bumukas ang bintana at pinto. Gulat ang lahat sa nakita nila sa harap ng altar at lahat ay napasigaw.

" GOD NO!!!!!!!"
.
.
.
.
.
.
.
Itutuloy.....
------------------------------------------------------

THE GLASSHOUR 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon