Sa kabilang silid ay nanatiling gising pa rin si Camille. Hating gabi na at tahimik na ang paligid.
Hindi niya alam ang nararamdaman lalot kaarawan na nila ng kakambal niya. Nalulungkot pa rin siya sa nangyaring pagsagot ng kakambal laban sa mga magulang at. Tumayo siya sa pagkakahiga at tinungo ang bintana. Payapa ngunit hindi makita ang ibang nasa bakuran. Maging ang ilang bahay ay hindi niya matanaw dahil sa makapal na hamog na may kasamang mahinang hangin na nagdudulot sa kanya ng kaunting lamig. Hindi pa siya nagtatagal sa pagmamasid sa paligid ng may isang boses ng babae, ang boses na nagparinig sa kanya ilang buwan na ang nakakaraan.
" Kumusta ka na camille?"
" Maayos naman po ang lagay ko. Ano po bang nais niyo at nandito kayo ulit. Ikaw po ba ay isang imahinasyon o panaginip lang? Alam ko pong minsan ay may mga nangyayari sa akin na tila hindi pangkaraniwan. Kaya hindi na po ako mabibigla kung kababalaghan ito o isang imahinasyon."
" Itoy isang kababalaghan na nasa katotohanan camille. Akoy hindi isang imahinasyon. Totoo ako at iyong naririnig."
" Kung ganun po, sino kayo at bakit hindi kayo magpakita sa akin?"
" Labis mo akong pinapahanga sa pagiging mahinahon at matapang camille, tunay ngang isa kang itinakda ng iyong angkan. Ako si Nera...."
" Nera???"
Isang iglap ang liwanag na anyong tao ay naging isa nang babae na napakaganda at tila sinaunang babae sa uri ng kasuotan nito. Ngumiti ito ng mabini kay Camille at nagsalita sa malapitan.
" Isa akong Ispiritong Tagagabay, camille, daang taon na ang nakalipas ay tulad mo rin akong tao. At ngayong ika labing anim na taon ng kaarawan mo, ako ang itinakdang Ispiritong Tagagabay sa iyo."
" Akoy naguguluhan sa mga sinasabi mo, Babaylan at itinakda?"
" Sa ngayon camille ay hindi ako maaring magsabi sa iyo ng lahat. Sa dahilang isang manlalakbay ng panahon ang siyang magsasabi sa iyo ng lahat tungkol sa iyo. Ang maari ko lang ipaliwanag sa iyo ay ang aking tungkulin. Akoy tagagabay na tanging ikaw lang ang makakita at makakarinig sa akin. Ang mundong kinabibilangan ko ay ang mundong nasa kalawakan. Ang mga bituin. Isa na akong bituin na dating taga gabay ni Prinsesa Ma- Aram noong ako ay nabubuhay pa. Kabilang din ako sa lahing babaylan ngunit kamiy mga taga gabay lang. Hindi namin puwedeng pakialaman ang mga nakatakdang mga bagay o mga mangyayari sa buhay ninuman. Kapag naman kami ay nawala sa mundo, ispiritong taga gabay na ang tawag sa amin. Kamiy nilikha ng Dakilang Tagalikha para sa mga itinakdang manlalakbay ng panahon."
" Pero bakit nyo po ako gagabayan?"
" Sapagkat ikaw at si Ma-aram ay iisa."
" Noong unang panahon ay nabuhay ka na. Isa kang Prinsesa sa tatlong anak ni Datu Rawan. Tatlo kayong magkakapatid na sabay sabay na ipinanganak ng inyong ina."
" Tatlo? Triplets?"
" Oo, si Prinsesa Tala, Prinsesa Dawak at ikaw Prinsesa Ma- aram. Kayong maharlikang pamilya ay may lahing babaylan. Kayong tatlong magkakapatid ay may kanya kanyang kakayahan. Ngunit ang iyong kapatid na si Dawak ang sadyang kakaiba sa sa inyo. Hindi siya halimbawa ng isang prinsesa sa dahilang maitim ang kanyang budhi, maraming haka haka noon na isa siyang mangkukulam. May mga tagasunod siya na pagsamba sa itim na anito ang pinapaniwalaan. May mga pagkakataon noon na siya ang may kagagawan ng pagkapahamak ninyo ng kapatid mong si tala na pangalawa sa iyo. Bunso si Dawak. Maging sa inyong ama at ina wala itong pag galang. Hindi pangkaraniwang Babaylan kayo ng kapatid mo na si tala ngunit ang ipinagkaiba ni Dawak sa inyo ay sumasamba siya sa itim na anito na kung tawagin ay si " Karatan".
" Gusto nyo pong sabihin, hindi kasundo ni dawak si tala at ma-aram?"
" Tama, camille. Hanggang sa ang dalawang prinsesa ay napiling maging mga babaylang may kakaibang katangian. Si Tala at ma- aram ay may pagpapahalaga sa lahat ng bagay na nasa mundo na likha ng Dakilang Tagalikha. Hanggang isang araw ay may kumausap kay Tala at Ma- aram na Isang Diyos. Lingid sa kanilang kaalaman ay kasunod lamang nila si Dawak.
" Ngunit paano nyo po nalaman?"
" Sapagkat nasabi sa akin ng magkapatid ang pangyayari, ngunit hindi nila alam ay nasundan ko din sila. At sa pagkakataong iyon ay nakita ko si Dawak na sa kalayuan sa akin ay labis ang galit ang namamayani sa kanyang mga mata."
( Flashback )
" Ma- aram at tala....akoy lubos na nagagalak sa kabutihan nyong ipinapakita sa lahat ng nilikha ng ating dakilang manlilikha"
" Maraming salamat po diyos ng panahon, maging kami man po ay ikinasisiya ang maging tagapaglingkod ninyo."
" Maharlika man kayong pamilya ay hindi nawala sa inyo ang dugong babaylan. Sa ngayon ay bibigyan ko kayo ng kakaibang kakayahan bilang mga prinsesa at babaylan."
" Ano pong ibig ninyong sabihin?"
" Ma- aram....sa dahilang ikaw ay may pagpapahalaga sa panahon, oras, at pakikipagkapuwa tao ikaw ay gagawin kong kauna unahang " Manlalakbay ng Panahon."
" Manlalakbay ng Panahon?"
" Ikaw ay maaring makarating sa anumang panahon, nakaraan, kasalukuyan at hinaharap. Maari mong makita o makasama ang mga naging angkan mo sa nakaraan o hinaharap. Ngunit hindi ka maaring magpakilala sa kanila o kaya magsabi kung saan ka galing at kung ano ka. Hindi mo rin puwedeng baguhin kung ano ang nakaraan dahil may epekto ito sa hinaharap. Pag gabay at pagbibigay ng tamang opinyon o gagawin nila ang maari mong gawin at hindi mo puwedeng kontrahin anumang desisyon nila. Sa pagkawala mo sa mundo ay dun palang magsisimula ang pagiging manlalakbay mo ng panahon. Ang una sa inyong angkan. Gusto ko ring ipaalam sa iyo na ang ikasandaang manlalakbay ng panahon ay sa inyong angkan manggagaling may malaking gagampanan sa inyong lahing manlalakbay ng panahon. Nakikita ko rin sa hinaharap na malaki ang magiging kaugnayan mo sa itinakdang ikasandaang manlalakbay mula sa iyong angkan. Ngunit mag ingat ka sa dahilang, ang kasamaan ay nasa paligid lang nagmamatyag na maaring ikasira ng inyong angkan. Tangapin mo itong lampara, orasa at tungkod na simbulo ng pagiging isang manlalakbay ng panahon. Itago mo iyan sa dahilang ikaw at ang susunod sayong henerasyon lamang ang makakagamit niyan. Maraming magtatangkang agawin sayo iyan para gamitin sa kasamaan."
" Maraming salamat po sa pagbibigay mo sa akin ng kakaibang reaponsibilidad bilang isang manlalakbay."
" Ikaw naman Tala ikaw ay kabilang din sa manlalakbay ng panahon ngunit magkaiba ang taglay nyong abilidad ni ma-aram, sayo ko ipagkakaloob ang kapangyarihang makapanggamot ng anumang nilalang ko sa mundo, tao, hayop at maging punot halaman ay magagawa mong pagalingin. Ngunit hindi ang mga patay. Maari mo lang silang gamutin hanggat hindi sila namamatay. Maging karamdamang espirituwal ay maaari mong gamutin tulad ng mga pagkakasakit na gawa ng kasamaan. Mga taong nasasapian ng masasamang espirito ay maari mong gamutin."
" Salamat po Diyos ng Panahon."
" Sa ngayon ay humayo kayo at ipamalas sa sanlibutan ang aking ibinagay na kakaibang kakayahan sa inyo. Tandaan ninyo na hindi lahat sa inyong angkan ay magiging manlalakbay ng panahon. May mga nakatakdang maging manlalakbay sa bawat ikaapat na salinlahi mula sa magiging anak ninyo. Iyon ay ang pinakahuling mabubuhay. Sa muli nating pagkikita mga mahal kong prinsesa.
Agad na naglaho ang Diyos ng Panahon at naglakbay pabalik ng banwa ang magkapatid na Tala at Ma-aram.
Lingid sa kanila ay labis ang poot at pagngingitngit ang nararamdaman ni Dawak laban sa dalawang kapatid. Dahil ni minsan ay hindi siya kinausap ng sinasamba niyang diyos ng dilim na si Karatan.
Kaya sa labis na pagkamuhi ay nagpasya siya sa isang bagay para siya ang mamuno sa lahat sa kanilang tribo.....
( End of Flashback )
.
.
.
.
.
.
Itutuloy.....
------------------------------------------------------
BINABASA MO ANG
THE GLASSHOUR 2
FantasyMaraming katanungan sa iyong isipan sa kasalukuyan na tanging sa nakaraan ang kasagutan. Kakayanin mo ba ang responsibilidad sa hinaharap na sa nakaraan ay itinakda na para sa iyo.