Kabanata Tatlumput Siyam

1K 38 0
                                    

Sa gubat ay agad naglaho sina camille, remus at ang mga bata na hindi nito napapansin. Nakita na lang ng mga ito ang mga mandirigma na nasa malayo. Agad na nagtakbuhan ang mga bata palapit sa mga mandirigma at agad naman silang nilapitan ng mga ito.

Nakita ni madunong si camille at remus. Bakas sa mukha ang pagtataka kung bakit nasa gubat na agad ang dalawa. Nakita naman agad ni camille ang pagtataka sa mukha nito.

" Nauna na kaming nagpunta sa gubat na ito ng tinitipon mo ang mga mandirigmang isasama mo dito. Kaya agad naming natagpuan ang yungib na pinagdalhan ni dawak at mga tagasunod niya ang mga batang ito."

" Kung ganun totoo ang sinabi ng bata. Nasaan na si dawak at ang mga tagasunod niya, paano nyo nailigtas ang mga batang ito?!"

" Nadatnan naming may mga tagasunod siyang naroon sa yungib. Nakipaglaban sila sa amin ngunit sa huli ay kami pa rin ang nanaig. Ipinasok namin sa hawla ang dalawang babaeng tagasunod ni dawak at sinunog namin ang mga bagay na nandoon sa loob na ginagamit nila."

" Kung ganun babae, bumalik na kayo sa baranggay delikado marahil pinaghahanap na kayo ng iba nilang tagasunod kung nalaman na nila ang ginawa ninyo. Kung wala doon si dawak marahil kasama niya ang mga tagasunod pa niyang iba."

" Ma-dunong kailangan nyong magmadali sa baranggay sa aking palagay naroon si dawak."

Agad pinulong ni ma-dunong ang mga mandirigma at nagsimula na ulit sila sa isang mabilisang paglalakbay. Nagpahuli sa paglalakbay si camille at remus.

" Camille, nararamdaman ko parang may nangyayaring hindi maganda sa baranggay. Parang nagaganap na ang mga pangyayari na naisulat ni nera noon. May nabasa ako doon na pagkatapos na mapatay ni dawak ang kanyang amang datu, ina at kapatid na si tala ay nakipaglaban ito sa mga mandirigma sa pamumuno ni prinsesa ma-aram. Madami ding tumulong na mga mamamayan kaya maraming mga inosente din namatay. Nilason ni Dawak ang kanyang pamilya, maliban kay prinsesa ma-aram na wala sa kanilang tahanan ng ito ay maganap. Marahil yun ang kaninang nagpunta ang prinsesa sa bahay ng bata."

" Samakatuwid, habang wala tayo naganap ang lahat. Wala tayong dapat ipangamba rem, nakatakda yung nangyari kanina. Sa palagay ko naman ay hindi makakaapekto sa hinaharap ang ginawa nating pagligtas sa mga bata."

" Hindi mo ba puwedeng gamitin yung lampara para makita mo nagaganap dito sa kasalukuyan? Kailangan nating maging handa para hindi tayo maging hadlang sa anumang nakatakda. Ang naganap na pagliligtas natin sa mga bata marahil ay sina ma-dunong ang talagang gumawa noon."

" Hindi kaya mabago ang hinaharap nila?"

" Hindi. Nakaligtas sila sa kamatayan at iyon ng nangyari talaga. Nabago lang sa paraan kung paano."

Hinila ni camille si rem sa isang malapad na puno at agad niyang pinalitaw sa kanyang kamay ang tungkod at makikita doon ang nakasabit na lampara na kailangan niya. Hinawakan ni camille ang lampara at bigla itong nagliwanag makikita doon ang kagubatan na may mga nagtatakbuhang mga tao sa pangunguna ni dawak.

" Si dawak iyan camille! Nandito na siya sa gubat kasama niya mga tagasunod niya!"

Nanatili lang itong pinapanood ni camille, hanggang sa nanlaki ang mata niya sa nakitang sumusunod sa grupo ni dawak.

" Si Prinsesa ma-aram, tama nga na sa kagubatan nila masusukol si dawak!"

Agad pinaglaho ni camille ang tungkod at lampara at mabilis na tumakbo at lakad sila ni rem para maabutan grupo ni ma-dunong. Agad naman nilang naabutan ito pero hindi nila sinabi na malapit na sa kanila ang grupo ni dawak. Batid nilang ito ang kahahantungan ng lahat ang labanan nina dawak, ma-dunong at ma-aram. Ilang saglit lang ay makikitang bumabalik ang pinakanaunang mandirigma sa grupo ni ma-dunong.

" Pinuno magmadali tayo, sasalubungin natin ang grupo ni dawak patungo sila lahat rito kasama ang mga mandirigmang kapanalig niya!"

Agad na naghanda ang mga mandirigmang kapanalig ni ma-dunong at ilang saglit lang ay nagkubli na sila sa mga kakahuyan para hintayin ang pagdating ng grupo ni dawak. Ang ibang iba naman ay umakyat sa mga matataas na puno. Sa ibang direksyon naman ay makikitang magkasama si rem at camille. Binigyan ni ma-dunong ng itak at sibat si remus para sa proteksyon nito. Ilang saglit lang ay maririnig ang tila senyales ng mga mandirigmang nasa mga matataas na puno para ipaaabot kay ma-dunong na malapit na ang grupo ni dawak sa kanila.

------------------------------------------------------

Dawak POV

Babalik ako! Hindi ako papatalo sa inyo ma-aram! Ang pag atras naming ito ay hindi pagkatalo! Babalik ako para tuluyan ka nang mamatay at ang mga tagasunod mo at pati na rin hindi mabuhay sa mundong ito ang itinakdang manlalakbay ng panahon sa lahi mo! Hindi mangyayari ang sinabi ng diyos mo! Ako lang ang dapat pinakamakapangyarihan sa lahat ako lang! At uubusin ko ang lahi mo para makamit ko ang kahilingan sa anitong itim!!! Wala na ang Ama at ina pati si tala at ikaw na lang ma-aram at magtatagumpay na ako!!!!

" MAGMADALI KAYO KAILANGANG MAKABALIK TAYO SA YUNGIB BAGO TAYO MATUNTON NI MA-ARAM! MAGHAHANAP TAYO NG BAGONG YUNGIB DAHIL MALAKAS ANG KUTOB KO NA MAHAHANAP NILA TAYO DOON!

Lakad takbo ang ginagawa ng grupo kasabay nito ang kanyang pinagkakatiwalaang tagasunod na bigla na lang nahinto sa pagsasalita at paglalakad na bumulagta na lang at may tama ng pana sa lalamunan. Kasabay noon ang pag ulan ng pana at agad nagsikubli ang ibang tagasunod ni dawak. Hindi nagkubli si dawak bagkus ay nagawa niyang salagin ng kanyang itak ang mga bala ng pana na tatama sa kanya. Mangha si remus at camille sa liksi ng kamay ni dawak at masasabing isa itong bihasa sa larangan ng pakikidigma.

Sumugod na ang ibang mga nasa lupang mandirigma sa pangunguna ni ma-dunong. Nanatili lang sa pinagkukublihan nila si remus at camille habang patuloy ang labanan ng grupo. Hindi sila makapaniwala na ang ginagawang pagpatay ng grupo ni dawak ay sobrang hindi makatao. Pinupugatan pa nila ng ulo ang mga mandirigmang kapanalig ni ma-dunong. Ilang saglit lang ay tila paunti ng paunti ang naglalaban hanggang sa nagkaharap na si dawak at madunong.

" MAHINANG MANDIRIGMA! SA PALAGAY MO KAYA MO ANG ISANG PRINSESA?!...HINDI PALA ANG MAGIGING REYNA!"

" KAHIT KAILAN HINDI KA MAGIGING REYNA NG NASASAKUPAN NG AMA MO DAWAK! WALANG PUWANG ANG KASAMAAN MO SA MUNDONG ITO KAYA DAPAT KANG MAMATAY!"

Sumugod si ma-dunong sa pamamagitan ng sibat. Hangang sa nanaig ang liksi ni dawak.

" ANO ANG MASASABI MO NGAYON MA-DUNONG NA ANG TINUTURUAN MO LANG SA PAG GAMIT NG MGA ARMAS AY MAS MAGALING NA SAYO! HAAHAHAH! MAGIGING REYNA AKO AT HINDI KA MANANAIG SA AKIN! WALA NA ANG DATU MO AT DAYANG NITO PATI SI TALA! KAYA ISUSUSUNOD KITA BAGO ANG MAHAL MONG SI MA-ARAM!

Nabigla si remus at camille sa narinig mula kay dawak. Ngunit nanatili lang na nakatingin ng matiim si ma-dunong kay dawak. Hawak ng dalawang tagasunod nito ang magkabilang braso niya.

" AKALA MO BA HINDI KO ALAM MA-DUNONG?!! MAY AMBISYON KANG MAMUNO KAYA SI MA-ARAM ANG PINILI MO AT HINDI AKO!"

" KAHIT KAILAN HINDI AKO NAMILI DAWAK! HINDI IKAW ANG GUSTO KO! AT KAHIT KAILAN HINDI MANGYAYARI IYON DAHIL SI MA-ARAM ANG MAHAL KO!!!"

" HANGAL! MAMATAY KA NA LANG MA-ARAM KA PA RIN! KUNG GANUN UUNAHIN NA KITA!!!"

Itinaas ni dawak ang itak at sapilitang pinaluhod ng dalawang mandirigma nito si ma-dunong para pugutan ng ulo.

" MAMATAY KA! KAYONG LAHATTTTT AHHHHHH!!!"

Ngunit hindi sumayad ang talim ng itak ni dawak sa leeg ni ma-dunong bagkus isang tama ng pana ang tumama sa likod ng palad nito kaya agad nabitiwan ang itak. Tinamaan naman ng sibat ang dalawang mandirigma nito.
.
.
.
.
.
.
Itutuloy......
------------------------------------------------------

THE GLASSHOUR 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon