Kabanata Anim

1.4K 63 1
                                    

Samantala sa silid ni Oxana ay hindi ito mapalagay. Halos magbaga ang mata nito sa dilim sa labis na pagkasuklam sa ina at kapatid. Madilim at hindi niya pinailaw ang kuwarto at nakasalampak sa sahig sa isang gilid.

Oxanas POV

Magbabayad ka camille! Pinahiya mo ako! Tignan natin kung hanggang saan ang pagiging kunwari mabait mo! Pagbabayaran mo ito! Hindi isang tulad mo lang ang sisira sa akin! Hindi ako magdadalawang isip na patayin ka kung kinakailangan na ginawa ko na sa tiyan pa lang tayo! Malapit na kayong magsama ng kakambal mong mahina! Hahahaha!

Nang walang ano anoy may nagsalita sa dilim. Isang malaking boses na nakakakilabot na agad ikinatayo ni Oxana.

" Nabigla ka ba sa pagdating ko DAWAK?! Hahahaha hindi ka pa rin nagbabago sukdulan pa rin ang kasamaan mo na nagdudulot sa akin ng kasiyahan at lakas!"

" Sino ka!!!"

" Ang bilis mong makalimot!!!"

" Magpakita ka! Magpakilala ka!"

" Hindi ito ang panahon Dawak! Darating tayo diyan at ipapaalala ko saiyo ang lahat lahat! Malapit na at ilang buwan na lang disisais ka na, hindi pala kundi ang katawang ginamit mo, sila ng matindi mong kaaway na isinumpang pupuksain daan daang taon na ang nakalipas! Kung inakala mong nagtagumpay ka na sa ginawa mo nagkakamali ka. Pinagbigyan kita sa kahilingan mo noon at sa ngayon ay nalalapit na ang paniningil ko sa iyo Dawak! Kaya kailangang magtagumpay ka hahahaha!"

" Anong ibig mong sabihin!?"

" Hintayin mo ang takdang panahon Dawac! Malapit na at siguraduhin mong magtagumpay ka!"

Pagkasabi niyon ay tuluyan ng nawala ang boses at tila may hanging malakas na lumabas galing silid palabas ng bintana.

Napaisip si Oxana. Kung sino at ano ang tinig na iyon. At kung bakit Dawac ang tawag sa kanya nito ngunit pamilyar sa kanyang pandinig.

Oxanas POV

May hindi pa ba akong alam na lubos sa aking pagkatao? Alam kong may kakaiba sa akin noong bata pa ako pero hindi ko lubos maunawaan. May mga lumalabas na salita sa akin na hindi ko lubos na maunawaan kung saan ang pinaghugutan ko nito. Ang alam ko lang ay poot sa lahat ng tao ang aking nararamdaman. Oo poot maging sa aking ama. Pagkukunwari lang ang lahat sa dahilang kailangan ko ng kakampi sa pamilyang ito, na nararamdaman kong hindi ako kabilang dito. Ano pa ba ang mga sekreto sa aking pagkatao ang malalaman ko!
------------------------------------------------------

Sa kabilang silid ay hindi rin makatulog si Camille. Kung saan ang silid na kanyang ginagamit ay ang silid ni Lolo roman niya.

Camilles POV

Hindi ko lubos maunawaan kung bakit ganun na lang magalit si Oxana. May pagkatao siya na hindi pangkaraniwan. Marami siyang lihim na itinatago sa likod ng pagpapaawa niya ay wala kang makikitang totoo sa ginagawa niya. Nakakabahala na maging si mama ay nakukuha niyang sagutin ng ganun.

Hindi ko rin lubos maunawaan ay ang nangyari kanina sa akin. Iniisip ko lang na agad makapasok sa kulungan ng kalapati ay kung bakit nandun agad ako sa isang iglap. Pero marami namang pagkakataon na hindi naman nangyayari iyon sa akin. Ano bang meron sa akin at nangyari iyon kanina.

Sa pagninilay nilay ni Camille ay biglang may liwanag na tila anyo ng tao at narinig siyang isang boses. Isa itong boses babae na tila musika sa kanyang pandinig dahil sa mahinahon nitong pagsasalita.

" Sino ka?!"

" Camille, hindi mo pa ako maaring makita sa dahilang hindi pa ito ang panahon. Ngunit nanatiling nandito ako at nasusubaybayan ko ang nangyayari sa iyo at sa kapatid mo. Lubha akong nababahala sa dahilang muling may magbabalik mula sa nakaraan. Hindi ito mapipigilan sa dahilang ibang puwersa ang humahawak nito."

" Anong klase po ba kayong nilalang at di ko kayo nakikita?"

" Sa ngayon camille ay hindi pa. Huwag kang mag alala dahil isa akong mabuting nilalang na ang hinangad ay mapabuti ang nakatakda."

" Nakatakda."

" Oo camille, sa araw mismo ng kaarawan mo pagtungtong mo ng disisais ay malalaman mo ang katotohanan sa pagkatao mo. At sa pagtungtong mo ng edad na iyon ay may mga pagbabagong mangyayari sa iyo at sa pamilya mo. Kaya lubos kang magpakatatag sa mga darating na pagsubok sa iyo."

" Ano po ba ang ibig ninyong sabihin? Naguguluhan ako!"

" Katulad ng sinabi ko sa tamang panahon ay magpapakilala ako sa iyo pag oras mo nang maging manlalakbay ng panahon."

Pagkasabi niyon aya agad ding nawala ang liwanag sa harap niya. Agad namang napabalikwas si Camille na sa pag aakalang panaginip lang ang lahat.

Ano ang mga iyon? Pangitain ba sa panaginip o totoong nangyari?.Anong sinasabi ng boses na iyon na manlalakbay ng panahon? At ako? Ang gulo.

At sa kaarawan ko, ano bang meron sa araw na iyon?
------------------------------------------------------

Sa kabilang silid ay pabulong na tila may kinakausap si Oxana.

" Makinig ka sa akin! Puntahan mo ang mga alaga ni Camille! Patayin mo lahat, kainin mo hahaha! Wag kang magtira ni isa! Tignan ko lang kung gaano ka pa magpapakabait sa gagawin ko hahaha. Unti unti kitang sisirain bago kita patayin camille! Hindi mangyayari ang mga sinabi ni Ma-aram!....
.
.
.
.
.
.
.
Itutuloy.....
------------------------------------------------------

THE GLASSHOUR 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon