Habang nasa biyahe pauwi ng bahay ay tahimik lamang si owen. Malalim ang iniisip sa napakaraming bagay na kanyang natuklasan sa loob lamang ng isang araw. Maging si ram ay hindi makapagsalita na patingin tingin kay owen na nakatingin sa labas ng bukas na bintana ng kotse habang naninigarilyo.
" Stressed,tension, or adik ka na din sa yosi owen?"
" Stressed lang ito ram. Alam mo naman pinagdadaanan ko ngayon at ng pamilya ko."
" Hanggang ngayon hindi pa rin nagsi sink sa utak ko ang mga natuklasan ko. Sa loob ng napakaraming taon. Naitago mo sa akin ang lahat ng ito owen."
" Mahirap kasing paniwalaan, baka isipin mo nababaliw ako ram kaya minabuti kong ilihim na lang sainyo."
" Alam ba ni carmella ito?"
Napahinga ng malalim si owen bago nagsalita.
" Hindi na niya nalaman hanggang kamatayan. Wala kasi akong lakas ng loob sabihin sa kanya. Pero alam kong nahihiwagaan siya sa ipinapakita ni oxana. Iniisip niya bunga lang ito ng kabataan may pagkarebelde."
" Anong balak mong gawin ngayon?"
" Huwag ka na munang umuwi, text mo si vera isinama kita sa bayan may pinuntahan tayo."
" Ha bakit?"
" Ipapakita ko sayo yung mga larawan namin ni lolo oman, pamilya niya at mga kaibigan namin. Idaan mo sa bahay at kukunin ko yung memory card na itinago ko."
" Yan ang pinakagusto kong gawin ngayon ang malaman ang katotohanan sa nangyari sayo."
" 1941 iyon ram. Mga picture at video iyon na kuha ko sa kanila bago ang world war 11."
" Di ba dito din yun sa baryong ito?"
" Oo. Makikita mo kung gaano kaganda dati ang baryong ito noong panahon. Maging si carmen ang una kong minahal. Kung gaano mo kahawig si lolo oman noong kabataan nito ay ganun din si vera kay veronica. Mamangha ka sa pagkakahawig ninyong lahat sa mga mga taong nakasama ko noong panahon."
" Anong naramdaman mo noong nakabalik ka sa panahon mo after 9 mos?"
" Sobrang lungkot ko noon ram katorse lang ako at lahat sila ay napalapit na sa akin lalo na si lolo na naging bestfriend ko pa."
" Hindi mo man lang ba nalaman na si oman ay si lolo roman?"
" Paano ko malalaman eh hindi pa kami nagkikita ni lolo roman. Papunta pa lang kami ni mama at papa dito sa bicol ng mangyari ang time travelling ko."
" So si lolo roman ang existing na manlalakbay ng panahon, saan na yung dati?"
" Nasa Hora na si Geor, yung manlalakbay ng panahon bago si lolo. Yun ang nagdala sakin sa taong 1941."
" Nakakamangha talaga ito owen. Tapos ngayon si Camille ang itinakdang ikasandaang manlalakbay ng panahon na buhay sa henerasyon niya. Ano nga pala yung Hora?"
" Mundo yun ng ng mga angkang itinakdang manlalakbay ng panahon. Sabi ni Geor noon sakin. Doon napupunta ang mga manlalakbay na tapos na ang misyon at ang pamilya naging pamilya nito."
" So pati ba ako at pamilya ko mapupunta dun?"
" Hindi ko sigurado ram. Sa pagkakaintindi ko ay ang pinanggalingang pamilya ng manlalakbay at magiging pamilya ang makakapunta doon. At yun ang pinakahuling nabuhay sa angkan."
" Pero bakit si camille?"
" Itinakda nga siya ng Diyos ng manlalakbay ng panahon na ang kauna unahang manlalakbay ng panahon at siya ang ika sandaan sa angkan natin na galing kay maaram."
BINABASA MO ANG
THE GLASSHOUR 2
FantasyMaraming katanungan sa iyong isipan sa kasalukuyan na tanging sa nakaraan ang kasagutan. Kakayanin mo ba ang responsibilidad sa hinaharap na sa nakaraan ay itinakda na para sa iyo.