Kabanata Apatnaput Isa

1K 37 4
                                    

Nagmadali ang buong grupo na naglakad patungo sa direksyon ng tahanan ng datu. Makikitang sa daanan ay may mga taong agad sumunod sa kanila ng sila ay makita ng mga ito. May mga patay sa daan na binubuhat ng ilang kalalakihan at dinadala sa isang lugar at iniipon ang mga ito. Makikitang inihiwalay nila ang mga mandirigmang tagasunod ni dawak. May mga buhay ngunit ang mga ito ay nasa isang kulungang kawayan. May mga tumatangis na mga kababaihan at mga bata sa ilang bangkay marahil ay kanilang kaanak. Agad binuksan ang malaking trangkahan sa lugar kung saan ay naroon ang tahanan ng datu. Napapalibutan ito ng mga mandirigma at mga mga babaeng tagasunod ay agad lumabas sa isang tila malaking bulwagan ng makita nilang dumating na ang kanilang prinsesa na si ma-aram. Inipon ng mga mandirigma ang mga nahuling tagasunod ni dawak sa isang lugar at hinila naman ni prinsesa ma-aram si dawak sa nakagapos na mga braso nito patungo sa bulwagan.

" BITAWAN MO AKO! PAGBABAYARAN MO ANG LAHAT NG ITO MA-ARAM, HINDI KITA PATATAHIMIKIN!"

" KUNG MAY DAPAT MANG PAGBAYARAN DITO AY IKAW DAWAK! PUMATAY KA NG MGA TAO AT HIGIT SA LAHAT ANG ATING MGA MAGULANG AT KAPATID! WALA KANG KASING SAMANG TAO DAWAK!"

" SABIHIN MO NANG GUSTO MONG SABIHIN HINDI AKO NATATAKOT SAYO!"

Nang makapasok sila sa bulwagan ay makikitang ang tatlong bangkay na nasa harap ng tila altar at ang mga ito ay pinupunasan ng tila isang uri ng langis ang kanilang mga katawan ng mga babaeng tagasunod. Umiiyak ang mga ito habang ginagawa ang kanilang tungkulin. Agad silang nakita ng babaylang si Nera at nilapitan agad nito si prinsesa ma-aram. Yumuko bilang tanda ng paggalang.

" Prinsesa ma-aram, lubos po akong nalulungkot sa nangyari sa iyong ama, ina at kapatid. Mabagsik po ang lasong ginawa ni dawak na inihalo niya sa inumin. Hindi ko na po nagawang agapan ang nangyari sa kadahilanang kumalat na po ang lason sa kanilang katawan."

Lumapit naman si Camille at remus kay prinsesa ma-aram.

" Mahal na prinsesa nakikiramay po kami sa nangyari sa iyong pamilya."

" Salamat, salamat sa lahat ng tulong ninyo. Sa ngayon ay hahayaan kong ang taong bayan ang dapat magparusa sa ginawang kasamaan ni dawak. Mahigpit na ipinapatupad ni ama na kamatayan ang parusa sa sinumang kumitil ng buhay ng tao."

Dumating ang ilang kababaihan na may mga dalang bulaklak at pabango na agad nilang inilagay sa tatlong bangkay. Lumapit dito si ma-aram lumuhod at yumuko bilang paggalang sa bangkay.

Ma-arams POV

Ama,ina kapatid, patawarin nyo ako kung hindi ko nagawang pigilan ang kasamaan ni dawak. Wala pong kapatawaran ang ginawa niyang ito sa inyo at sa buong mamayan ng nasasakupan ninyo. Ama, ina ipinapangako ko po na gagampanan ko ang tungkulin ko bilang anak ninyo na hahalili sa inyong naiwang tungkulin. Hindi po hadlang ang pagiging babae ko sa tungkuling aking gagampanan bagkus ay tutumbasan ko kung paano ninyo pinatakbo ng maayos ang baranggay na ito. Kapatid patawarin mo ako dahil wala akong nagawa sa napaagang paglisan mo sa mundo. Alam ko na napakarami mo ding magagandang adhikain para sa nasasakupan ng ating ama na ikakabuti ng mga mamamayan. Huwag kang mag alala, sa pamamagitan ko ay matutupad ang mga ito.

Ama, patnubayan nyo po ako sa aking gagampanang tungkulin. Hahayaan ko pong taong bayan ang magbigay ng kaparusahan sa aking kapatid na nagkasala sa inyo at sa inyong nasasakupan.

------------------------------------------------------

Matapos ang ritwal na isinagawa ni ma-aram ay nilapitan nito ang kanyang kapatid na si dawak. Pakaladkad niya itong dinala sa harap ng bangkay ng mga magulang at kapatid saka isinalya.

" HUMINGI KA NG TAWAD SA KANILA DAWAK! NGAYON MO IPAKITANG MALI AKO SA PAGKAKAKILALA KO SAYO NA WALANG KABUTIHAN SA PUSO MO!"

" HAHAHA KAHIT KAILAN MA-ARAM HINDI KO PINAGSISIHANG PATAYIN SILA! SAGABAL SILA SA MGA HANGARIN KO LALONG LALO NA IKAW!"

Nilapitan ni ma-aram si dawak at pinagsasampal ito ng buong lakas kahit ito ay nanghihina na. Agad niya itong hinila paakyat ng hagdan paakyat sa tila balkonahe na nakaharap sa mga mamamayan na nagtipon-tipon sa harap ng tahanan ng datu.

Nagsigawan ang lahat ng makitang dumungaw si ma-aram at hawak naman ng dalawang mandirigma sa magkabilang braso si dawak.

Inilibot ni prinsesa ma-aram ang kanyang paningin sa lahat at batid niyang lungkot at poot ang makikita sa mga mukha ng mga ito. Lungkot sa pagkamatay ng datu at pamilya nito pati na rin ng ibang tao at mandirigma. Poot sa dahilang ang prinsesang si dawak mismo ang may kagagawan ng lahat.

" Batid ko na walang kapatawaran ang ginawang ito ng kapatid ko! Maging kami man ay hindi niya pinaligtas sa kasamaang tinataglay niya! Maraming mga mamayan at mandirigma ang nagbuwis ng buhay dahil sa ginawang ito ng aking kapatid kaya sa inyong mga kamay at pagpapasya kung anong kaparasuhan ang nararapat sa kanya at sa kanyang mga tagasunod!"

Sa narinig ay nagkatinginan si camille at remus na matamang nakikinig sa mga binibitawang salita ni ma-aram. Wala ng maakikitang pagluha sa mga nito bagkus ay pagiging matapang at otoridad sa mukha nito ang makikita na tinataglay ng isang pinuno.

Nagsigawan ang mga mamamayan.

" KAMATAYAN PRINSESA MA-ARAM! KAMATAYAN PARA SA GINAWA NIYANG PAGPASLANG SA IYONG PAMILYA PATI NA RIN SA MGA IBA PANG NASAWI! MAHIGPIT NA IPINAPATUPAD NG IYONG AMA NA KAMATAYAN NG PARUSA SA SINUMANG KUMITIL NG BUHAY NG MGA INOSENTE!"

" ANONG URI NG KAMATAYAN ANG SA PALAGAY NYO ANG NARARAPAT SA KANILA?!"

" ANG IYONG KAPATID AT ANG MGA TAGASUNOD NIYA AY SUMASAMPALATAYA SA ANITONG ITIM! WALANG MABUTING IDINUDULOT ANG PAGSAMBA SA ANITO NILA KUNDI KALUPITAN, KASAMAAN AT KAMATAYAN! KAYA NARARAPAT LANG NA SUNUGIN SILA KATULAD NG GINAGAWA NG IBANG BARANGAY SA MGA BABAYLANG SA ITIM NA ANITO SUMASAMBA!"

Nagsigawan ng sabay sabay ang mga tao na pagkasunog ang parusang igagawad nila kay dawak at sa mga tagasunod nito. At sa kauna-unahang pagkakataon ay nakaramdam ng takot si dawak. Nagpupumiglas siya para makawala pero hindi niya magawa. Nagiiyakan naman ang ibang mga babaeng tagasunod ni dawak na isa-isang nakatali sa loob ng isang hawla.

" HINDI MO ITO MAGAGAWA SAAKIN MA-ARAM! KAPATID MO AKO!"

" KUNG IKAW NAKAYA MONG PATAYIN ANG ATING MGA MAGULANG AT KAPATID PATI MGA INOSENTENG MAMAMAYAN....AKO KAYA KO RING PATAYIN KA! PERO SA TAONG BAYAN KO NA IBINIGAY ANG NARARAPAT NA KAPARUSAHAN SA KATULAD MO!"

" HINDIIIII!!!!!!"

Humarap muli si ma-aram sa mamayan ng barangay.

" IHANDA ANG PARUSANG IGAGAWAD SA KANILA! AT BUKAS NG UMAGA AY ISASAGAWA NATIN ITO PAGSIKAT NG ARAW PARA MAKITA NG BUONG MAMAMAYAN AT MGA DAYUHANG MANGANGALAKAL ANG PARUSANG IGINAGAWAD NATIN SA MGA TAONG NAGKASALA NG LABIS SA KAPWA NIYA! SA APLAYA DOON NATIN ISASAGAWA ITO!"

Tumalikod na si ma-aram at makikitang walang tigil sa kapipiglas si dawak habang patuloy na sumisigaw.

Nakaramdam ng awa si camille dahil nakikita niya sa magkapatid ang kalagayan nilang magkapatid sa kasalukuyang panahon.

Naramdaman ito ni remus at marahang hinawakan niya ang palad ng dalaga.
.
.
.
.
.
.
Itutuloy.....
------------------------------------------------------

THE GLASSHOUR 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon